"GANON?!?!" Bulalas ni Kie. Lunes ng umaga, at sinimulan ni Kie ang linggo niya ng isa pang makatawag-pansing tili sa gitna ng flag ceremony.
"'Di ba dapat inaasahan mo na 'yun? Nung... (humina ang boses ni Eros) nung h-in-ire mo ako bilang boyfriend mo, dapat alam mo na na ganun!" Tumingin pa rin sa paligid si Eros.
"Eh papaano na yung plano ko? Two weeks kang mawawala tapos may nalalaman ka pang paggala-gala sa Helsinki mo?"
"Minsan lang makapunta si Mrs. Falcon at si Mrs. Bueno sa Helsinki. Malamang magsha-shopping pa sila!"
"Pero kapag natalo ka naman kaagad, 'di ba mas mapapaaga ang uwi mo?"
"Puwede, pero basically, hindi ako makakapangako kasi nga kasama ko -"
"'Yung dalawang matrona mo. Oo, naiintindihan ko na!"
"Eh, bakit ka ganyan magmaktol? Kung umasta ka, parang girlfriend kita ah!"
"Aba-aba-aba! Eh ano naman ang alam mo sa mga babae, eh first time mo na nga lang magka-girlfriend, peke pa! Tsaka paano yung convocation natin sa fourteenth?" Tinutukoy nila ang fourteenth ng susunod na buwan.
"Sa fourteenth ba ang convo natin?"
"At ako ang naatasang mag-organize ng numbers. Fifteen minutes of hell ang io-organize ko."
"Ano naman nakita sa'yo ni Carla (ang class president nila) at ikaw pinag-organize niya?"
"Bukod sa seksing katawan ko, hindi mo ba napansin na magaling akong kumanta?"
"Ni Bayang Magiliw hindi mo nga makuha nang tama eh!"
"Ang kapal naman! Eh ikaw nga pinakanta sa Music class natin, mas ginusto mo pang bumagsak kesa kumanta!"
"OO NA MOMMY!"
"MOMMY NAMAN." Pabirong paglalambing ni Eros. Tuesday na at hindi pa rin siya kinakausap ni Kie. Tuwing lunch time na lang sila nagkakausap. Puspusan ang training ni Eros para sa IMO. "Naga-apologize na si baby."
Tangina, ngayon ko lang nakitang manuyo ang mokong na 'to ah! "Tseh!"
"Ayun! Kinausap na rin ako! YEHEYYY!!!" Nagtatatalon at nagsusumigaw si Eros sa loob ng canteen. Sa kasong ito, si Kie naman ang nahiya dahil ansagwang tingnan ng mop-headed na fake boyfriend. "Teka, oo nga pala, nasaan na si Elle? Hindi rin siya pumasok kahapon di ba?"
"Hindi ko rin alam sa babaeng 'yun. Lately, parang laging may period." Si Kie.
"Ah ganun ba? Pero seriously, bakit nagsusungit ka lately?"
Nakapagsalita na rin siya kay Eros, minabuti na niyang magtapat. At least sa extent ng nararamdaman niya tungkol sa kontrata nila. "Kasi, one hundred days lang ang setup natin. Tapos, mababawasan pa ng mga ilang araw. Okay, aminado ako, mukhang umuusok na sa selos ang nguso ni Ryan, kaya lang, I don't think it's enough time para mapaselos ko siya eh."
Pero iba ang nararamdaman ng aleng nakaupo sa upuan niya. Gusto niyang manatili ang binata. Gusto niyang makilala pa ito, makasabay sa jeepney pauwi. Maaliw sa kakalaro ng Xtreme Beach Volleyball.
"So gusto mo, i-extend natin ang contract?"
"Nginanganga mo siguro ang shabu, no? Of course not! Naisip ko nga, gawing opportunity yung pag-alis mo para lumapit ang Ryan na 'yun sa akin. Tapos magkaayos na kami, mend broken hearts, kill that witch Louie." Tatlong segundo nang walang umiimik sa kanila. "O, bakit parang natahimik ka?"
Ambilis naman. Puwedeng i-delay mo muna 'yan? Yun ang gustong sabihin sana ni Eros. Kaya lang hindi niya magawa dahil alam ng utak niya, si Marie ang tipo niyang babae. "Hindi, ako rin naman kasi ang talo. Kung magkakabalikan na kayo ni Ryan sa pag-alis ko, eh di magmumukha ka lang kontrabida sa kapatid mo. Not to mention na baka maghinala pa lalo si Marie sa intentions mo."
"At dahil maawain ang kapatid kong 'yun, pupulutin ka nun sa 'depression days' mo. Mabait na bata si Marie. Dapat alam mo 'yun." Hindi naman ma-imagine ni Kie kung makakatingin pa siya nang diretso kay Eros kapag nagkatuluyan at dumadalaw na ang binata kay Marie. Hindi dahil sa dapat magkunwari silang ilang sa isa't isa, kundi dahil kahit papaano, nagkarelasyon sila. Para kasing nakakahiya.
"Sabagay." Yun na lang ang nasabi ni Eros. Anyway, hindi rin naman pangmatagalan ang setup nila. Pero parang may humihila sa kanya pabalik para bawiin ang mga sinabi niya. Alam niyang hindi puwede dahil siya mismo ang gumawa ng kontrata.
ALAM NI EROS NA BAKA MAHULOG ANG LOOB NIYA KAY KIE. Maganda at matalino naman ang dalaga. 'Yun nga lang, madumi ang bibig. Noong first year high school pa lang sila, naging crush niya ang babae. Siya ang namumukod-tangi sa klase nila at walang-imik ito. Tahimik. Parang maraming dinadalang problema. Naaalala pa niya ang mahaba at lagpas-balikat nitong buhok, ang pink na ribbon na tumatali sa makintab nitong pony tail. Ang masayahin niyang singkit ay natatabunan ng mga malulungkot nitong mga mata.
Nang maging second year high school na sila, naging mas maingay na si Kie. Na-distract siya dahil ang alam niya, tahimik lamang ito. Naisip tuloy ni Eros na sobrang laki na ng kulo sa loob ni Kie. Pero gaano man kalakas ang halakhak ng dalaga, siya namang alingawngaw ng mga malulungkot nitong mga mata. Nang mga panahon ding ito naging groupmates sila sa Computer Science. Napapansin niya na hinahayaan lang siya ng dalaga na gawin ang gusto niya, habang todo-text naman si Kie sa kung sinumang lalaki ang kausap niya. Akala niya, ganoon lang kababaw na babae si Kie, pero nang minsan, nung nag-CR siya at medyo natagalan dahil nilapitan siya ng isang Math teacher, pagbalik niya, tapos na ang tandem work nila. Flawless ang paggana ng pag-display ng pangalan ni Eros sa Micro-Alexan Computer Education Device. Nang mga panahong iyon, kakaibang konsepto ang programming ng Micro-ACE, at kahit siya, nahihirapan hindi dahil masyadong maraming computations na gagawin para lang ma-display ang isang letra nang tama.
Lumipas ang ilang buwan at nakilala niya si Marie. Nagulat pa nga siya nang malaman niyang magkapatid ang dalawa. Nang tanungin niya si Marie kung bakit hindi sila magkamukha ni Kie, sinabi niya ang masaklap na katotohanan. Ampon lang si Kie, at ngayon ay nagrerebelde ang dalaga dahil matagal na panahon bago inamin ng mga adoption parents nila ang tunay na katauhan ni Kie. Ngunit lalo lamang nalayo ang damdamin ni Eros kay Kie dahil nang mga panahong iyon, kahit sinong babae na magpakababa nang ganoon dahil sa katauhan ay walang puwang sa puso niya. Masyadong mababaw ito para sa kanya, kaya nag-iba na rin ang pagtingin niya sa dalaga.
Sa mga lumipas na panahon, nakumbinsi si Eros na si Marie ang mahal niya, na siguro, tadhana ang nagpalapit sa kanilang dalawa, na ate ni Marie si Kie.
Hanggang January 25th.
HULING DATE NILA SA PACO PARK bago umalis si Eros papuntang Helsinki. Kinakain nila ang paboritong fried baga, habang bitbit-bitbit ang mamon at Jungle Juice.
"Bruhang 'yon! Hindi pumasok for a week! Paano ga-graduate yun?" Nilabas na lang ni Kie ang inis sa pagbukas sa plastic ng mamon na dala nila. Matapos kumalma, naghanda ito dahil nangangati na ito para itanong kay Eros ang gusto niyang itanong. "Eh, ilang araw ka ulit dun sa flight mo?"
"Mga two days ang flight papuntang Finland. Tapos, sasakay daw kami ng bus para sa venue ng opening ceremonies. I should be practicing my English now." Si Eros.
"Don't worry. Your English is perfect." Pagkatapos ng ilang minuto ay lumingon sa kawalan si Kie.
Nakita muli ni Eros ang mga malulungkot na mga matang iyon. Ang mga matang tumunaw sa puso niya noong first year pa lang sila. "Anything you want to talk about?"
"Nothing."
"Naku, sino ka bang sumapi sa katawan ng kaibigan ko? Please naman, lubayan mo na si Kie." Paglalambing ni Eros.
Nagulat si Kie. Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. "Mami-miss kita." At yumakap na siya kay Eros.
"Eto naman. Dalawang linggo lang naman ako dun eh. 'Wag kang mag-alala, papasalubungan kita ng -"
Hindi naririnig ni Kie ang mga sinasabi ni Eros. Halo-halo ang mga iniisip ngayon ni Kie. Kung abenturerang klase siya ng babae, paninindigan niya ang nararamdaman niya. Ayaw niyang umalis ang binata. Iniisip din niya na baka makalimutan na siya ng binata. O baka makalimutan ng binata ang kontrata at umayaw na lang bigla. Gulong-gulo ang isip niya.
Pero, abenturera nga siya.
"Kunsabagay, huling gabi natin ito bago ka umalis." At walang bahid pagdadalawang-isip na hinalikan ni Kie si Eros. Nangingilid ang luha ni Kie habang gulat at mangiyak-ngiyak na ring tumugon sa paghalik si Eros. Lutang ang isip ni Eros, dahil lahat ng mga nararamdaman niya tatlong taon ang nakalipas, ay talong-talo sa saya niya ngayon. Hindi lubos-maisip ni Eros na sa mga labi niya ay nakalapat ang malambot na labi ni Kie.
Sa pagtugon ni Eros sa halik ng dalaga, nahawakan niya ang malambot na baba nito. Para bang ginagabayan niya, pinoprotektahan, kung anuman ang nararamdaman nilang dalawa.
Hanggang sa pumasok sa isip niya si Marie. Ang kaawa-awang si Marie.
Marahang kumalas si Eros kay Kie. Lumuluha pa rin ang dalaga. Sumisinghot. Marahan namang pinahid ng binata ang mga luha sa kanyang pisngi, para hindi makita ng dalaga na siya rin ay sobra-sobra ang saya at bumukas na ang mga puso nila.
Siya na rin ang bumasag sa isang minutong pananahimik nila. "Kie. Please don't get me wrong. This is why I wrote rule number 2."
Nabaling ang tingin ng dalaga sa binata. Nagtatanong. "What do you mean?"
"What I mean is that, now, we're currently longing for the love... the love that made this entire setup possible. I want Marie back. You want Ryan back, right?"
Nagtatanong pa rin ang mga mata ni Kie, ngunit tumugon na rin siya. "R-Right."
"I know this time will come. Out of desperation, we'll end up using each other, for temporary comfort."
Nagulantang si Kie sa sinabi. Temporary comfort? "Yeah, I understand."
"Kie, eyes on the prize. Eyes on the prize." Umusog pa nang kaunti si Eros para masilungan ng dilim ang pagluha niya. Akala niya, mapipigilan pa rin niya ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Yeah. Eyes on the prize." Malungkot na tugon ni Kie.
Nagsalita naman si Eros. "By the way, if you want to go to the airport -"
"Ross, remember, eyes on the prize."
"I understand."
LIMANG ORAS NA SIYANG NAGHIHINTAY. Malaki ang international airport, ngunit hindi niya naman magawang maglibot-libot. Kahit kaunting anino na magmumukhang kay Kie ay matutuwa na siya. Kahit isang text message man lang mula sa dalaga, mapapanatag na ang loob niyang pumunta sa Finland.
Ilang minuto pa, nagsalita na ang announcer. Lilipad na dapat ang eroplanong papuntang Finland. Nalungkot siya. Nagpadala siya ng mensahe sa dalaga ngunit hindi pa rin nagre-reply. Siguro, tulog pa rin 'yun ngayon. Sabado naman, eh. I'll just send her an email, then.
Maya-maya pa, tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang pinakahihintay na mensahe.
Kik thse Chnse asses!
Ay! Chnta pla me, hehe.
Nwei, u cn do it! U cn win it!
Eyes on the prize, friend.
Napansin niya na kinumpleto niya ang huling linya.
Nang dumaong na siya at ang mga trainors niya sa eroplano, may napansin si Mrs. Falcon kay Eros. Nilapitan niya ito at nagtanong. "Bakit ka umiiyak? First time mo sa eroplano?"