Chapter 5: Black Eye

"WHAT ARE YOU DOING?" Haplos-haplos ni Eros ang nasapak na mata. "Damn you! Ano na naman kasalanan ko?" It occured to Eros na oo nga pala, sinuntok lang naman niya yung pinakamamahal ng babaeng ito. "OK, I think I just overreacted. I-I'm sorry. I would be very willing to confront him and tell him -"

"Tell him what?"

"Sasabihin kong he was right about -"

"Hey, hey. You listen to me. Wala kang sasabihin na magpapahiya sa akin. Kahit kanino. OK? Ang hindi ko lang naisip (huminga nang malalim si Kie) eh kung bakit nakuha mong makipag-necking-necking sa akin kanina, hayup ka!" Sabay isang hampas sa balikat ni Eros.

Huh? 'Yun ba ang dahilan kaya sinugod ako nito?

"Oo. At isa pang ulit na gawin mo sa akin 'yun, without my permission, magiging diliman ang mukha mo."

"O-OK..." Nagpalinga-linga si Eros at naaninag niya ang kanyang salamin. Tumayo siya at nakita na niya ang umuusok na ilong ni Kie.

Siguro nagtitigan sila mga tatlong segundo. Pagkatapos nun ay kumindat ng kaunti si Eros, parang may pumuwing sa kanya. Kinusot niya ito nang bahagya ngunit pagkahipong-pagkahipo pa lang ng mga daliri niya, napaimpit siya sa sakit. Sa eksenang ito, naawa nang bahagya si Kie.

"Masakit ba?"

Hindi sumagot si Eros. Anak ng tokwa, napaimpit ka na nga sa sakit eh...

Yumuko si Kie. "Oo nga pala. Ah, eh. S-Salamat nga pala... dun sa... sa canteen..." pagkakataon naman ngayon ni Kie para magpakumbaba. "It could've been my end. Naamin ko na sana. K-Kahit si Elle, nahirapang ipagtanggol ako."

Sa pagkakataong ito, nawirduhan na si Kie dahil hindi pa rin kumikibo si Eros. Kung kumpleto man na gumagana ang dalawang mga mata ni Eros, siguro 100% talim ng tingin ang makukuha ni Kie.

"I quit." Bagama't sa umpisa pa lang dapat narinig na ni Kie ang mga salitang ito, nagulat pa rin siya at sa ganito ka-perpektong panahon sumuko na ang binata. "I almost lost my delegation, my graduation honors... pati student delinquency nakasama na sa mga records ko. What do you expect me to do?" Alam na ni Kie ang sasabihin niya, pero kung anuman ang sasabihin niya dapat, kontrang-kontra ng sinabi ng binata. "Pati si Marie... malabo na."

Oh no... Sa loob-loob ni Kie, mukhang wala na ngang dahilan si Eros para ipagpatuloy niya ang plano. Ano nga bang benefit ang makukuha niya sa setup na ito gayong wala na yung tanging dahilan bakit nagpakatanga siya?

"Ititigil ko na rin sana ang kontrata hanggang maging satisfied na ako. We'll go on as (habang sinesenyas ni Kie ang 'quotes') a real couple, sana, for just a few days. Para sana malaman mo rin... if ever... naging kayo..." Damn it, andami kong nasabi. What the heck, hindi ko naman kailangang palubagin ang loob ni Erotic eh. "Anyway, I'll call it qui - "

"Sandali..." Sa pakiramdam ni Kie, mukhang nagkakaroon ng transformation si Eros. "A-Akala ko kunyari-kunyarian lang ang setup natin?"

"Oo nga, pero ang relationships kasi, hindi ganoon kadali i-fabricate kaya..."

"G-Gagawin mo talaga 'yun... just to hurt your ex? You're... you're crazy!"

"Kaya nga tatapusin ko na ngayon anuman ang nangyari eh. I was clouded by this emotion going on inside me..." Sa lahat ng mga bagay na inaasahan ni Kie, ang pagngiti ni Eros ang pinakawala sa listahang iyon. "Ah OK... so anong tumatakbo sa isip mo ngayon? Kani-kanina lang sinabi mo baliw ako, pero ikaw ngayon ang nagpapakita ng mga crazy faces..."

"M-may naisip lang ako." Naupo muna si Eros sa isang bench sa tapat ng Maceda Bldg. at litong sinundan ni Kie ang "nag-iisip" na binata. "You think you still want to push this thing?"

"Errr... what thing are we talking about?"

"This fabricated relationship thing..."

Confused. Overdose na siya sa ganitong feeling magmula kaninang umaga nang magsalita si Elle hanggang ngayon na parang feeling niya talaga na dapat ihinto na ang kabaliwang ito.

"Teka-teka, kani-kanina lang naiinis ako sa'yo kasi you said you're quitting. And from the messes you enumerated in front of me, you actually convinced me to stop this. And right now -"

"Nasa clinic ngayon si Ryan at hindi natin alam kung anong offense ang gagawin niya." Sa simpleng pangungusap na yun, natigil si Kie. Bakit sa loob ng apat na oras ay hindi niya naisip na baka kung ano'ng mangyari sa kanya. Pero nag-isip nang kaunti si Kie... ang dating lang naman ay "pinag-aagawan siya ng dalawang lalaki" kaya malayong ma-expell siya o kung anuman.

"O, tapos? Mike (ayaw talaga ng mga tao sa pangalan ni Eros) ikaw ang sumuntok, ako yung hinarass..."

"At ikaw ang may pakana ng lahat ng ito."

"O-OK (nanginig ng kaunti si Kie, pero kumuha pa rin ng poise ang dalaga), s-so paano mo naman mapapatunayan yan?"

"Actually, hindi ko na kailangang patunayan." Nagtaka si Kie at pilit niyang tinititigan si Eros kung ano ba talaga ang plano nito. "Sa tingin mo, sinong papaniwalaan sa ating dalawa ni Mrs. Canta?"

At yun na. Natakot na si Kie. Unang record ni Eros ang pagkakasuntok niya kay Ryan. Hindi rin malabong masisi siya dahil mukhang alam na ni Ryan ang "setup" nila. At oo nga naman, sino sa kanilang dalawa ang paniniwalaan ni Mrs. Canta, ang lalaking nanuntok nang isang beses lang sa buong buhay niya at running for honors pa, o ang isang maharot na babae na nahuli ng principal na nakikipag-wrestling sa bestfriend niya sa harapan ng classmates noong third year sila? Sa gunitang ito, napatahimik si Kie.

"Well, I didn't mean to freak you out, pero kailangan mong isipin. The safest way to your graduation is through me... my way..."

"You're not a freakin' Gandhi of some sort para sabihin mo sa akin iyan!"

Napabuga nang hangin si Eros dahil sa sinabi ni Kie. "I may be well-behaved, but I assure you, I'm no angel."

Obvious ba? Sa isip-isip ni Kie, sino pa ang maghahangad sa langit kung may anghel na tulad ni Eros? "O-OK... what's you're way then?"

"Starting yesterday, we'll be dating for 100 Days. You should've figured out na isang week lang iyon after our Grad Ball, and according to my estimates... you should be dancing with him in the Grad Ball and be back together the week after that."

Hindi narinig ni Kie ang mga mathematical jargons ni Eros. Noong una, wala siyang pakialam kung gaano kahaba magtatagal ang aktingan nila. Basta after Grad Ball, ayaw na niyang maisip pa si Ryan and go on with college life. Pero nang binilang na ni Eros ang dami ng araw, at may allowance pa ng isang linggo, medyo natakot siya. "100 Days? A-antagal 'nun ah!"

"Alam ko na hindi mo alam ang mga pinagsasasabi mo kagabi. Kaya hinintay ko lang na humupa ka for today. And hoping this play thing would come to an end. Kaso andaming nangyari. Pero siguro, hindi mo alam kung bakit sinabi ko na may possibility na sumayaw kayo ni Ryan sa Grad Ball..."

Tama si Eros, dahil kahit sa sarili niya, hindi niya alam kung bakit nasabi iyon ng binata. Kahit sa sarili niya, hindi niya maamin na gusto pa rin nilang magkabalikan ni Ryan.

"Para sa isang babaeng ma-pride, bihira kong marinig ang isang katulad mo na aamin ng pagkakamali. Sa tingin mo, bakit kailangan mong umamin sa kanya sa ganito kaagang panahon?"

Tama si Eros. Sinabi niya iyon hindi dahil gusto na niyang mapakawala ang galit niya o "itama ang pagkakamali", kundi gusto niyang magmukhang OK sa harapan ni Ryan. Pagkatapos ng murahan at sapakan, ginusto pa rin niyang itapon ang pride para mahilom ang kung anumang sugat na namagitan sa kanilang dalawa.

"OK. Gagawa ako ng set ng rules bukas. But for the meantime, ang dapat muna nating pag-usapan ngayon, kung paano haharapin ang parents nina Ryan. Kung paano natin malulusutan ito. OK?"

"O-OK." Nawala na ang natitirang angas ni Kie sa harap ni Eros. Ngayon lang sila nagkausap na mas nakakaangat ang binata.

May biglang sumagi sa isip ni Eros. "Nasaan nga pala si Elle?"

HINDI MALAMAN NI MR. MITRA KUNG SAAN IPA-PARK ANG KOTSE NIYA. Natatakot siyang iwanan ang kanyang matabang Expedition sa labas. Hindi naman puwedeng sa loob siya mag-park dahil para lamang iyon sa mga bisita. Pero dahil siya ang presidente ng PTA ng Masci, nagawa niyang mapakiusapan ang mismong principal na mag-park na lang siya sa bandang grotto ng paaralan. Hindi pa siya pumunta sa paaralan na bitbit ang kabibiling mamahaling sasakyan dahil noong mga nakaraang PTA meetings, OK lang ilagay sa labas ng paaralan ang mumunti niyang Civic. Kailangang dalhin ni Mr. Mitra ang Expedition para dalhin sa Manila Doctors' Hospital ang anak niya.

Sa pagpasok niya sa Guidance Counselor's Office, nakita niya ang sabog na mukha ni Ryan, katabi si Louie, at sa katapat na dalawang upuan ay sina Elle at Kie naman. Nasa likuran ni Kie si Eros at nakayuko, parang pinagsisisihan ang ginawa. Sa paligid naman ay palakad-lakad si Mrs. Canta at sa desk ng Guidance Counselor ay si Mrs. Nieverra.

"Did you process his expulsion Mrs. Canta? I don't want to be mean, but when I saw my son (nilahad ni Mr. Mitra ang kamay niya sa kawawang anak)... I mean, that's intolerable!"

"Alam po namin Mr. Mitra, pero sa ngayon, inaalam muna po namin ang kuwento nila. Kapapasok lang po ng mga bata nang tumawag kayo sa amin 10 minutes ago," si Mrs. Nieverra.

"Nasaan ang parents niya?" Tumingin sa direksiyon ni Eros si Mr. Mitra.

"Ang tatay niya ay nasa Cebu ngayon at ang nanay niya (lalong yumuko si Eros) ay yumao na," paliwanag ni Mrs. Nieverra.

"I pity you son. No wonder. Your parents failed to raise you -"

Ayaw mambastos ni Eros, pero naunang nambastos ang matanda. "With all due respect sir, you don't know how I am raised. And I apologize for my harsh words, but you're not my father." Hindi makapaniwala si Kie sa narinig niya sa binata. Napataob niya ang matandang Mitra ngunit nagmukha pa ring kagalang-galang si Eros.

"I'm sorry." Huminga nang malalim si Mr. Mitra. "Anyway, can we get to the root of this?"

Kay Mrs. Nieverra na ang referee role. "OK, can we start with you, Ryan?"

At sa panahong iyon, nasabi ni Ryan ang "katotohanan" sa nangyari noong araw na iyon. Kung paano niya nakita si Kie, kung paano nakipagsagutan si Elle, at kung paano pumasok sa eksena si Eros. At ng "pagdilim ng paningin" niya pagkatapos ng matinding suntok ni Eros.

"OK, malinaw na naka-offend ang anak ko. And I can't tolerate that. But you have to ask these kids if my son's speculation is true. 'Cause I really know my son and Kie are really having a nice relationship. My son didn't do anything bad."

"Is it true Miss de Jerez? Were you cheating with Ryan?"

Tumikhim ng kaunti si Kie. Pinakita niya ang paninindigan. "Yes Mr. Mitra. I did cheat on your son." Sa panahong ito, lumawak ang ngiti ni Mr. Mitra. "But you have to consider what happened before, the time when -"

"Kie, you already admitted you cheated on my son. What's left that needs any explanation?" Dalawang segundong katahimikan.

"With all due respect sir, please let Kie finish her statement the way we waited for your nonsense to finish." Si Eros.

Namula ang mukha ni Mr. Mitra. "Who's this character anyway?"

Pumasok na si Mrs. Canta. Gamit ang "Mirriam Defensor" na accent niya, sinabi niya, "He is our representative for the International Math Olympiad and he is running for honors, Mr. Mitra. And if you want to hear the entire story, we should be listening to both sides. We don't tolerate misbehavior and that should apply to everyone inside this room." Natuwa sana sina Kie ngunit may pahabol pa si Mrs. Canta. "As for you Mr. Ballesil, I'd suggest you keep your mouth shut until we ask for your side of the story."

"Yes Ma'am." 'Yun na lang ang huling mga sinabi ni Eros at naging "behaved" na siya.

"So where were we Miss de Jerez?"

Siguro dahil sa sobrang excited na siyang umalis sa bilangguang iyon ay hindi niya narinig ang unang tanong na iyon ni Mrs. Canta. Kinailangan pang tumikhim si Mrs. Canta para magising siya mula sa excitement.

"Ahh, yes. What happened before. Last December, or January, I mean... (nalito si Kie dahil alam niyang New Year's Eve ang pangyayaring iyon). I was expecting him to go with me on the Fireworks display parade along Baywalk Area. He didn't come, and though I was disappointed, I proceeded going to the parade with my bestfriend Elle. That time, along the baywalk, I just felt having a drink or something (at medyo napasama ang imahe ni Kie dahil nabanggit niya at dahil menor de edad pa lamang sila ay nag-iinuman sila sa Baywalk. Sa panahong ito, na-shock si Mrs. Canta), when I saw Louie and Ryan kissing. You know Louie, Mr. Mitra?"

Ang totoong istorya ay alam na niyang nagkikita ang "mag-bestfriend" na sina Louie at Ryan, at knowing na selosa si Kie, sinundan niya ang bawat kilos ni Ryan. Oo, nakita niya sa fireworks display sina Ryan, ngunit hindi niya kasama si Elle noon. Kinagabihan, "umuwi" ang dalawa sa Bachelor's pad ng lalaki. At dalawang oras ang nakalipas, lumabas na si Ryan na naka-boxers na lang, hinahatid papalabas ng pad si Louie.

Clueless si Mr. Mitra dahil halos lahat ng mga naging girlfriend ni Ryan ay hindi niya kilala. Pero kung sasabihin ni Mr. Mitra na hindi niya kilala si Louie, mapapahiya siya at ang kanyang anak. Tumingin siya sa tabi ng binata at in-imagine na kilala niya ang babae. "Of course, iniwan ka niya maybe because of you cheating on my son."

Napaghandaan na nila nina Eros ang eksenang ito, "Yes, but do you think I'll be bringing my bestfriend Elle to the parade instead of my 'third party', sir? And should it be Ryan's move to first invite me for the parade instead of bringing in some random girl?" Umasim ang mukha ni Louie. "One more question, I thought I heard you knew we were in love. I guess tama po kayo sa part ko. How about your son? Do you really know he loves me?" Naghanda na si Kie sa mahabang litanya niya. "Noon pa po nanliligaw sa akin si Eros. Batchmates kami at for a few years, ginagawa niya ang lahat sa akin. One time, nang feeling ko, nabo-bore na sa akin ang anak niyo and I can't give my virtginity to him (na-shock ang mga matatanda, at yumuko naman si Ryan), pinuntahan ko si Eros sa bahay nila. Excuse yung gagawa kami ng project for History, pero gusto ko lang talaga ng kausap. Pagkatapos no'n, umiyak ako sa dibdib ni Eros. That started my cheating on your son, pero alam ko, mahal ko pa rin si Ryan." Sumilip nang kaunti si Kie kay Ryan, at totoo ang sakit na ipinakita niya rito.

Medyo napahiya doon si Mr. Mitra. Pero may isang tanong siya na hindi makatkat sa isip niya. "What does this have to do with Mr. Ballesil hurting my son?"

"Your son cheated first. That's all I'm saying, even before we separated two days ago."

"OK. And how can you prove me you're not playing games with my son? I-I mean a few days weren't enough for you to cheat with my son."

"Si Mike po ang unang pinagsabihan ko sa mga suspetsa ko sa anak ninyo. He's always there beside me, having him as my classmate for four years, which we call a grandslam. That's why on the first day of the year, when I told him about your son, he confessed to me. And felt relieved he was there. If you're going to ask me if this is some big joke, ask your son. But if you take it from me sir, mukhang masakit yung pagkakasuntok ng bugso ng damdamin ni Mike. No guy would risk his delegation to the IMO or his race for honors for a stupid plaything, with all due respect, sir."

"OK. You might be right that my son is responsible for this, pero bakit kailangang suntukin ang anak ko?" Matinding tanong ni Mr. Mitra sa Spanish-Filipino accent nito.

"Can I speak Mrs. Nieverra, Mr. Mitra, Mrs. Canta?" Isang maliit na pasundot ni Elle ang narinig.

"Sure, if it helps Mr. Mitra, Miss Amelia." Nairita nang kaunti si Elle sa pagkakabanggit ni Mrs. Nieverra sa pangalan niya.

"Sa maniwala po kayo't sa hindi Mr. Mitra, he missed a slight detail dun sa kinuwento niya kanina."

"And that is... ?" Lumingon sa panig ni Elle si Mr. Mitra.

"Your son called me a bitch. And if that's not enough, he called the poor guy (tumingin nang sandali si Elle kay Eros) a man-whore, if I am allowed to speak those words..."

Parang ansagwa ng pagkakasabi ni Elle sa puntong na-shock ang lahat ng mga matatanda sa loob ng kuwartong iyon. Si Mrs. Canta, kahit narinig na niya ang kuwento mula kay Eros, ay bahagyang nagulat pa rin. Hindi pa niya narinig ang mga salitang iyon na ganoon kalutong. Ano pa kaya nung panahong nagkakainitan ang dalawang binata.

"Talk about raising your child Mr. Mitra!" Si Mrs. Nieverra. Si Mrs. Canta naman, parang naginhawaan na galit na di malaman.

Nanginginig-nginig pang tinanong ni Mr. Mitra si Ryan, "I-Is this true, Ryan?"

Nagsalita si Kie pansumandali. "Excuse me sir, pero may namiss-out pa po tayong detalye." Maya-maya ay inangat na ni Eros ang mukha nito, mula sa normal nitong hitsura na nakaharang ang mga buhok sa kaliwang mata nito, at sa likod ng salamin na unti-unti nang ibinababa ni Eros, ipinakita ang nangingitim na mata nito.

"Who did that? I-I didn't notice that from my office!" Tanong ni Mrs. Canta. Kani-kanina lang, parang focused na focused si Eros sa pagsagot niya ng papers. Parang walang sakit na nararamdaman. Na-realize ng matanda na buong panahon na nag-uusap sila, laging nakayuko ang binata. Kaya siguro parang gusto na muna nitong umuwi.

"Nung nagdilim po ang mukha ni Ryan, siguro po dahil sa reflexes niya, nasuntok po niya si Mike bago siya nawalan ng malay."

At malay nga ba ni Ryan? Nagdilim ang paningin niya at hindi na niya nalaman ang mga sumunod na nangyari. At aaminin ni Ryan, bukod sa gulat, galit ang naramdaman niya nang mga panahong iyon.

Hindi alam ni Mr. Mitra kung ano ang sasabihin niya. Kung tutuusin, quits-quits lang ang dalawang panig.

"You could've killed my son Mr. Ballesil, you know that. And I promise you, we're not done here... yet. Sisiguraduhin kong mapupunta ka sa Boys Town."

Hindi nakapagsalita si Eros pagkatapos siyang supilin ni Mrs. Canta. Pero sa pagkakataong ito, kailangan niya nang magsalita. "Sir, I'm really sorry if I did harm to your son. Hindi ko po intensiyon na saktan siya. Nadala po ako ng aking damdamin. But if you plan to threaten me with those words, I won't be shaken. After all, I'm not afraid of you, the way I do not fear your son." Natahimik nang kaunti ang kuwarto, ngunit hindi pa pala tapos si Eros. "After all, like father, like son. Am I right sir?"

Pagkatapos nito ay tiningnan ni Mr. Mitra nang masama ang anak. "Let's go." At parang asong sumunod ang anak sa ama, papunta sa sasakyan nila.

"MAY RABIES KA PALA, MIKE!" Pagkalabas na pagkalabas nina Kie sa Guidance Counselor's Office, naghuhumiyaw sa paghanga si Elle na tinahak ang daan palabas sa isinumpang lugar na iyon. "Sino ba naman ang makakapagsalita kay Mitra nang ganun ganun lang? Mahusay ka palang magplano!"

Lumapit si Kie kay Eros, at humarap sa kanya. "Alam mo, malaking gulo ang pinasok mo ngayong araw na 'to. Hindi ka ba natatakot na baka ma-expell ka sa eskwelahan na 'to at malagay ka nga sa kulungan?" Hindi nagsasalita si Eros at lapat ang mukha nito. Parang walang naririnig. "K-Kaibang tapang yung nakita ko kanina. Hindi ko alam na ganyan ka pala katapang." Humakbang na nang tuluyan si Eros papuntang classroom nila. Ngunit habol-habol pa rin siya ng dalawang babae. "Ano ka ba? Naknamputang pinupuri ka na nga eh, wala ka pa ring -"

"Shut the hell up! I'm thinking."

Naningkit ang mga mata ni Kie at bumilog ang bibig nito. "You don't tell me when to shut up!"

"At sa tingin mo kung hindi sa kakadada mo, hindi ako mapupunta sa sitwasyong ito?" Mas effective ang banat na ito ni Eros kaysa sinabi niya kanina. Hindi naman humirit si Elle dahil tama naman siya. "Bukas, babasahin mo ang mga rules, at kung aangal ka, I can make adjustments. Hindi ako malupit, but believe me, you won't want to push me to my limits." Pagkatapos ng sinabing iyon ni Eros, nasa harap na sila ng pintuan, habang naririnig nila ang kanilang Filipino teacher, si Mr. Chito. "Pumasok na tayo sa class. Marami tayong mami-miss."

"Eh wala namang kuwentang klase 'yan eh. Bakit papasukan pa natin?" Si Kie.

"Kahit walang kuwenta, kailangan pa ring ipasa. Honor student ako, pero hindi ko iniisip na alam ko na ang lahat."

Ang yabang ng kuwagong 'to. Inisip na lang ni Kie, walang kuwenta kung makipag-argumento pa siya. Pumasok na si Eros, at delikado kung magtanong si Mr. Chito kung nasaan na ang mga kasama nito kanina.

Sa pagpasok nila sa kuwarto, isang pang-asar na tanong ang ibinuga ng guro. "So, sino ang masususpinde sa inyo ngayon?"

ALAS-SAIS NA NG GABI SA MASCI. Pagkalabas na pagkalabas nila ng kuwarto, biglang hinila ni Kie si Elle papuntang "Batibot", ang puno na makikita sa tabi ng guard house. Magreklamo man nang magreklamo si Elle sa bumakat na mga daliri ni Kie, hindi pa rin siya sinasagot nito kung bakit siya hinila doon.

"Ano ba 'to? Mag-uusap ba tayo? Eh bakit hindi mo 'ko kinausap kanina? Andami-daming oras -"

"Akala ko ba aamin (at sumenyas na naman si Kie nang 'quotes' sign) tayo kay Ryan na palabas lang 'to? Ano 'yung pinagkakakana mo kanina na deserving lang si Ryan na palitan ko siya?"

Kung dragon lang si Elle, malakas na bugso ng apoy sana ang lumabas sa ilong niya. "Ewan ko sa'yo kung tanga ka talaga o sadyang martir sa soap opera. 'Yung kambing na 'yun? Sa tingin mo, kahit hindi tayo magkapatid, papayag akong paglaruan ka ng bastos na 'yun?"

"At kailan pa nangyaring pinagdesisyunan mo kung ano'ng mangyayari sa aming dalawa? Best friends shouldn't be ruining each other's personal lives."

"Naniniwala ako na ang totoong kaibigan, hindi niya hahayaang masira ang isang tao kahit ayaw pa nito. Pasaway kang bruha ka. Dapat nga, bilang kaibigan, sinampal na kita kanina eh, para magising ka sa kantotohanan. Kung hindi lang pang-soap opera 'yung mga ganung eksena, eh..."

Natahimik ang dalawa. Maya-maya, lumukot ang mukha ni Kie, parang sinasabi, "Eh sa mahal ko siya eh."

Wala namang lamok sa mukha si Kie, pero napalakas 'yung pagkakasampal ni Elle, bagay na nagpapula sa kabuuan ng tsinita nitong mukha. "Sabi ko nga eh, dapat sinampal kita." Nanlaki ang mga mata ni Kie at gulat na gulat sa ginawa ng kaibigan. "Oh, gising ka na pala, halika na, matulog na tayo sa bahay. Pagod na ako!"

Bagama't hindi pa makapaniwala, nahila si Kie ni Elle pauwi. Sa jeepney stop, nakatingin pa rin si Kie kay Elle na parang gulantang.

"O, masakit ba? O sige, ganito, ikokontrata kita, kapag ako, may ginawang kagagahan sa mga lalaki, sampalin mo rin ako." Maya-maya pa, may narinig na rin mula sa mga pisngi ni Elle. "Gaga ka! Hindi pa ako tapos! Magmula ngayon... as in starting from this point!" Bubulung-bulong si Elle habang pasakay na siya sa jeep. Si Kie naman, umuwi mag-isa gamit ang LRT, haplos-haplos ang pisngi.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options