"ALAM MO, HINDI BAGAY SA IYO ANG NERBIYOSA," puno ng pulburon ang bibig ni Elle nang mag-flag ceremony sila. Biyernes na, and supposedly, half-day lang ang schedule nila ng klase. Sa umagang iyon, hindi na naman nag-almusal ang bestfriend ni Kie. "Alam mo, kung ngayon pa lang ay worried ka na sa date niyo next week, ibig lang sabihin 'nun, may feelings of discomfort ka with him."
"I'll take it as an understatement." Sabi ni Kie. Nabanggit kasi niya ang date nila ni Eros two days ago.
"Understatement my ass. Hindi ko nga alam kung bakit nagmumukmok ka kahapon, eh. If I know tungkol 'yun sa pangakong napako ni Ross."
"Wait, nandiyan na siya." Si Kie, habang nakitang papalapit si Eros sa bahaging iyon ng kanilang pila.
Tuwing Biyernes ng umaga, nagsasagawa ang paaralan ng misa para sa paaralan. 'Yun daw ang naging swerte nila para makahakot ng mga ginto mula sa mga competitions. Ang mga kawawang INC, Protestants, at Muslims ay nandoon at nakatambay sa canteen, sa library, o sa kung anumang lugar na naisin nila.
"Kie, Elle, puwedeng tumabi muna sa inyo?"
Malaki ang ipinagbago ng pakikitungo ng tatlo sa isa't isa magmula nang "date" na iyon sa Paco Park. Si Eros, naging "normal" na ang attitude niya sa harap ni Kie, meaning hindi na niya binibigyan ng dahilan si Kie para magmumumura at manapak ng hindi kilalang classmate. Si Kie naman, mas nagmukhang seryoso sa mga assignments, at hindi maikakailang nagugustuhan na niya ang subject nilang Advanced Chemistry. Boy number 3 si Eros, at Girl number 3 naman si Kie, kaya madalas silang maging magka-partner sa mga projects at assignments. Si Elle naman ay Girl number 2 kaya laging hiwalay siya sa bestfriend. Sa Advanced Chemistry ay magkatabi silang dalawa nina Kie at Eros para sa mga experiments, at napansin ni Elle na mas nagiging cooperative si Kie ngayon, na ang ibig sabihin naman ay totoong aksidente na niyang natatapon ang Sodium Hydroxide kay Eros, hindi dahil inis siya rito, kundi dahil nakatanga siya minsan, at parang nag-iisip. Si Elle naman, naging morality police ni Kie, dahil sa tuwing nagiging mabait si Kie kay Eros, sinisita niya ang dalaga at laging sinasabing, "Rule No. 2!"
"Ano na naman problema mo?" Sa araw na ito, parang nagbalik sa normal si Kie. "Bakit, kelan ka pa naging girl number 3?"
"Kung gusto mo 'dun muna tayo sa likod, dati mo namang ginagawa 'yan di ba?" Maya-maya, parang na-realize ni Eros na mali ang pagkakasabi niya. In-expect na niya ang reaction ng dalaga.
"At ano naman ibig sabihin 'nun?"
Noon kasi, pumupunta sa likod ng pila si Kie para makasama ang dating kasintahan. Nag-device na lang si Eros ng alibi. "Na ayaw mo sa harap dahil wala kang masyadong magawa kapag malapit kay Mrs. Canta."
Parang mali pa rin ang dating ng pagkakasabi ni Eros. "At ano naman ang mga pinaggagagawa ko sa likuran ng pila, aber?"
Magsasalita sana si Eros, pero parang may naisip ito at kumunot ang noo. Binulungan niya si Elle, at sumagot naman ang dalaga, "Siguro nga, anong date ngayon, sis?"
"Ano?!?" Maya-maya, na-gets na ni Kie ang pinagbulungan ng dalawa. "For your information, wala si Aunt Irma ngayon. Next week pa siya darating."
Parang ewan na nag-duet ang dalawa at sabay sinabing "Ahhhhhh."
"Eh bakit ka nga nagmamaktol? Nahihiya tuloy magtanong si Ross!" Si Elle, habang binubuksan ang ikalawang pack ng pulburon.
"Hoy babae, kakain ka pa ng hostia mamaya. 'Pag binugahan mo si Father ng pulburon, ay naku!"
"Umm... Kie, gusto mong 'dun muna tayo sa likod? May mahalaga kasi akong sasabihin sa iyo eh."
Nag-isip muna si Kie. Maya-maya pa ay, at dahil sa instincts niya, inirapan niya si Elle dahil malisyoso na naman ang tingin nito. "Ano sasabihin mo sa akin dun?"
"Mahalaga. Medyo ayaw ko munang iparinig kay Elle."
"Aba, aba, aba, aba, aba! Bakit na-itsapuwera ako bigla? People, what does Rule number 8 say? Can you recall?"
"That you're a judge, and we can keep evidences from you." Si Kie.
"Aba, sumasagot ka na ngayon ah!" Si Elle.
"Tse! Tapusin mo muna breakfast mo at uminom ka ng Jungle Juice!" Pagwawala ni Kie, habang pumunta na lang sa likod ang dalaga, at parang tangang sinundan ni Eros ang madabog na reyna.
"What was that all about?" Mahinang tanong ni Eros.
"Nothing! Eh sa masungit ang mood swing ko ngayon eh!"
Napa-buntunghininga na lang si Eros, pero maya-maya pa'y umupo na ito sa harapan ng nakasalampak na dalaga. Inuusyoso sila ng kanilang mga kaklase, at malisyosong tinitignan ang dalawa. Itinaas na lang ni Kie ang hinlalato, pero tumawa lang ang isang matabang classmate nila.
"Got any problem with that?" Sa unang pagkakataon, ipinakita ni Eros ang galit na mukha nito sa kanyang mga kaklase. Dahil nga sa nakasanayan nila na ang binata ay isang mabait pa sa tupang classmate, hindi nila inasahan ang lisik ng mga mata nito sa malambing nitong mukha. Maya-maya pa, lumingon palayo ang kaklase nila.
Pabulong na nagsalita si Eros, "OK, alam ko kaya ka nagwawala dyan, kasi nagpa-schedule ako ng date para kahapon with you. Alam mo naman na p-in-ull-out ako ni Mrs. Falcon for the training, at ako rin naiinis kasi pinagplanuhan ko na kung ano'ng gagawin ko."
"Which is?"
"D-Don't worry. I will plan on it next time, pero sa ngayon, dahil medyo masikip ang sched ko, puwede bang humingi ako ng favor sa iyo?"
"Ano 'yon?"
"Na ngayon na lang natin gawin ang date."
"Oo, sige. Mamaya. Sa Batibot na lang tayo magki-"
"Hindi, hindi. As in ngayon na talaga!"
"Huh?" Nilagay ni Kie ang likod ng palad niya sa noo ni Eros.
"Seryoso ako!"
"A-ako, seryoso din ako. Bakit hindi puwedeng mamayang hapon o mamayang gabi?"
"Nakakainis kasi, may training ako mamaya sa UP Diliman. Susunduin ako ng faculty nila. Nakita mo 'yung bag ko?" Tinuro ni Eros ang bag niya sa hindi kalayuan.
"Bakit may traveling bag -" Maya-maya, nakuha na ni Kie ang ira-rason ng binata. "K-Kailangan ba talagang ngayon na? Magka-cut ka ng klase? Idadamay mo pa ako sa..." Napabuga ng pagkadismaya si Kie. "Ano ka ba! Iko-consider ko na lang 'yung last Tuesday as our date! O kaya, bukas na lang natin gawin 'to."
"Hindi puwede, kakainin 'yung weekends ko ng training."
Sasabihin na sana ni Kie na "Ano ba? Mas pipiliin mo ba ang mga trainings mo kaysa dito?", kaya lang naisip niya, magmumukhang may gusto siya rito. Pero tinanong na rin niya kahit papaano, ngunit rephrased lamang. "Look, kung hassle sa iyo na magka-date tayo, huwag na lang. Tanggalin na lang natin yung Rule number 5."
"Actually, Rule number 6."
"Whatever!"
Huminga nang malalim si Eros. "Kie, believe me, gusto kong gawin ito. At least sa ngayon puwede ko nang mapagpraktisan kung paano makipag-date."
Namula ang mukha ng dalaga. "Ano ako? Tamagochi na papakainin mo para i-test ang pet maintenance skills mo? 'Kuh!!"
"OK... Kie... calm down. Nagawa mo naman na'ng mag-cut ng classes right? So no big deal siya para sa iyo. At huwag mong i-deny na naka-ober da bakod ka na," patungkol sa pag-akyat ng bakod ng Masci nang hindi napapansin ng guard. "Actually, first time kong gagawin ito, at hindi naman puwedeng dalhin ko 'yung travelling bag ko 'di ba? So kailangan nating iwan ang gamit natin."
"Saan mo iiwan?"
"PUTANG 'NANG PAGBIBITBITIN NIYO AKO NG SAKO NG BIGAS?!?" Bulalas ni Elle. Lumingon ang ibang mga teachers malapit sa CS building, mabuti na lang at hindi sila nakita ng mga ito at hindi nila masyadong nahinuha kung saan nanggaling ang sigaw.
"Bruha ka! OA mo ah!" Si Kie.
"Elle, hindi ka naman magbibitbit eh. Itatago lang namin siya sa homeroom natin, pagkatapos, kapag nag-1:30 na, ibaba mo na 'yung mga gamit namin." Si Eros.
"Alam mo, salbahe ka rin pala. Kala ko mataas ang pagtingin mo sa akin, ginawa mo pa akong judge -" Si Elle.
"Elle, anlaki ng respeto ko sa iyo. Sa ngayon kasi, kahit guard nasa misa, kaya good timing talaga para makatakas sa school. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan namin para dito."
"Gawin ba akong katiwala! Eh bakit hindi na lang kayo um-absent ngayon?" Si Elle uli.
"Hello? Present po siya kahapon sa mga classes, tapos pinangako pa niyang pupunta siya sa anak ng tokwang training na 'yan."
"OK... hihinga lang akong malalim. Give me a moment..." Pagkatapos ng dalawang segundo, ngumiti na ito hanggang tenga, at sinabi. "Call!"
Sa loob-loob ni Kie, kung alam lang niya, gustong-gusto ni Elle ang mga nangyayari.
NANG MGA PANAHONG NAG-UUSAP SILANG TATLO, nasa loob sila ng H.A. Bordner building. Ilang hakbang na lang mula roon ay makakapunta na sila sa grotto, kung saan ginagawang tuntungan ng mga estudyante ang "kuweba" nito para makatalon sa kabilang bahagi ng bakod. Unang lumabas si Eros, at nakita niya ang isang guard sa may guardhouse, habang nag-iinit ng tubig gamit ang heater at pitsel. Magkakape at mag-aalmusal yata si Manong Guard. Sa una, habang hinihintay niya ang tubig, ay nakaupo ito sa Batibot, dahilan para madali silang makita nito kung sakaling gusto na nilang pumuslit.
"Maghintay lang tayo ng mga, siguro, 10 minutes."
"10 Minutes? Grabe ah, antagal na panahon iyon para magmanman! Dala mo ba wallet mo?"
"Oo naman. Ikaw, naka-shorts ka ba ngayon?"
"Salbahe ka. Mano ko bang malalaman na mage-eskapo tayo ngayon sa school? Don't worry, I don't mind you seeing my pubes."
Kumunot ang noo ni Eros. Ganun na lang ba ka-tactless ang babaeng ito?
Mga walong minuto ang nakalipas ay naghaharurot na ang guard papunta sa loob ng quadrangle, para makuha ang hostia. Sa panahong iyon, meron lang silang dalawang minuto para gawin ang binabalak. Unang umakyat si Eros. Madali lang sa kanya ang pag-akyat dahil mahahaba ang mga biyas niya. Natagalan lang siya nang kaunti dahil parang nalula ito sa taas ng bakod.
"Ano ka ba! Nag-aaksaya ka ng oras! Tumalikod ka, tapos, unahin mong ibagsak ang paa mo!"
Ginawa nga ni Eros ang sinabi ni Kie, kaya nakalapag ito sa kabilang bakod, ngunit napaupo dahil nalula sa paglaglag niya mula sa tuktok ng pader. Mabilis ring nakaakyat si Kie dahil nga sanay na ito sa ginagawa, ngunit hindi niya akalaing tumakbo ang guard papalabas ng Main Building. Tila nakalimutan yata ang heater sa pitsel!
Sa pagkataranta tumalon na lang basta si Kie, at akmang sasaluhin ni Eros. Maya-maya pa, may hindi kanais-nais na tunog silang narinig. Lumingon silang dalawa sa gawing kaliwa, at napansing nakasampay at sumabit ang kalahati ng kanyang palda sa spikes ng school fence.
"Ibaba mo ako!" Sigaw ni Kie, pero hindi kalakasan para marinig ng guard.
"Not... a good idea, Kie!" Ngunit dahil sa likot ni Kie, bumagsak ang babae, nakatayo, ngunit napunit nang husto ang palda, sa paraang wala na siyang maikukubli pa.
Namutla si Kie, at namula si Eros. May mga taong tumatawid sa Taft, may paring nagbibigay ng hostia sa eskwelahan, at may babaeng nakalaylay ang kalahati ng palda sa sidewalk at kalahati ay nakasabit sa fence.
Sa loob-loob ni Kie, bakit ba niya naisipang magsuot ng pulang panty, gayong kitang-kita ang contrast nito sa maputi nitong hita. "Eros, Eros, Eros!"
Walang paraan para maayos ang palda. Hindi nakapaghanda si Eros sa eksenang ito. Ang una niyang ginawa ay ilagay sa likod niya si Kie at iharang ang pagkakahubo niya. Nanginginig na si Kie. "Eros... ano ba... wala ka bang ibang gagawin?" Hindi sila puwedeng pumasok sa loob. Mas malaking kahihiyan ang makukuha ni Kie. Hindi rin sila puwedeng manatili doon. Supposedly, date nila nang mga panahong iyon.
"Kaya mo bang tumakbo sa mga kotse dun?" Tinuro ni Eros ang mga kotse malait sa Astral Tower.
"Ayaw... ano ka ba?" Si Kie. Naisip nga ni Eros na ansagwa ngang tignan na tumatakbo na nakahubo si Kie, at tatawid ng Padre Faura para lang magtago.
Wala nang magagawa si Eros.
Huminga siya ng malalim at hinubad ang pantalon. Napatulala si Kie.
"Bilisan natin dahil ako ang mapapahiya dito!" pero tulala pa rin si Kie. "Tanggalin mo palda mo, at isuot mo ang pantalon ko. OK?" Tumango-tango lang ang dalaga.
Maya-maya pa, inabot na ni Eros ang pantalon niya para sa dalaga. Atubili pa ring sinuot ni Kie ang pantalon, habang hinihila ni Eros ang mga labi ng palda. Mabuti na lang at nagkasya ang pantalon kay Kie. Samantalang si Eros, ay ginamit ang polo at natitirang mga bahagi ng palda ni Kie, para takpan ang sarili.
"OK ka na?" Si Eros.
"OK na." Kahit na masagwang tignan na babae siya, naka-school blouse sa taas at naka-pantalong itim sa baba, mas mabuti naman iyon kaysa sa sitwasyon ni Eros. Pulang-pula na siya sa pagkapahiya.
"Saan ulit nakakabili ng mga ganitong palda?" Si Eros.
"Sa Divisoria."
Namutla si Eros. Kailangan pa nilang sumakay ng jeep!
SA JEEPNEY, hindi puwedeng hindi mapansin ang dalawa. Isang magandang dilag na nakapantalon, at isang kawawang binatang naka-T-Shirt para sa pantaas, at polo at wasak na palda para pambaba. Sa ngayon, papunta silang Divisoria, at namumula ang mukha ni Eros habang nakaupo sa gitnang bahagi ng sasakyan.
"Boyfriend ko po, napunit sa daan 'yung palda ko kaya ibibili niya po ako sa Divisoria." Hindi iyon inasahan ni Eros mula kay Kie. Knowing na siya pa nga ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganito, tinanggap na niya na palpak ang planong date nila. Pagkasabi ni Kie ng mga salitang iyon, mga ngiti ng paghanga ang nakita niya mula sa mga pasahero. Lalo pa siyang namula at niyuko ang ulo.
"Ah Miss, sa Divisoria ba kayo bababa?" sabi ng isang matandang aleng may bitbit na bayong. "Manong, dalawang Divisoria nga po, para sa dalawang ito."
"'Wag na Manang, libre ko na ho sila!" Sabi ng tsuper sa matanda.
"Salamat po Manong." Sigaw ni Kie.
"Hindi, salamat sa boypren mo! Na-inspire akong makipaglabing-labing kay misis!"
Nag-ingilan at nagtuksuhan ang mga nasa loob ng jeepney. Bagama't hindi kaaya-aya ang sinabi ng tsuper, natuwa na rin siya dahil nagkaroon ng kaunting saya ang sitwasyon nila.
"Sabi ko naman sa iyo, huwag na natin itong gawin, eh. Sa susunod na lang. At saka OK na sa akin yung sa Paco -"
"Sssshh." Si Eros. "Mas mabuti nang ganito kesa hindi ko natupad 'yung pangako ko. Tsaka kung anumang nangyari sa akin ngayon, karma ko lang kasi -"
"... nag-cut ka ng klase? Sabagay, pero huwag mong isiping walang good karma na darating sa iyo." Si Kie, habang nilililis ang isang bahagi ng palda, at ibinanda sa pundya ni Eros. "Mahirap na... baka kung ano'ng makita nila."
At nagtawanan lang ang dalawa sa loob ng jeepney.
"SARADO!?!" Sabay nilang bulalas nang mapuntahan na nila ang huling tindahan sa kahabaan ng Juan Luna.
"Ano ba 'yan? Why do I have this feeling that we're running out of luck?" Si Kie.
"Sige, ganito. Bili muna tayo ng palda dun sa may Abad Santos, tapos magpalit tayo ng damit mamaya -"
"Ross naman eh." Alam na ni Eros ang ibig sabihin ni Kie. Wala pang bukas na mall sa ngayon, at ang pinakamalapit na mall na puwede nilang puntahan ay ang Tutuban Center, na magbubukas mga alas-diyes ng umaga. Kung walang mall, walang CR. Ayaw naman magtanggal ng pantalon ni Kie sa publiko. "Bakit naman kasi Royal Blue ang palda namin eh."
"OK, sige, bibili na lang ako ng shorts sa may Abad Santos. Ako na lang ang magpapalit, OK?"
"O, sige. Pero baka mapagastos ka niyan. Ako na lang bibili ng -"
"Hindi, ako na bibili. Kaya nag-jeep na lang tayo kanina para ma-maximize ko yung pera."
At may naalala si Kie. "Sa'n mo nga pala ako balak i-date?"
"Balak sana kitang i-treat sa isang restaurant sa Leon Guinto, tapos manonood tayo ng sine. Sa may Robinson's Place. Kaya lang napalayo na tayo. Sana dumiretso na lang tayo sa Leon Guinto."
"At least may mabibilhan na tayo ng damit dito. I won't even have the appetite to sit with you while you're covering your... thing."
"Fine. Where do you plan to go now?"
"Kahit anong fast food chain. Pero siyempre, bumili muna tayo ng masusuot mo."
'Yun lang at tumango na si Eros. Pumunta silang dalawa sa Abad Santos habang hawak ni Eros ang palda at polo na para bang tapis na tuwalya. Nang makakita sila ng tindahan sa Abad Santos, natawa pa ang ale nang tinanong nito kung ano ang gusto nilang bilhin.
Duh! "Miss, may shorts or black pants -" ani Kie.
"No, jersey shorts lang po. Meron kayo diyan?" Si Eros.
"Bakit hindi ka na lang bumili ng slacks?"
"Wala na kasi akong masyadong pera rito, at saka ayokong magbitbit ng damit papasok sa school. Itatago ko na lang mamaya sa loob ng pantalon ko kapag pumasok na tayo."
"O-OK."
"O sige." Pagkatapos ay hinarap niya ang tindera. "May fitting room po ba kayo o lugar na mapagbibihisan ko?" Namula ang tindera at napaimpit ng tawa. Pero itinuro rin niya na sa likod lang ng mga naka-hanger na damit lang siya puwede magpalit, kung may ipapalit siya.
"Sirr, may brief din po kami diyan," sabi ng tindera.
"N-No, thanks."
At biglang may naisip si Kie. Nakita na ni Eros ang pula nitong underwear! Mas mabuti nang may counter siya kung iba-blackmail siya nito.
"Ah, eh, Ross, s-sasama ako sa iyo."
"Ha? Why would I need you there?"
"B-Basta, sasama ako."
"B-Bahala ka." At namula nang husto ang mukha ni Eros.
Maya-maya pa ay inabot na ng tindera ang black basketball jersey na nabili lamang sa halagang singkwenta pesos. Tumungo na silang dalawa sa isang tagong bahagi ng tindahan kung saan puwedeng magpalit ng damit si Eros. Unti-unti nang tinatanggal ni Eros ang paldang Royal Blue, nang mapansin niya na nakatitig si Kie. "Do you really need to watch me strip?"
"H-Hindi naman. Ano ba. Nakita ko na 'yan kaya wala ka nang dapat ikahiya pa!" Sa totoo lang, walang nakita noon si Kie dahil tulala siya sa ginawang pagtanggal ni Eros ng kanyang pantalon. Nang tinanggal niya ang polong nakatapis, sinadya ni Kie na lumapit kay Eros at dinampot, kuno, ang palda niya. Naroon kasi ang pitaka at kung anu-ano niyang abubot, pero sa pagpulot niya, may nakita siyang kakaiba.
H - A - N - N - F - F - O - R - D
HANGGANG TENGA ANG NGITI NI KIE HABANG NAGLALAKAD SILA NI EROS PAPUNTANG JOLLIBEE. Napagkasunduan nila na pumunta na lang doon dahil kailangan nilang paghandaan ang palda, ang taxi pabalik, at ang sine, dahil ayaw ring paggastusin ni Eros si Kie. Makailang beses na rin narinig ni Kie na kasalanan nga ng binata ang nangyari. Habang kumakain sila, panay pa rin ang pagngiti ni Kie. Nang hindi na naging komportable si Eros, naglakas-loob na itong nagtanong.
"Lost some brain cells?"
Napatawa lang si Kie. "Wala lang. Hindi ka rin pala ganoon ka-weirdo gaya ng inakala ko."
"I don't actually care." Naalala bigla ni Eros na nagsimulang mawalan ng "bait" si Kie nang masuot na nito ang black jersey niya. Hindi siya nag-atubiling nagtanong. "Ano'ng nakita mo kanina nung kunwari pupulutin mo yung palda mo?"
"'Yung palda ko! Ano ka ba. Feeling mo naman sisilipan kita." Napahagikgik pa ito ng tawa, pagkatapos ay humigop ito ng kape.
"Spill it!"
"The coffee? Are you -"
"No. You know what I mean. So what kung nakita ko yung red silk lingerie mo? Sino naman mapagkukuwentuhan ko niyan?"
Oo nga naman. Hindi talaga nag-iisip si Kie. Maya-maya pa, sumimangot na ito. "OK. Isip-bata na ako. Pero naging paranoid lang ako kanina. Malay ko ba kung sasabihin mo 'yun kay Elle."
"Hmm... you gave me one heck of an idea."
"Don't you dare tell her!"
"OK. One condition. Ano nakita mo?"
Nanggigil si Kie. Wala rin siyang kawala dahil siya na rin nagbigay ng ideya sa binata. "H - A -"
"Okay. Alam ko na." Tumikhim nang kaunti si Eros, at ininom ang hot chocolate niya.
"You buy knockoffs?"
"Saving for college."
"But... you have restaurants... and moviehouses to go. Knockoffs?"
"Stop it."
"OK. I'll stop. Pero one last favor."
"Ano 'yun?"
May binulong si Kie, at parang excited itong hilingin iyon sa pseudo-boyfriend. Sa una, tumanggi si Eros. Pero nang magmukhang kawawa na si Kie, napagbigyan din ito.
Maya-maya ay hinintay muna nila ang pagkakataon kung kailan wala nang humihigop ng kape. Nang masiguro nila na wala nang maaaksidente sa gagawin nila...
"WAAAHAHAAHAHAHAA!" Isang malakas na halakhak ang isinabog ni Kie. Nakitawa rin kunwari si Eros. Maya-maya ay lumingon sa kanila ang isang ale, pero patuloy pa rin sa pagtawa si Kie.
Paputol-putol na tawa ang ginawa ni Eros, at sinabing "Na... Naalala lang namin 'yung kaibigan naming nag-push up sa CAT. Yung... (tawa pa rin siya) yung napunit... yung likuran ng pantalon kase... kase... (lumakas na ang tawa ni Kie) napunit kasi..." mangiyak-ngiyak sa kakatawa si Eros, at hindi niya namamalayan, totoo na pala ang tawa niya.
Nakakahawa ang halakhak ni Kie.
NAGSISIMULA PA LANG ANG PINANONOOD NILA NA "WHITE NOISE". Wala silang mapiling magandang pelikula nang mga panahong iyon. Napanood na kasi nila ang mga pinakamagagandang pelikula noong nakaraang Film Festival.
"May pagka-baliw ka rin, alam mo?" Si Eros.
"Ross, ganun talaga, kapag natatawa ka, mahirap pigilin. Baka sa kabila lumabas."
Natawa na lang si Eros. Na-realize niya, hindi pa siya nakakatawa nang ganun. Naaalala pa niya ang mga mukha ng mga nasa food chain nang lumabas na sila. Paano naman kasi, para silang baliw sa kakatawa. Not to mention na naka-black slacks si Kie, at naka-black basketball jersey si Eros.
"Mabuti nang paminsan-minsan magpakabaliw ka. Marami kasing kabaliwan sa mundo. Kung itatago mo, aakyat sa utak mo. Baka hindi mo makayanan sa huli."
"Ganun?" Inosenteng pagtatanong ni Eros.
"Bakit, sa tingin mo normal yung basta na lang pumuslit palabas ng school habang may mass na meron sa loob?"
"Hmm... taking it from you?"
"Tse! Manood na nga lang tayo."
Tahimik silang nanood ng horror flick. Maya-maya pa, kinalabit ni Eros si Kie. "Totoo bang minsan, umm," hindi alam ni Eros ang salitang makapag-iintindi kay Kie, kaya ang pinaka-diretsong salita na lang ang nabanggit niya, "... naglalamasan ang mga -"
"Yes."
"Ah, OK."
"Bakit gusto mo?"
"Hindi, noh!"
"Bading ka?"
"Papayag ka ba?"
"Hindi."
"Hindi naman pala eh."
"Eh ikaw?"
Kung hindi lang madilim, mapapansin ni Kie ang pamumula ng mukha niya. "Ganyan ba talaga mag-usap ang mga couples?"
"Hindi naman. Hindi na kasi dinadaan sa usapan, eh. Ewan ko, pero mas nakakahiya siyang pag-usapan kesa gawin."
"Ah, OK."
"Bakit? Virgin ka pa 'no?"
"Seryoso kasi ako sa buhay."
"At hindi seryoso ang sex?"
"E-Ewan."
"Para kang bata. Halika nga, ma-kiss nga kita..."
Parang umakyat ang dugo ni Eros sa ulo niya. Ipinikit niya na lang ang mata niya. Pero sa halip na labi ang dumampi sa pisngi niya, mahinang sampal ang nakuha niya kay Kie. "Naniwala naman!" sabi na lang ni Kie.
"Pinagtatawanan mo ako no?"
Mahinang tawa lang ang narinig niya. "Siguro. Para ka kasing grade school eh. Andami mong tanong! Ganito. Turuan kita -"
"SSSHHHHH! NANONOOD KAMI DITO!" Sigaw ng isang mama sa likuran nila.
"Wish ko lang hindi paglalampungan namin pinapanood mo!" Balik ni Kie.
Bumubulung-bulong ang mama, habang itinuloy nila ang panonood.
Maya-maya, lumapit si Kie sa tenga ni Eros. "OK. Sige. Para simulan natin..." Luminga-linga si Kie sa paligid. "Let's do a dare."
"OK, what's in your mind?"
"Huwag ka titingin sa side ko, at hindi rin ako titingin sa side mo. I'll take off my pants, you take off your jersey. OK ba 'yon?"
"Bakit parang feeling ko, parang ayaw kong ipagawa 'yan sa iyo?"
"Bakit naman?"
"This is a very public place, and if I would have such sexual experience with someone, I won't do it here."
"So suddenly you're a morality police?"
"Morality's not the issue... it's me being selfish, or something. Basically, ayaw kong gawin 'yun sa'yo. We don't even know each other that much."
"Pero we'll just put our pants down. What's wrong with that?"
"Because."
"Because?"
"I respect this place."
"This place?"
"OK. I respect you. Satisfied? That should be a major turn-off!"
Kung nakita lang ni Eros si Kie, makikita niya ang matamis na ngiti ng dalaga.
"BIBILI PA TAYO NG ROYAL BLUE NA SKIRT, RIGHT?" Pagpapaalala ni Eros kay Kie.
"Along Juan Luna pa rin. And..." Tumingin si Kie sa relo niya. "... we should do this quick!"
Hinila ni Kie si Eros papuntang Juan Luna. Sa pagmamadali nila, muntik na silang mabangga ng isang kotse.
"Ano'ng oras na ba?" Sabay tingin ni Eros sa relo. Hindi siya makapaniwala. Ala-una na ng hapon. Kailangan nilang makipagkita kay Elle bandang ala-una y media.
Minadali nila ang pagpunta sa isang RTW store sa Divisoria na suki ng mga Mascians. Doon ipinapatahi ang mga royal blue skirts na uniform ng Masci girls. Hindi na nila kinuha ang sukli at naghanap na sila ng Taxi along Juan Luna.
Sa loob ng taxi, tinatapik-tapik ni Eros ang dashboard. Nasa likuran naman si Kie.
"Manong, ilang oras pa po ba?" Si Eros.
"Ilang minuto lang, malampasan lang natin ang Burgos, OK na."
Sinusubaybayan nila ang relo. Ala-una y Media na. Sigurado nabubugnot na si Elle sa kakahintay. OK lang naman kung trip niya sa UP Diliman ang pag-uusapan dahil alas dos y media naman darating ang van.
Maya-maya lang ay nasa Padre Faura corner Taft na sila. Dali-dali silang bumaba, at kahit na green ang lights, basta natiyempuhan nilang walang sasakyan, tumawid na sila. Sa di kalayuan ay matatanaw ang dagsa ng mga estudyanteng pauwi na sa kanya-kanyang mga tahanan.
"Right on time." Sabi ni Kie.
"Buti na lang."
Hindi napansin ng guard ang pagpasok ng dalawa, at kung mapansin man sila, walang problema dahil may mga estudyante rin namang bumabalik sa eskwelahan para sa mga organizational meetings nila. Maya-maya pa ay binabagtas na nila ang anim na flights ng hagdan. Sa panahong ito, isinumpa ni Kie kung bakit ang mga fourth year ang nagho-homeroom sa pinakamataas na palapag ng Main Building.
Malapit na kami. Sa isip ni Eros, sa wakas, naroon na sila. Nakita nila sa bandang dulo ng corridor ng fourth floor si Elle. "Sus! Saan ba kayo nanggaling?"
"Na-delay lang ng kaunti. Pumasok muna nga tayo sa kuwarto." Si Eros. Sabay-sabay silang pumasok sa kuwarto at naroon nga ang traveling bag ni Eros, at ang backpack ni Kie. "May nagtanong ba kanina kung nasaan kami?"
"Wala naman, buti nga hindi dumalaw si Mrs. Falcon eh. Akala ko mahuhuli na kayo." Maya-maya, kumunot ang noo ni Elle. "Teka, Kie, bakit bitbit mo 'yung skirt mo, at naka-black slacks ka, tapos naka-jersey naman ang lolo mo?"
Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Hindi pa pala sila nakapagpalit ng damit. Ngayon, nabahala na sila. "May nakakita kaya sa atin?" Si Kie.
"A-Ano ba'ng nangyari sa inyong dalawa? Lukot-lukot ang polo ni Ross, tapos mukha pa kayong haggard."
Huminga muna si Kie. "Long story Elle -"
"... and you better tell me now or I'LL SUSPEND ALL OF YOU!" Napalingon ang tatlo at nakita nila si Mrs. Falcon, habang nakapameywang sa may pintuan.