Chapter 8: Eight Counts

"ANTAGAL NAMAN!" Si Kie. Gusto na kasi niyang umuwi ngunit kinausap muna ni Eros si Mrs. Falcon. Masyado na siyang nag-aalala dahil matagal ang usapan nila. Baka mamaya ay sinisintensiyahan na pala ang binata, at malamang ay madamay siya.

Hindi niya makalimutan ang kaba kani-kanina lang. "Imagine, two students with very irregular costumes coming to campus? Akala niyo makakatakas kayo sa akin? Kanina ko pa pinagmamasdan ang klase ninyo, Miss de Jerez, Mr. Ballesil. I haven't seen your face, Michael, and I felt really weird nang makita kong wala si Miss de Jerez."

Hindi na nila maikakaila sa guro na nagka-cutting classes sila. Pero kung saan at ano ang nangyaring pag-cut ay maikakaila na sana nila, kung hindi lang mali ang mga suot nilang pang-ibaba.

"Ma'am, let me explain. This is all my fault." Si Eros.

"And you really are sure Valerie's nothing to do with this?"

"Nothing, Ma'am."

"Let me just remind you that whatever you've done this morning, you're sure to be punished. Are we clear on that?"

"Crystal, Ma'am."

"Good. Miss de Jerez, Miss Dalay, leave the room, and don't try to eavesdrop. Do you understand?"

Magkasabay na "Yes, Ma'am" ang narinig mula sa dalawang dalaga. Maya-maya pa ay lumabas na sila ng kuwarto at naghihintay sila ngayon ng kung anumang mangyayari.

"Baka regular sexual trippings ang ginagawa ni Miss Falcon sa loob." Si Elle. Sinusubukang gawing light ang mood.

"Baka nga." At tumawa si Kie, na sa pakiramdam ni Elle ay punumpuno ng malisya.

"Bruha, ano'ng nangyari sa inyo kanina? Mukhang kalalabas niyo lang ng mall CR at -"

"Walang nangyari. Maraming kamalasan lang. Inakyat namin yung bakod, tapos, sumabit yung palda ko sa fence. Na-expose ang legs ko, tapos, nag-strip si Ross, binigay 'yung -"

"Pantalon? Yiiiii!" Kinikilig si Elle. Pakiramdam niya, parang eksena sa isang love story ang nangyayari sa dalawa.

"Yiiiii!" Si Kie, tunog ng pandidiri. "Na-arouse ka naman sa ganung kuwento?"

"Medyo, pero hindi para sa akin, para sa'yo. Imagine mo, may moment na pareho lang kayong naka-underwear, in one point in time. Tingin ko magtutuloy-tuloy na 'yan!"

"Eh kung tuloy-tuloy kitang ilaglag sa hagdan?"

"Pero sis, hindi mo ba naisip? Baka 'eto na ang pinakahahanap-hanap mong joyride? Hindi ko ma-imagine 'yung excitement ng sitwasyon -"

Sa pagsabing ito ni Elle, naisip nga ni Kie na napakaraming nangyari nang umagang iyon. Hindi nga niya namalayang tumatakbo ang oras, hanggang sila na mismo ang tumatakbo papuntang Masci. Isa ngang masayang paglalakbay, kung iisipin.

"- nakakabaliiiiw! Grabe, tapos ngayon nagre-reminisce ka na!" Kinilig pa lalo si Elle. Nakita niya kasing namumula si Kie.

"Eh ano naman kung totohanin kong gawing boyfriend si Eros? May angal ka?" si Kie, habang ine-entertain ang ideya na posible namang maging sila ni Eros. Ayaw niyang magpaka-plastic sa ngayon. Gusto niyang malaman ang totoo.

"Depende," si Elle, na sa 'di inaasahang pagkakataon, ay huminto sa pagkakilig, at medyo naging pormal ang mukha. "Depende kung gagawin mo lang siyang jelousy offense kay Ryan-kambing, or kung gagawin mo akong bridesmaid sa kasal niyo ni Ero-tic!"

"Loka-loka ka talaga." Muling nag-isip si Kie. Si Eros nga ba ang gusto niya? Si Eros ba ang magpapaligaya sa kanya, o siya ang magiging masayang nagmamahal sa binata? Nagbabasa siya ng mga love novels, pero hindi niya akalain na ganito talaga ang pakiramdam. Confusion over her own feelings. The fact na meron siyang pag-aatubili sa pagsagot sa sariling nararamdaman, ibig lang sabihin ay meron ngang tumitibok-tibok sa loob niya.

"Sis, rule number 2." Sumimangot si Kie, parang ayaw niya ang ideya na ang isang laro ay magiging totohanan na.

"Alam mo, si Eros, kelan lang dumating sa buhay mo. Nagkataon lang na may nawala sa'yo. Ngayon, gusto mo lang may makasama. Kung feeling mo mahal mo na siya, baka naguguluhan ka lang. Ayan, ah, pabor na sa iyo ang advice ko. Kung iisipin mo lang lagi na bestfriend mo si Eros, at dinadamayan ka niya sa panahong wala kang makasama, kaysa naman tayong dalawa ang maglaplapan, sa tingin ko, mabuti na 'yun."

Maya-maya, narinig na nilang bumukas ang pinto ng homeroom nila. Straight-faced si Mrs. Falcon, ngunit nakangiti naman si Eros, bagama't bahagya lang. Ibig bang sabihin, good news na ang dumating?

"Miss de Jerez, I don't want you doing any more crazy things like that. One more offense, and you two are going straight to the principal's office. Understand?" Si Mrs. Falcon.

Muli ay isang "Yes, Ma'am" ang narinig sa dalaga. Nang nakalayo na ang guro, humarurot siya papunta kay Eros. "Ano'ng sinabi mo sa kanya?"

"Lahat." Si Eros.

"Ano'ng kuwento?"

"Ano'ng kuwento?"

"Ibig sabihin, wala kang ginawang kuwento tungkol sa -"

"Hindi ko ikinuwento yung red undie." Namula si Kie, samantalang namutla naman si Eros. Nadulas si Eros at nahintakutan siya dahil katabi lang nilang dalawa si Elle. "Hindi ko rin kinuwento 'yung knock-off briefs ko." Kunyari'y natawang kinuwento ni Eros.

Pareho silang tumingin kay Elle. Namumula na siya sa impit na pagtawa. "Guys, too much information!" ang nasabi na lang ni Elle.

Maya-maya, nagtanong na si Kie kay Eros. "Uhmm. So ano napag-usapan ninyo ni Ma'am Falcon?"

Nawala nang bahagya ang pagkakangiti ni Eros. "Medyo lumala ang sitwasyon. Pero at least hindi kasing-lala kung madadala sa Guidance o sa Principal's Office ito." Huminga nang malalim si Eros. "Ang sabi niya, naiintindihan niya na medyo unreasonable ang schedule na ibinibigay niya sa akin. Pero special daw ako, kaya special din dapat ang training ko. Ayaw nilang mapahiya ang delegation sa IMO. Kaya..." Nag-atubili muna siya. Tumingin sa loob ng kuwarto at hinanap ang traveling bag. "... next week, after classes, bibigyan ako ni Mrs. Falcon ng mga sample exams, take home, at kailangan ko siyang sagutan everyday. I-I know, medyo hassle nga, pero that is to ensure na walang kabaliwan akong gagawin next week. Sasabihin din niya sa mga teachers natin na huwag muna akong bigyan ng kung anumang long assignments hanggang makabalik na ako sa Pilipinas."

"Saan ba 'yang IMO na 'yan?" Si Elle.

"Sa Helsinki. Malayo at malamig doon, pero siguro, makakayanan ko naman."

"O-OK..." Si Kie.

"So, do you want to remove Rule number 6, then?" Si Eros.

"N-No. I-I mean, we could do ammendments, but not totally remove it."

Napangiti si Eros. Pero sandali lang iyon. "Magmula ngayon, ako na lang ang magbibigay ng dates sa iyo. At least, yun yung pinaka-appropriate -"

"It's not for appropriateness' sake, or anything. We're two weeks down, pero wala pa rin tayong naipapakita kay Ryan..."

"... at kay Marie," Si Elle.

"... at kay Marie," pagsang-ayon ni Kie. "We should call this quits if we don't abide by the rules."

"Kie, rules can be bent. Do you really think we could go on with all these hassles?" Ani Eros.

"Yes." Isang simple ngunit matinding sagot ang ibinulalas ni Kie.

"Wait, Kie, mamaya na tayo mag-usap, OK lang? Nandiyan na kasi 'yung van papuntang UP. Hindi maganda na magpahuli. Bihira ang -"

"I understand. Call me if you need to."

Tatalikod na sana si Eros papuntang homeroom nila para kunin ang traveling bag. Pero humarap ulit ito sa dalawang dalaga. Maya-maya pa, nagsalita si Eros. "Thank you, and I'm really sorry about this morning."

"Don't be. I'll be damned if I say this, but I enjoyed hanging out with you."

"Thanks." At noon din ay bumalik na siya sa homeroom, lumabas ng pinto bitbit ang bag, nginitian ang dalawa, at nagmamadaling bumaba papunta sa van.

"Kie, sigurado ka ba na gusto mong gawin ang next date ninyo next week?"

"Naka-score siya sa akin ngayon. Sis, kawawa naman ako kung hindi ko tatapatan, 'di ba?"

TUWING LUNCH NG SUMUNOD NA LINGGO AY MAGKASAMANG KUMAKAIN ANG TATLONG MAGKAKAIBIGAN. Hindi rin maikakaila ang "closeness" na ipinapakita ni Kie kay Eros, pati na rin mga simpleng gentlemanly actions ni Eros. Hindi lang sila napapansin, napagtsi-tsismisan pa sila. May mga nagsasabing ipinagmamalaki pa ni Ryan na siya pa rin ang mahal ni Kie. Pinabubulaanan naman ito ni Louie, at ni Ryan, lalo na kapag malapit si Ryan kay Louie o mga kabarkada nito. May mga nag-uusap din na bumabagsak na ang grades ni Eros, at laging nagka-cut ng class. Mismong mga teacher ng klase ang nagpasinungaling dito dahil laging nasa Math Department ang binata at sandamakmak na papel ang sinasagutan. Nakita rin daw diumano ng isang kaibigan ni Marie na dinalhan ni Kie si Eros ng Crema de Fruita, at Giant Jungle Juice tetra, para mawala ang stress ni Eros sa pagbabasa ng mga Analytical Geometry, Einsteinian Physics, at Linear Algebra problems. Si Mrs. Madel naman, narinig ng mga estudyante na nakikipagkuwentuhan sa isang Biology teacher na iniwan niya raw mag-isa ang dalawa, at hindi pa raw siya nakakalayo ay naglalampungan na raw ang mga ito. Bumalik lang daw siya kunwari para kunin ang lesson plan, ngunit nakita niya na may black forest icing sa ilong si Eros, at sinusubuan siya ni Kie ng cherry.

Sa sobrang ingay ng loveteam nila, minabuti ng Principal na kausapin ang dalawa, sampu ng mga napagsususpetsahang mga tsismosa. Kulang na lang sa hanay ay si Mrs. Madel. Sumagot si Eros sa harap ng mga tsismoso't tsismosa, at buong pagmamalaki niyang sinabi, "Ano bang masama kung magmahal ang isang Math Wizard sa katulad niya?" Nang lumabas ng office ang lahat, iba-iba na ang bersyon ng mga narinig nila. Na masama raw magmahal ang isang Math Wizard, kaya siguro siya nagpapakabulakbol ngayon. Na hindi masama ang magmahal, at kahit sa school gawin ang kung anu-ano, OK lang. Na matalino siya at boba naman si Kie. Hinarap muli sila ng Principal at tinanong kay Eros kung ano ang priority niya. Ang isinagot na lang ni Eros, "Ang sarili ko po."

"Kie, baka naman tumaba ako niyan at puro cake na lang dinadala mo sa akin." Maingay ang canteen ngunit mas maraming tenga ang nakikinig sa kanilang dalawa.

"Ano ka ba baby, minsan lang naman ako maging sweet, eh." Maya-maya pa, lumapit sa tenga ni Eros si Kie. "Utang na loob! Huwag ka nang magreklamo, OK? Ihahampas ko 'to sa mukha mo, kung hindi ka kumain!"

"Baby, eh sa busog na ako. Unless gusto mong isuka ko 'to sa CR."

"Eh 'di gawin mo. Keber ko ba!" At tangkang lumayo na si Kie. Pinisil naman ni Eros ang baba at pisngi ni Kie.

"Mga tang'na niyo. Ampa-plastic niyo ha. Parang 'nung last week lang, ambait-bait niyo sa isa't isa." Bubulong-bulong si Elle habang binabalatan ang saging na binili niya.

"Bakit, hindi ba ako mabait sa kaibigan mo?" Si Eros.

"Hindi rin."

Excited naman si Kie na pag-usapan siya ng mga tao. "Nakita mo ba yung mukha 'nung kambing?" Tumawa pa si Kie. "Kawawa naman. Nadadamay tuloy sa pagiging miserable niya si Louie."

"May balita ka ba kay Marie?" Si Eros.

"Actually, three days ago, 'di ba Sunday 'yun? Nagtatanong ang bruha -"

"... Marie." Si Eros.

"Whatever. Nagtatanong si Marie kung ano na raw progress ng pagkukunwari namin. Sabi ko sa kanya, malaking progress, kasi naging reality na ang pagkukunwari. Tapos nagdrama ako, na noon pa man, gusto mo na ako (patungkol kay Eros), na si Marie, less bumpy ride siya kesa sa akin, kaya siya muna hina-hangout mo."

"Hindi ba parang inilalayo mo sa akin niyan si Marie?"

"Well, tell that to Elle nung nakita niya kayong nag-uusap sa library." Si Kie ulit.

"Yah. Grabe ah, lalapit na dapat si Anghelita, papunta kay Ross, tapos, parang nahintakutan. Pero lumapit pa rin. Umupo sa tabi mo. Huwag mo sabihin sa aking nagsisinungaling ako."

"Hindi nga, pero ang sinabi niya lang sa akin, huwag daw ako pasasakay kay Valkyrie (nairita si Kie dahil kinumpleto ni Eros ang pangalan), at kahit anong gawin ko pa, lalo lamang bababa ang tingin niya sa akin. Sabi ko sa kanya, what does she care if I hang out with you, Kie? Since wala na rin naman akong pag-asa sa kanya, siguro naman puwede akong magmahal ng iba, right?"

"Whatever!" Si Elle. "Basta, kung anuman ang ginagawa niyo ngayon, totohanin niyo na kasi eh -"

"Gaga." Si Kie.

"Asa ka pa." Si Eros, kausap si Kie.

"Ang cute cute mo talaga!" Si Kie, habang pinanggigigilan ang pisngi ni Eros, to the point na parang matutuklap na pati gilagid ng binata.

"Ate, mag-usap nga tayo." Nagulat silang lahat nang makita nila sa likod si Marie, dala ang backpack. "Mahalaga lang." Tumingin siya sa dako ni Eros, at unti-unting iniwasan ni Eros ang mga mata ni Marie.

"Marie, kung anuman ang sasabihin mo sa ate mo, sana huwag mo siyang idamay sa nangyari sa atin." Si Eros, habang kumukuha ng piraso sa Sans Rival na dala ni Kie.

"Ate, halika na."

"Puwede ko bang isama si Ross?"

"Eros ang pangalan niya ate, bakit pati 'yun hindi mo matanggap sa kanya?"

"Sige, Kie, sasamahan kita." Si Eros, pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya sa nangyayari.

"Usapang pamilya ito, at kung puwede, Eros, huwag ka muna makialam."

"If that's the case, usapang pamilya, gawin sa bahay. Tama 'di ba?" Si Kie.

Hindi na nakaimik si Marie sa sinabi ng ate niya. Umalis na lang siya, ngunit bago siya mawala sa paningin ni Eros, inirapan muna siya nang todo ni Marie.

"Parang hindi nagwo-work 'yung setup natin kay Marie, ah." Si Eros.

"Hindi 'yan. Unti-unti na siyang nanghihinayang at d-in-ump ka niya." Si Kie.

"Parang may theme song na kayo ngayon ah. 'Muntik na Kitang Minahal'!" Si Elle.

"This setup should work, Kie, or you'll be my date-by-force." Si Eros uli, parang binabalaan si Kie. "What I meant is kung hindi ko maipapakita kay Marie na isang malaking loss ako sa buhay niya, I'd rather go on with this dating thing." Nakataas pa rin ang kilay ni Kie. "Don't you get it? It's a worst-case scenario. An exaggeration. Example, kapag pumuti ang uwak."

Parang timang na nag-duet ang dalawa. "Ahhh."

"Nawawalan na ako ng tiwala sa plano natin." Si Eros uli.

"Don't be. Kung hindi ka convincing, mas lalong bababa ang tingin niya sa iyo, hindi mo siya lalo mapapapaniwala."

Maya-maya, kakaiba na ang hitsura ni Elle. Parang ninenerbiyos na 'di malaman. "Bakit nakatingin sa ating tatlo si Mrs. Canta?"

"BAKIT BA TAKOT NA TAKOT KA SA BABAENG UBAS?" Si Kie.

"Na-realize mo ba na sa sobrang lakas na ng ratings ng love team mo kay Ero-tic, pati si Canta, hooked na sa inyo?" Pinakikiramdaman pa rin ni Elle kung may umaaligid pa ring kulay violet sa paligid nila.

"Then so be it! Hindi ko naman intention na pati siya malaman niya eh."

Tahimik ang dalawa hanggang makarating na sila sa Maceda Building. Umupo muna ang dalawa sa hagdan nito para magpahinga. "So, tuloy ba ang plano mo?"

"Oo naman."

"Bakit ba gustong-gusto mong i-treat si Ero-tic?"

"Tigilan mo na nga kaka-erotic mo diyan! Baka mapagkamalan pa tayong tibo niyan, eh." Bumuntung-hininga si Kie. "Gusto ko lang naman ipakita sa kanya na hindi lang siya ang rumerenda sa eksena naming 'to. Hindi ko hahayaang kayan-kayanan niya lang ako."

"Wushu! If I know gusto mo lang masarili si Boy Genius."

"Alam mo, medyo nakakapagod na rin yung tug-o-war natin tungkol sa feelings ko kay Ross. Kung puwede ba ay suportahan mo na lang ako sa kung anumang gagawin ko, OK?"

"Huy! Dumaan si Eros!"

"Sa'n siya?" Maya-maya pa ay nagbubungisngis na si Elle. Isang malakas na "Tse!" ang pumangibabaw sa buong building.

"INTRIMITIDA... ANTIPATIKA... BRUHA!" Pabulong-bulong pa si Kie na parang inuubos ang bokabularyo ng nagmumurang Kastila. Kakasara niya lang ng kanyang cellphone dahil binigyan niya ng heads up ang kaibigan na kapag tumawag sa kanilang bahay si Kie, sabihin lang na nakatulog o pumunta sa convenience store.

"Eh, anong mauuna?" Naaalala pa ni Kie ang pang-aalaska ni Elle.

"Eh mano bang mauna akong matulog tapos mag-sleepwalk papuntang Esteban-Eleven?" Parang malalamon na ni Kie ang telepono dahil sa kaibigan. "Sinabi ko nga sa'yo, hindi alam ni Mama at Papa na pupunta ako sa Ero-tic-psychotic eh!" Isang matinis na tili ang narinig mula sa earpiece ng telepono. "Gaga! Kelan ka pa natutong makipag-communicate sa mga paniki?"

Kumalma nang kaunti si Elle. "Eh pano naman kasi, parang nakikini-kinita ko na..."

"Eh baka naman makita mo lalo yung pagka-tsinita ko? Ha!"

"Easy, lang. Kalma, OK? Dadami wrinkles mo niyan."

"Sa'yo pa lang magmumukha akong ampalaya!" Pagtatapos ni Kie, habang madiin na pinindot ang "hang up" button ng kanyang cellphone. Pagkatapos ng mala-litanyang pagiisa-isa ng lahat ng mura sa wikang Tagalog, sinigaw na niya ang "Mama! Dito lang!" sa taxi driver sa harapan. Nagulat pa si Kie nang makitang parang nagulat din ang driver. Parang nakakita ng manananggal. "Manong, sa uulit-ulitin, wag na kasing maging tsismoso. Eto isandaan, saktuhin niyo yung sukli ha!"

Bago pa man nakapagreklamo ang matanda, nakahagupit na ng mura ang dalaga. Nang makalayo-layo na ang dalaga, sumigaw ang taxi driver. "Pokpok!" Sa sobrang paniningkit ng mga mata ni Kie, binato niya ang pinakamalapit na bagay na mahahablot niya...

Ang kanyang sandal.

HABANG IIKA-IKA SI KIE na naglakad patungong bahay nina Eros, at sinisisi ang sarili bakit ba lumipad ang kanyang sandal sa isang manhole kaysa naasinta niya ang isang gumagalaw na sasakyan, naisip niya, magmula nang makahalubilo niya ang mokong na may salamin, sunod-sunod na ang mga malas niya sa buhay.

Hindi niya inaassahan na mapangiti. Maya-maya'y napangiwi siya dahil isang malambot at masangsang na bagay ang naapakan ng hubad niyang kaliwang paa.

"Diyos ko, ano ba itong binibigay niyo sa akin?" Naghangad siya ng isang matinding adventure, at heto ang napala niya.

"Hindi ko naman siguro planong akyatin ang bahay niya, no?" Kinakausap pa rin ni Kie ang sarili. Hindi ka hesitant! Tuma-timing ka lang. Paniwala niya sa sarili ay isang malakas na babae siya. Si Ryan lang ang nagpabuwag sa mala-aserong puso't bibig niya.

Kaya nga niya ginagawa ito?

OK, may doorbell naman sila. Oo na, nakita ko na nga 'yan kanina! Hindi pa rin siya mapakali. Andami kasi ng iniisip niya. Paano ba siya sasalubungin ng single parent niyang ama? More importantly, paano ba niya sasalubungin ang ama ni Eros? Ayaw naman niyang i-text ang mokong dahil alam niyang paaalisin siya ni Eros kapag nalaman nitong nasa labas lamang siya ng bahay. Besides, surprise nga ito di ba?

Maya-maya pa, naisip ni Kie na sundan ang ilaw sa gilid ng bahay nina Eros. Lumiko siya sa isang sulok, at napansin niyang may gumagalaw na anino. Baka dito na ang kuwarto ni Eros. Huminga pa siya ng malalim at sinabi sa sarili na marami na ang kamalasang nangyari nang gabing iyon. Hindi naman siguro niya masisilip ang tatay ni Eros.

Mabuti na lang at tama ang hinala niya. Kuwarto nga ni Eros ang pinagmumulan ng mga anino. Ang hindi niya inaasahan ay ang panlalaki ng mga mata ni Eros nang madatnan siya nitong dahan-dahang lumilitaw sa bintana. Ang mas hindi inaasahan ni Kie ay nakita niyang may kayakap na lalaki si Eros. Imposibleng tatay nito ang kayakap dahil nasa beinte-anyos pa lang ang lalaki.

Sampung segundo rin ang itinagal ng gulatan. Kumalas sa pagkakayakap si Eros sa kayakap. Nang mapansin ng kayakap ni Eros si Kie, bukod sa nagulat ito dahil akala niya ay may multong nakatitig sa kanila sa bintana, nagpaliwanag ito. "A-ako... M-may asawa na ako..." Sa sinabing iyon ng lalaki, lalong nawala ang pagkasingkit ni Kie. "I-I mean, ako 'yung mentor ni Eros. Magkaibigan kami at..."

Sinalo na ni Eros ang pagpapaliwanag ng kaibigan niya, si Erwin. "Bakit ka nandito?"

"A-ah, eh." Sumenyas na si Eros kay erwin na puwede na siyang umuwi habang naghahanap ng dahilan si Kie. "D-dumadalaw lang."

"Iniistorbo mo ang pag-aaral ko." Si Eros.

"Puwede bang papasukin mo muna ako sa loob ng bahay niyo? Wala akong gitara para haranahin kita sa bintana niyo!"

"Buti hindi ka sinalubong ni Brownie."

"B-Brownie?" Hindi napansin ni Kie kanina ang nakatitig na aso na nakaharang sa kantong nilikuan niya.