"AKALA KO IPAPALAPA MO NA AKO!" Si Kie habang maluha-luhang nakayakap kay Eros. Dahil sa adrenaline rush ni Kie ay napatalon siya papasok sa bintana at lumipad papunta sa kama niya. Nagulat si Kie nang humabol ang aso at tumalon din sa bintana. Nang madamba na siya ng aso ay pinagdidilaan na siya nito.
"Mas mabait pa 'yan sa'yo. Rottwieller kasi." Napansin din ni Eros ang dumi sa sahig, at sinundan niya ito. "Bakit andungis ng paa mo?"
"Mahabang kuwento. Eh ikaw, bakit may kayakap kang boylet kanina?"
"Mahabang kuwento." Nang makita ni Eros na hindi kumbinsido si Kie, nagpaliwanag ito. "Parang kuya ko na si Kuya Erwin. Siya nagturo ng lahat ng computer at math knowlegde na meron ako ngayon. Kapitbahay namin siya, at iniwan siya ng asawa niya kaninang umaga lang."
"Eh baka naman binubugbog niya yung -"
"Disenteng tao si Kuya Erwin. Pariwara lang kasi si Ate Grace, magimik, ayaw magkaanak. Sinusunod ni Kuya Erwin ang gusto niya."
"O-OK. Sorry." Napansin na kasi ni Kie na nagagalit na si Eros. "Ako naman, m-may nag-snatch sa akin tapos tumakbo ako, nahulog ko yung sandal ko."
"Hawak mo pa rin ang handbag mo kaya alam ko na either ibinato mo yun sa taxi driver o, binato mo yun sa jeepney driver."
Nag-alibi pa ako! Parang wala akong maitatago sa mokong na 'to ah! Sa loob-loob ni Kie, wala nang point magsinungaling. "Oo na. Tama ka na!"
"So, bakit ka nga nandito?"
"Wala lang. Dumalaw lang."
"Maghugas ka nga ng paa."
"Makikipaglaro sana ako sa'yo eh."
Nagulat si Eros. "N-Ng?"
"Playstation?"
"Typical geek?"
"Oo."
"Sorry, wala akong playstation."
"So kung hindi ka nagpe-playstation, nag-"
"Yup, internet. Satisfied?"
"Sorry na. Gusto ko lang kasi maging even dun sa pagsalo mo sa akin last Friday eh."
"At yung treat mo... being?"
"Playstation sana, tapos order ako ng pizza. Kaya lang -"
"May XBox ako."
Kumunot ang noo ni Kie. "Eh ganun naman pala eh. Nasa'n ang telepono?"
"BAKIT BA GUSTONG-GUSTO MO 'TO?" Patungkol ni Kie sa Grand Theft Auto San Andreas. "Parang nagpaplano kang maging isang hoodlum, eh." "Isa pa, one-player mode lang. Wala ka bang battle game diyan?"
Namula si Eros. Maya-maya pa, si Kie naman ang namumula. "'Y-yan lang yung game ko na puwedeng two-player eh," patungkol naman ni Eros sa Dead or Alive Xtreme Beach Volleyball. Parang nagsisisi tuloy si Kie at natanong niya kay Eros kung meron ba siyang battle mode game. Sa pakiwari ni Kie, hindi lang bola ng volleyball ang tumatalbog sa game, kundi mga boobs at butt ng mga babaeng characters sa game. Pawang naka-bikini ang lahat ng mga babaeng tumatalon sa loob ng game.
Pero makalipas ang ilang minuto, nagchi-cheer na si Kie. "Kiss my ass, white-trash!"
"Madaya ka eh! Hindi ko naman madalas laruin 'to eh!"
"WUSHU!!!"
"Hindi kasi ako mahilig maglaro talaga ng games, other than GTA. Besides, I still have to review for our competition para sa Helsinki."
"Hindi ba kita naistorbo sa tranining mo?"
"Medyo. Pero okay lang. Nakakabato kasi na puro graph theory at anal-geom ang kaharap mo bawat oras."
May nahuli si Kie sa sinabi ng binata. "Anal- what?"
"Analytic Geometry. Andumi talaga ng isip mo. Pero anyway, it's really nice for you to come here."
"Wala 'yon! As long as wala na akong utang na loob." Parang hanggang tenga ang ngiti ng puso ni Kie. Kung may tenga man ang puso niya. Maya-maya, may naramdamang kakaiba ang puso niya. Kinakabahan siya. "A-anong oras na ulit?"
"Oo nga ano. It's already... umm... eleven-twen-"
"AY POKE! Kailangan ko nang humarurot papuntang bahay! Saan ang taxi dito?"
"Huwag ka nang mag-taxi."
Ibang kaba naman ang pumasok ngayon kay Kie. "H-Hindi ako puwedeng mag-stay. W-Wala akong damit -"
"Ihahatid kita pauwi."
Ay, ang-gentleman naman. Bibihira para sa kanya ang ihatid ng isang lalaki. dahil paniwalang-paniwala siya na strong-willed woman siya, never pa siya nagpahatid. "Ay, hindi na. Kaya ko na sarili ko," pagtanggi niya.
"Maraming bastos na nagkalat dito sa bandang Muñoz. Besides, mahirap maghanap ng taxi dito sa lugar na ito. Ihahatid na lang kita papunta sa inyo." May biglang naalala si Eros. "Ay teka, may kukunin lang ako sa loob, tapos, alis na tayo."
BAKIT BA 'PAG TUWING MAGKASABAY KAMI SA JEEP, parang ang-gaan ng pakiramdam ko? Natatakot na sa sarili si Kie. Lumingon siya sa dako ni Eros. Anak ng... akala ko ba siya ang magpoprotekta sa akin? Tinulugan ba ako? Pero na-realize din niya, pagod na rin ang binata sa dami ng ginawa niya sa araw na iyon. Parang napakapayapang tingnan ng binata. Naaaliw si Kie habang nakikita niyang nakanganga habang natutulog si Eros. Maya-maya, may kumislap sa gilid ng labi nito.
Hinugot ni Kie ang panyolito nito mula sa handbag niya. Nagulat na lang siya ng hawakan siya ni Eros. Kahit nakapikit, nagawa pa rin nitong magsalita. "Kaya ko na, besides kapag pinahid mo yan, masyadong obvious na nagdu-drool ako." Nangiti na lang si Kie. Half-asleep lang pala si Eros. Marahil ay pinipikit nito ang mga mata para maiwasan ang mga conversations, o para mapahinga ang mga mata kakabasa ng mga problems, kaka-search sa internet ng mga solusyon. Hindi kasi tinuturo sa high school ang mga problema niya.
Pati ang mga susunod na mga problemang makakaharap nilang dalawa sa pagpapanggap nila, hindi rin kayang panghawakan ng isang normal na high school student.
"SO I GUESS... THIS IS ME..." sabay lahad ng kamay ni Kie sa kanilang bahay.
"Parang hindi naman ako nakapasok na dito."
"Puwede ba pagbigyan mo na lang ako."
"Bakit ako yung ginagamit mo sa Carrie Bradshaw-fantasy mo?"
"Nanonood ka nun?"
"Napanood ko lang sa commercial," namumulang tugon ni Eros.
"Anyway, kita na lang tayo mamaya. Kung kaya pa ng sikmura mo, uminom ka ng gatas para makatulog ka at hindi mapuyat."
"That's fierce! Sweet, but fierce." Anlaki ng ngiti ni Eros.
"Tsinelasin kita diyan -" nagulat na lang si Kie nang halikan siya ni Eros nang bahagya. Niyakap pa siya nito at bumulong sa mga tenga nito.
"Nandiyan si Marie, nakasilip sa bintana niyo." May inis na naramdaman si Kie. Bukod sa ninakawan ito ni Eros ng halik, sinabi pa nito na ang dahilan ng halik ay dahil nakatingin si Marie. "Kung ayaw mong maghinala pa si Marie, yumakap ka na din. Bear hug?"
Inunat ni Kie ang mga bisig nito at pinalibot ang mga ito kay Eros. Maya-maya pa, bumaba ito sa bandang ibaba pa, at marahang pinisil ang mga pisngi ng puwitan nito. Mabuti na lang at madilim, ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ni Kie ang pamumula ng binata. Maya-maya pa, umakyat ang mga kamay ng dalaga papunta sa likod ni Eros, at ubod-diin niyang tinusok ang kuko sa likuran nito. sa sobrang diin, napaimpit sa sakit si Eros.
"Humanda ka sa 'kin mamaya!" Pabulong na pagbabanta ng dalaga.
Habang tulalang lumayo at umuwi na ang binata, sinalubong naman siya ni Marie sa pintuan.
"Ate." Panimula ni Marie.
"Oh, ano? Papagalitan na naman ako ni Papa? Hindi ka pa rin naniniwala na kami ni Eros?"
"Hindi. Tatanungin ko sana kung nasaan na 'yung sandal mo. Hindi mo kasi suot ngayon eh. Hihiramin ko sana. Besides, bakit ka nag-dress eh sabi mo pupunta ka lang kay Elle."
"Bakit? Hindi ba bagay ang dress at rubber shoes?" Sabay tingin sa Advan rubber shoes na ipinahiram ni Eros.
GABI NANG SUMUNOD NA ARAW, binati ni Erwin si Eros. "Uy, bro. Bakit may stretchmarks ka ata sa mukha? O galos ba 'yan?"
"Hindi, kalmot ng babae," pangiwing tugon ni Eros, habang hinahaplos ang sariwang sugat.