"Putang inang iyan..."
Nanginginig ang boses ni Kie. Iyon na lamang at wala nang naisip na pinakamalapit na salitang pumasok sa utak ni Kie para ipanghambalos sa pagmumukha ni Ryan. Kung may papel at lapis lang siguro si Ryan para i-compute kung pang-ilang mura na iyon ni Kie, madali niya na sigurong nabilang at nahiwa-hiwalay ang mga "Putang Ina", "Hayup ka", "Asshole" at iba pang hindi na niya napansing lumabas sa bibig ng dalaga. Paanong magkakaroon siya ng panahong bilangin ang mga iyon kung naririto si Kie, namumula sa galit, nadi-dehydrate na sa kai-iyak, samanatalang nandito siya at parang dagang sinukol ng isang galit na galit na leon sa ilalim ng mga kuko nito.
Ngunit hindi katulad ng mga nagdaan nilang away, tahimik na tahimik ngayon si Ryan.
"So, ganito pala ang tingin mo sa akin ngayon? Na siguro, palalampasin ko 'yung mga pinagkakakana mo kasi sobrang maingay ako, pakawala... ubod ng lande." Humingang malalim si Kie para ibuwelo ang sarili sa mas mahaba pa nitong litanya. "Tarantado ka pala, eh! Kahit putang inang ganito ako ngayon, hindi pa rin ako kaladkarin at kaboba ng iniisip mo. You should fucking be the first person to know that!" Parang bumigat ang puso ni Kie, na parang natipon ang lahat ng dugo niya sa kanyang dibdib at handa na siyang patayin sa sama ng loob.
"Tapos ano? Hindi ka lang napagbigyan last week...? Sobra bang kati ipinangkamot mo yan sa ubod-gaspang na..."
Napabuga pa na parang natawa si Ryan. "C'mon Kie. She's just a fling. Wala naman kaming masamang ginawa..."
"Fling-fling... eh kung putang bigyan kita ng flying kick?" at masuwerteng bagwis ng hangin lang ang nasalo ng pag-iwas niya.
"Kie... if I know you would want to be in Louie's shoes... or rather...", at napangisi ang tisoy. "'Yan ba ang reason kaya nag-aalburoto ka nang gan..."
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ryan. Kung hindi nabilang ni Ryan ang mga mura sa kanya, sigurado siyang pangatlong sampal na iyon ni Kie sa kanya. Ewan ni Ryan kung anong meron sa tatlo, pero sa pagkakataong iyon, magkahalo ang galit sa takot. Nagalit siya dahil sumobra na ang pagtapak ng dalaga sa pagkalalaki nito - parang isang kasalanang mortal sa kanya ang pagsampal ng tatlong beses sa isang lalaki, gayong sa mga panahong iyon niya lang naman iyon naramdaman. Takot dahil walang sinisino ang mga mata ngayon ni Kie. Naisip niya tuloy, napakatinding babae talaga nito.
"Ang tindi mo rin ano?" Parang napabunghalit na lang ng mahinang pagtawa si Kie. Kung may masasabi lang si Ryan sa mga nangyari, ang masasabi niya siguro ay parang nabaliw na si Kie. "Come to think of it. Napakasuwerte ko pa rin pala!" Hindi na maintindihan ni Ryan ang nangyayari at pinagsasasabi ni Kie.
See? Eh di inamin mo rin palang gusto mo na rin...
"Napakasuwerte ko pa rin talaga na hindi ikinamot sa akin ng isang tsonggo ang kati niya sa katawan!" Nakakaloko ang sinabing iyon ni Kie. Bagaman alam ni Ryan ang pinupunterya ni Kie, hindi niya matanggap na inihambing siya sa isang tsonggo.
"Let me explain... you want me to be in her shoes? Right? Ano bang alipungang makati ang nahawaan niya sa'yo? And you want me to wear her bra? Tinamaan siguro ng buni mo, pero wala kang maririnig sa pobreng babae kasi mahal ka niya...", nang-uuyam ang tono ni Kie. "Well, if you put it this way, mas kadiri siguro ako kasi I kissed some shithole that might me mistaken as your mouth?"
Sobra na ang pangmamata ng babaeng ito, sa isip ni Ryan. Mabaho ang mga pinagsasasabi na nito, hindi niya tuloy lubos-maisip kung saan natuto ng kagaspangan ang babaeng ito. Pero bakit sa gaspang na ipinapakita nito, mas nananaig ang takot mula sa mga mata nito?
Parang nakakatakot gumanti ang isang katulad niya.
Tiyempong nang mga sandaling iyon, parang naging mas malamig pa ang panahon. Gabi nga at malamig, pero parang may malamig na tubig na bubuhos sa isa sa dalawang nagtatalo. Maya-maya nga'y nag-uunahan na ang ilang mga patak ng ulan na dumapo sa pinakahungkag na tao sa gabing iyon.
Kumislot si Ryan sa unang mga patak ng ulan.
"Marami na sana akong sasabihin sa iyo ngayon eh. Kaya lang, useless din. Siguro, ang maipapayo ko na lang sa iyo, gaya ng sinabi mo sa akin nung hinipuan mo ako, iligo mo na lang iyan."
Hindi makuha ni Ryan ang gustong ipahiwatig ni Kie. Pero naghihintay siya sa pantapos ni Kie para sa gabing iyon. In-expect na niya ito kahit pa noong mga panahong sila pa.
"Pero huwag mo nang asahan na magpapaloko pa ako sa 'yo. Ngayon, natutuwa ako at binasbasan ng langit ang putang inang paghihiwalay natin. Hinde. Huwag ka nang magsalita. Magpapaliwanag ka na naman. Siguro magandang palusot na naman ang naimbento mo habang talak ako nang talak dito. Hindi na ako bibili sa kuwento mo. At kung kahit maligo ka sa ulan ngayon at hindi pa rin nawala 'yang hadhad sa katawan mo," natawa si Kie sa sarili niyang patawa. Parang ansarap lait-laitin ang manlolokong si Ryan nang gabing iyon. "... ipakamot mo na lang sa tanging nasisikmurang hawakan ang singit mo."
Iyon lang at tumalikod na siya na parang lumuwag nang kaunti ang paghinga nito nang palayain ang mga salitang iyon. Kunsabagay, hindi lang naman si Ryan ang una nitong naging boyfriend. Pakiramdam niya, manhid na siya sa mga pagtrato sa kanya na parang "break-up"-type na babae.
Pero sa loob-loob niya, napakalaki niyang talunan. Kahit napitpit niya ang pagkalalaki ni Ryan nang gabing iyon, parang kulang pa rin ang nagawa niya. Masyado siyang umasa sa relasyong ito, at muli ay binigo siya ng isang manloloko.
"Ay teka, baka naman sabihin mo na masyado akong rude ngayong gabi." Lumapit ito sa lalaki na parang may igaganti pa ang dalaga. Parang nahulaan na ni Ryan ang gagawin niya. Sinabi sa sarili ni Ryan na hindi magiging apat ang sampal ngayon ni Kie. Hindi na niya pinatulan ang babae. Alam niya kasing siya ang may kasalanan. Pero isa pang lagapak ng kamay nito sa pisngi niya, hindi ito mangingiming patulan ang dalaga.
Kumuha si Ryan ng timing kung paanong sampal ang gagawin ni Kie. Nang makita niyang inangat ang kanan nito (ang mas malakas manampal na kamay), hinanda niya na ang kaliwang kamay niya. Matagumpay na nasalo nito ang kanang kamay ni Kie. Hindi niya napansin ang kaliwang kamay nito. Naging maagap si Ryan. At matagumpay niya muling nasalo ang kamay ni Kie.
Ngunit hindi niya inasahan ang tuhod ni Kie sa bandang ibaba ng pundilyo niya.
"Sorry kung hindi ako marunong magkamot ng kati. Iyan lang ang tanging maitutulong ko sa iyo."
At umalis na si Kie na parang nabunutan ng isang manipis na tinik sa dibdib, habang ang isa nama'y napaupo't umaangil sa nasaktang bahagi.
"IDOL KA SIS! Imagine? Nag-stumble sa harapan mo yung pobreng may hadhad?"
Si Amelia. Elle ang tawag ni Kie dito, dahil bukod sa dito niya nakuha ang lahat ng landi na meron siya ngayon, sinabi rin niyang sosyal ang tunog niyon. Parang 'yung modelong may apelyidong McPherson.
"Dapat noon ko pa sinugod 'yung unggoy na 'yon with his gir-... bitch! Anyway, I never thought it was that easy. Iniligo ko lang kaninang umaga, parang walang nanloko sa akin. Ansaya kasi nung vengeance ko sa kanya eh. 'Tsaka naisip ko rin, vengeance is served better when it's cold." Habang nilalabi ang isang sikat na linya mula sa isang pelikula. "Nung binasag ko yung bets niya kagabi, naisip ko na hindi lang sarili ko ang naiganti ko, pati ikaw na halos masira sa akin dahil sinungaling ka raw. And to think, napaniwala niya ako." Nagbuntung-hininga muna siya bago ngumiti't tumuloy sa sasabihin. "Iniligo ko lang yung relasyon namin, tapos ayun! Wala na siya sa landas ko."
"Very true. But to tell you... about... you getting over him, ummm... parang hindi convincing. Tingin ka sa salamin para malaman mo."
Alam niyang malungkot pa rin ang mga mata niya dahil para siyang mangkukulam na sinusumpa si Ryan nang gabing iyon. Hindi kasi niya matanggap na pagkatapos ng lahat ng tamis na ibinigay sa kanya ni Ryan, aabot lang sa lokohan ang relationship nila.
"Elle, palibhasa, hindi mo pa na-try na makipag-break sa boyfriend, kasi first and foremost, hindi pa po kayo nagkaka-boyfriend. Second, lagi na lang flings ang meron ka kaya nga minsan naba-brand ako na kasing palikera mo. Ops, ops. Maraming beses na nating napag-usapan 'to kaya 'wag mo akong simangutan nang ganyan. Best friend pa rin naman kita kahit na may kakaibang lifestyle ka, and I respect you for that."
Unti-unti nang bumalik sa aliwalas ang mukha ni Elle. Biro lang naman 'yung simangot niya kanina. At alam niyang nadadamay lang ang kanyang kaibigan sa mga kalokohang ginagawa niya sa buhay. Nirerespeto kasi ni Kie ang "fun" na pinaniniwalaan ni Elle. Hindi kasi nito nahanap ang "fun" na iyon sa kanyang pamilya. At kahit high school seniors pa lang sila, ganoon na sila ka-maintindihin. Mga narrow-minded lang naman ang nagpapasikip ng mundong ito.
Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, kahit ganoon at halos trasher na ang mga ugali nila, certified "untouched" pa rin ang mga dalagang ito. Natuto kasi sila sa sitwasyon ng ate ni Elle. Nabuntis nang maaga kaya hindi na-enjoy ang buhay-dalaga. Eighteen years old pa lang ay nanay na nanay na ang itsura. At kahit nirerespeto nila ang desisyon ng maraming babae tungkol sa pre-marital sex, mas minabuti nilang panatilihin ang pagiging sagrado nito. Na ibibigay nila ang sarili sa ngalan ng pag-ibig, kasal man o hindi, hindi sa ngalan ng panandaliang panlalamig.
Ano ba naman ang makaranas ng saya kahit pahalik-halik, payakap-yakap o pahipo-hipo lang. "It won't even scratch a blood cell in you", ika nga ni Elle. Hindi bihira na makita si Elle sa lugar nila na may kasamang bagong lalaki, whether na-meet niya sa mall, sa fastfood chain (either kumakain o nagse-serve ng pagkain), sa park, o simpleng sa lugar din nila. Bata pa naman daw siya, at wala siyang planong magbuhay-manang ngayon pa lang.
"You really won't get over someone overnight. Masuwerte pa nga ako at hindi na ako distracted kay Boy Hadhad."
"And... too bad he messed up with the wrong girl. Eh di bumaba tuloy ang fertility points ni Hadhad. By the way, ba't parang malaki ang bag mo ngayon?"
Sa ayos nilang iyon, nakita nila si Ryan kasama si Luisa, Louie for short. Hindi sana nila papansinin ang lalaki kung hindi lang masama ang tingin nito kay Kie. At sa mukha ni Louie, mukhang hindi pa nito alam ang kahihiyan na inabot ng boyfriend nito kinagabihan lamang.
"Parang gusto ka atang gantihan." Napansin din ni Elle ang titig ni Ryan. "Subukan niya lang at dalawa ang makakalaban niya."
"Hay... ang best friend ko talaga. Don't worry, bet pa tayo na hindi ako maaapektuhan sa kanya, o. I'd say a hundred bucks?"
"Aanhin ko ang kahon? (Inirapan siya ni Kie dahil sa kakornihan) Call!" At nagawa pa nilang mag-bet na involved ang mga emotions ng isa.
Nang lingunin na nila si Ryan, nagulat na lamang silang dalawa na maliwanag na ang mukha nito, papalapit, at bitbit-bitbit si Louie.
Mukhang exciting ang turn-of-events ng bet na 'to ah. Nangiti na rin si Kie sa naisip. Matalino naman siya para i-deflect ang kahit anong atake ni Ryan. Gusto niya ang feeling na nati-thrill siya at baka manalo siya sa mga bets nila ni Elle. At sa pagkakataong ito, deeply involved siya sa pustahang iyon.
"Umm... Kie, about last night... are... are you OK now?" Sa isip-isip ni Kie, parang sinasabi ni Ryan ang "totoong" nangyari kinagabihan, at binabaligtad niya ngayon ang sitwasyon nila kagabi.
"Me? OK? Of course! Nah! About me seeing you guys playing hide and seek last night? That wasn't one heck of a deal for me. I was planning to end everything up with you even before last night." Parang gusto pa niyang kanta-kantahin ang linya niya, at pinapalakpakan ang sarili sa ginawa niyang confrontation.
"You were?" Isa na namang masigabong palakpakan para kay Kie. Nagawa niyang magtanong nang ganoon si Ryan. Gusto na sana niyang ipa-picture ang nagtatakang mukha ngayon ni Ryan at ipa-frame iyon.
"Y-yeah. As a matter of fact, I brought these things with me." Kahit si Elle ay nagulat at dinala niya ang mga letters, friendship bands, pictures nilang dalawa ni Ryan, Subic trip tickets, at marami pang iba. "I was thinking kung isasauli ko yung mga stuffed toys, but I really find it hard to part with my babies. They're just so adorable I can't imagine not having them in my room."
Sa loob-loob ni Elle, kaya pala lumobo bigla ang bag niya dahil punung-puno ito ng mga "souvenirs" ni Ryan kay Kie. Nakihirit na rin tuloy siya. "Awwww. So sad naman she has to let go of your sweet memories na."
"Oh..." Parang ibinuhos kay Ryan ang lamang tubig ng jug na malapit sa kanila. Anyway, ayaw na rin pahabain ni Ryan ang exchange gift niya kay Kie. "Sa tingin ko, hindi ko matatanggap ang mga 'yan. No, no. You see, may mahal na ako, and it's improper, and I guess, a bit unethical if I am to keep those. I don't mind if you throw them away -"
"Rye, sabi na nga ba at gagawin mo ito." Naiinis si Kie sa arte ni Louie. Parang pilit ang pagpipigil niya kay Ryan. At... Rye? Ano 'yun? As in "Catcher in the Rye" ni J.D. Salinger? Ngayon niya lang nalamang komdyana pala ang babae. "Plano ko nga sanang mag-sorry kay Kie dahil parang na-hurt natin siya kagabi."
Na-hurt? Eh putang inang halos patayin n'yo ako sa sama ng loob kagabi ah! Mukhang mas kalaban ko pa ang nagpa-salon na mangkukulam. Nayanig ang puso ni Kie sa sinabing iyon ni Louie. Nagtimpi siya. Magaling ata siyang umarte at magtago ng totoong emosyon.
"Yeah, I have to admit na nasaktan ako sa ginawa n'yo. Pero I have to face the truth na hindi talaga tayo. I even think it's a bit odd that we're talking about our relationship here with Elle and Louie." Nahinto sandali si Kie. Si Elle lang ang nakapansin ng saglit na twitch ng labi ni Kie. "Anyway, I guess it's time I have to admit that... I'm in-love with another guy." Sabay ngiti ni Kie na parang kabu-bloom pa lang ng love "nila", kung sinuman ang misteryosong lalaking nabanggit. Nagulat din si Elle sa tinuran ng dalaga. Kani-kanina lang ay walang binabanggit si Kie na bagong lalaking nagpapakilig sa kanya ngayon. Mas lalong 'nung cold war sila ni Kie na hindi ito nakikipagkuwentuhan about "another guy" na involved ngayon sa buhay ng dalaga. Sa pagkakaalam kasi ni Elle, si Ryan pa talaga ang ipinagtatanggol ni Kie everytime ibinubuking nito ang lalaki.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ngiting iyon ay senyales na may naisip siyang mas magandang challenge para sa buhay niya. Mas exciting pero mas risky. At bilang abenturera, sobrang nagustuhan niya ang ideya at timing ngayon ng pag-uusap nila, to the point na nangiti siya nang ubod tamis.
"Cupid! Mamaya ha!" At ang pinatungkulan ng bating iyon ay si Eros Ballesil, isang geek student ng high school na iyon, na running for honors.
Nag-angat naman ng mukha ang pinatungkulan. Nakaupo lamang siya tatlong mesa mula sa apat, at parang may sino-solve na test paper, napagkakaalam ni Kie ay practice test lang iyon sa National Math Olympiad. Una, parang hinanap nito ang tumawag. Mukhang tanga niyang hinawi ang buhok na nakaharang sa paningin niya. Inayos niya nang kaunti ang salamin at naaninag kung sino ang tumatawag.
"O-OK na ba kayo ni Ryan?" Balik na pagtatanong ni Eros. Mababa ang tono ng pagtatanong na iyon, parang nananantiya. Hindi naman masalita si Eros, kaya ine-expect na nila na iyon lang ang sasabihin niya.
"OK na kami." Sagot naman ni Kie.
Iniwan ni Eros ang makalat na mesa, lumapit nang bahagya kay Ryan. Sa una, sinilip ni Eros ang katabing babae ni Ryan. May guhit ng pagtatanong ang noo niya. Maya-maya ay winisik niya ang kanyang ulo at kinausap si Ryan nang hindi nakatingin nang diretso sa mga mata nito. "Pare, I hope you don't mind if I get to meet her this afternoon."
Parang nagji-jitter ang utak ni Ryan nang mga sandaling iyon kaya utal din ang pagsasalita niya. "Y-yeah. S-sure pare."
Parang may himig ang mga mata nito, parang nagtatatalon at sinabing, "YES!" Maya-maya'y tumikhin ulit si Eros. "Thanks. Anyway, gotta go." Sabay simpleng ngiti ang ibinigay ni Eros kay Kie.
Buong pagtatakang minasdan nina Ryan at Louie ang papaalis na lalaki. Pero kung pagtataka rin lang ang pag-uusapan, parang kinder naman na hindi ma-figure ang A sa B si Elle. Sobrang lost na siya sa mga nangyayari ngayon.
Cupid? Sa isip ni Ryan, parang nakahanap ng lover boy si Kie sa katauhan ni...
"Y-you mean... ?" Parang hindi makapaniwala si Ryan.
"Yeah. I fell in love with a geek. I even felt weird dati na I was setting my standards lower than ever. Pero 'nung makilala ko na siya, since almost everyday nakikita ko na siya dito sa school at sa bahay, I realized Cupid was one special person I can't ignore. I just realized he was and still is larger than life. I never lowered my standards at all."
Parang nainsulto si Ryan sa itinuran ni Kie.
He's larger than life? Never lowered her standards? She's trying to say I'm a lower life form than that old-looking hag?
Alam ni Ryan na laging nasa bahay ni Kie si Eros, gawa na laging si Ryan ang nagsusundo sa dalaga noong sila pa. Pero iba ang pakay ni Eros doon, sa pagkakaalam niya. Baka nitong mga huling linggo na madalas itong gumawa ng "projects" nag-develop ang feelings ng isa't isa.
Bagaman marami siyang tanong kay Kie, at gusto niyang awayin ang babae, hindi nahanapan ni Ryan ng sense ang gusto sana niyang gawin. Panalo na dapat siya ngayon dahil malaya na siyang mamahalin si Louie. Pero hindi pa rin, hindi dahil nagseselos siya, kundi dahil may namamagitan na pala kay Eros at Kie without even him noticing any smell of bad coffee. In other words, nadaya siya.
Pero wala na siyang hawak kay Kie. Dapat nga ay matuwa siya dahil napakabilis ng pag-recover ng babae gayong niloloko niya ito. Pero parang tawag ng kanyang testosterone na may mali at kulang ngayon sa pagkalalaki ng binata. Pinahihirapan siya ng kanyang ego.
Parang hindi siya masaya sa mga nangyayari.
"I-I'm happy for the two of you." Sabay lahad ng kamay sa kanya ni Ryan.
Umalma nang kaunti si Kie. Pero nanatiling nakangiti ito. "Honestly, I don't feel like shaking hands with you, Ryan. Yeah, I'm happy now with Eros, but I have to say that I don't feel like making friends with you anymore. What happened last night was totally improper, and, I guess, won't need any of those 'proper engagements'. I may have cheated on you, but not to the level of like what you did last night. Pero I have to say, sorry din. I felt for this guy sa kalagitnaan ng relationship natin. I hope you understand me." Yumuko si Kie. Tumayo. 'Yun lang at lumabas na sila ni Elle ng kantina.
Walang naiintindihan ngayon si Ryan. "Yeah... I-I understand," kahit wala na ang kinakausap.
Naiwan si Ryan na tulala at nakalutang ang kamay sa hangin. Nagising lamang ito sa katotohanan nang ayain na ni Louie na bumalik na ito sa kanyang klase. Nang madaanan nila ang isang sementadong trash bin, punumpuno na ito ng mga pictures, love letters, at marami pang iba.