Manila Science High School. Isa sa mga pinaka-respetadong mataas na paaralan hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo na rin. Sa katunayan, dito nanggaling ang mga pinoy na nanalo sa Intel International Science Fair, na ginawaran din ng ilang mga literal na bituin sa langit upang ipangalan sa kanila. Dito nagsama-sama ang lahat ng mga magagaling na estudyante sa Pilipinas, maging taga-Davao man o taga-Cebu. Taliwas sa Philippine Science High School na itinuturing na pinakamahusay na High School chain sa Pilipinas, ang MaSci, sa pagkakatawag ng mga guro nito at mga mag-aaral, ay isang mumunting piraso ng malambot na lupa na tinirikan ng limang building, at tinutustusan ng pamahalaang lokal ng Maynila. Ang pinakalumang gusali, ang H.A. Bordner Building na madalas tambayan ng mga magsing-irog, pero ang tunay na gamit ay para sa mga opisina ng mga guro at iba pang trabahador ng Department of Education sa distritong iyon, ay nasa bandang timog-silangan ng lote. Sa silangan ay ang medyo bagong Computer Science building. Bukod sa paghuhurno ng mga talento sa computer technologies, ang ground floor nito ay nagsisilbing Physical Education area, at lover's lair na rin. Dito rin ang tambayan ng mga estudyanteng sinisikap tapusin ang mga assignment (taliwas na sa library ng paaralan ito dapat gawin), at mga nagkukumahog magtapos ng projects. Sa kanluran naman ang pinakabagong Maceda building. Ipinagawa kasi ito ng dating Senador noong bumisita ito sa paaralan. Lecture classes ang karamihan sa mga nandito, at ang maluwang na harapan nito ay nagsilbi na ring tambayan ng karamihan. Sa hilagang kanluran ang H.E. building, para, siyempre, sa Home Economics classes na isinasagawa rito. Sa unang palapag naman ng H.E. building ay ang malawak na kantina. At sa puso ng lupaing iyon ang Main Building, na bumabahay sa mga napakaraming laboratoryo, classrooms, ang Auditorium, ang dalawang CR, at ang library (Pandayan ng Karunungan). Dito rin matatagpuan ang mga forbidden rooms ng Principal's at Guidance Counsellor's Office.
Dahil sa napakaliit lamang ng lote nito, walang gymnasium o kaya'y basketball court man lamang sa paaralan. Iisa na rin ang quadrangle ng paaralan, at iyon ay ang kalawakang pinapalibutan ng main builiding. Tila pader ng quadrangle ang main building sa hilaga, kanluran at timog, samantalang sa silangan naman ay ang computer science building. Sa hilagang bahagi ng quadrangle ay isang stage kung saan nagaganap ang lingguhang convocation ng mga klase, ang araw-araw na pagku-conduct ng isang guro o estudyante para sa flag ceremony, pati na rin ang pang-almusal na school updates (e.g. kung sino ang customer of the past day ng dungeon, sinong pares ang nahuling naghihipuan sa 2nd floor ng Bordner Building, ano ang pinakabagong graffiti sa pader ng Boys' CR) at sermon ng principal.
Istrikto si Mrs. Canta, ang principal ng naturang paaralan, kaya naman halos yumukod na sa paglalakad ang mga tao, guro man o mag-aaral, at pati na rin ang dalawang janitress ng paaralan, kapag lumalakas ang signal ng lila niyang buhok. Kapag may stripes ang medyas mo, mahaba ang patilya, nakalawit ang mangas ng t-shirt sa mangas ng polo, walang t-shirt sa loob ng polo, lagpas tuhod ang palda, matangkad ang takong ng sapatos, sobrang haba o kalbo ang buhok (para sa mga lalaki), nakatalikod ang ID, naka-rubber shoes, at late ng isang minuto sa 7 o' clock, hahatulan sila sa dungeon (aka Guidance Counsellor's Office), o di kaya'y sa butcher's house (aka Principal's Office). Bagama't minsan ay pakiramdam ng mga estudyante na parang hindi na tama ang mga nangyayari sa paaralang iyon, dapat pa nila iyong ipagpasalamat dahil sa disiplinang ini-impose ni Mrs. Canta nakuha ng paaralan ang reputasyon nito para sa academics. At buong pagmamalaki ng mapusyaw na lila niyang buhok ang royalty na nakamit ng paaralan sa kanyang termino.
Nakatutuwang isipin na bagaman halos labindalawang oras na nadirito ang mga estudyante araw-araw ay nakukuha pa ring mamuhay nang normal ang mga naririto. Ang iba ay nakakaliwaliw pa sa mga bars at restaurant dahil halos bahagi na ng Malate ang kinatitirikan ng paaralan. Ilang lakad din mula sa paaralan ay isang Robinson's Mall, at isang sakay lamang ng jeep ay meron nang SM City Manila. Ang mga mayayaman naman ay walang pagod na nakakapunta pa rin sa mga malalayong lugar tulad ng Hard Rock at Virgin Cafe.
Kasama sa pamumuhay nang normal ang pagkakaroon ng lovers sa loob ng paaralan. Kaya lang, dahil sa may pagka-konserbatibo at istrikto ang principal, ang kahit sinong mahuli na naghahalikan at nagpi-PDA (public display of affection) sa mga lugar na puwedeng suutan ng principal (maging sa Boys' CR) ay papatawagin ang mga magulang at ihihiya pa sa araw-araw na flag ceremony sa main quadrangle. Hindi naman matandang dalaga si Mrs. Canta, pero "concerned" lang daw siya sa mga posibleng mangyari sa bawat estudyante. Nonetheless, nagkakaroon pa rin ng pagkakataon na makapag-pahayag ng pagmamahal ang mga magkasintahan dahil hindi naman kayang "dumami" ni Mrs. Canta at isaboy ang (mga) sarili sa kabuuan ng Masci.
May isang espesyal na lugar sa Masci na hindi gaanong dinaraanan ng principal - ang Lover's Lane, na nagsisilbing gilid ng Computer Science Building. Ang mahabang bangkong semento ang nagsilbing lambingan zone ng mga estudyante, sapagkat parang sinadyang sakluban nang palibot ng dalawang gusali (ang Bordner at ang Computer Science) ang lugar na iyon. Bukod pa rito, isang manipis na tahakin pa ang daraanan ng principal magmula sa main quadrangle, o kaya'y isang pintuan sa Bordner ang tanging mga daan papunta sa nasabing lugar, kaya madaling mapansin ng mga estudyante kung parating na ba ang "unos" sa lugar na iyon (bukod pa sa warning signal ng mga estudyante patakas sa kanya, kapag sila'y naglalakad nang mabilis at payuko).
Sa hapong iyon, magkatabi sina Kie, na Valkyrie de Jerez ang totoong pangalan, at "Cupid", na Eros Michael naman ang given name. Ngunit taliwas sa gustong ipahiwatig ng pangalan ng lugar na iyon, naroroon ang dalawa hindi para maglambingan kundi para mag-discuss ng possible contents ng final paper nila sa Modern World History. Gustong piliin ni Eros ang Colombia dahil napaka-challenging ng setting ng kanilang ire-research. Si Kie naman, titig na titig kay Eros, na labis na ikinailang ng huli.
"I guess OK na ang China. Kunsabagay, napakaraming resources na 'non sa library. At saka marami nang nagsulat 'nun na mga tao." Kahit parang inaantok sa pinag-uusapan nila ay diretso pa rin ang titig ni Kie sa geek-a-boo na si Eros.
"Kie, World History ito, at baka kasi nakakalimutan mo na tapos na tayo sa Asian History nung 2nd year pa lang tayo. And besides..." Natigil nang sandali si Eros. Masalita lamang ito lalo na kapag lider ito sa isang project. Pero sa totoong buhay, mahiyain ito at tahimik lamang lalo na't nagkakakuwentuhan ang mga kaklase nito. Kung tutuusin, pinakamaraming salita ang nakukuha ni Eros gawa ng ang dalaga palagi ang nakasanayan na nitong kasama sa mga projects.
Gaya ng palagiang ginagawa niya bago siya makipag-usap sa isang tao, tinantiya munang maigi ni Eros kung magsasalita ba siya o hindi.
Sa wakas ay nakapagdesisyon na siya.
"Umm... puwede bang magtanong?"
"Yeah, sure. Ano ba 'yun?" Nangiti si Kie. Napakatamis ng mga ngiting iyon, at napakaganda dahil pantay-pantay ang pagkakalapat ng mga dulo ng ngipin nito. Isabay pa ang medyo tsinita nitong mga mata na parang nakikisaya sa mga batang naglalaro sa playground ng isang nursery school.
"P-pansin ko kasi na parang... parang... " Huminga nang malalim si Eros. "P-parang t-tinititigan mo ako nang -"
"It's not like what you think it is... not even close." At pumormal nang kaunti si Kie. "Would you mind if we could just reschedule this tomorrow?" Lumapit siya nang kaunti kay Eros na parang excited. Hindi naman kumilos ang lalaki. "I've to tell you something." Kung mag-usap sila ng honor-student, parang walang ipagmamalaki si Eros sa sarili. Kunsabagay, sa mga whereabouts ngayon ni Eros, OK lang na magpailalim ito kay Kie.
"I hope it's not about wasting precious time. Again. Pansin mo ba na late na tayong di-nismiss ni Ma'am Padilla?" Si Mrs. Padilla ang Technical English teacher nila. Wala silang gaanong teknikal na natutunan ngayon. Hinanda na lamang ni Eros ang pagligpit sa kanyang mga kagamitan. "Magsi-six pm na, and supposedly, natapos na dapat natin ang usapan sa research paper. Buti nga yung project grade natin for the third and fourth gradings, pinag-isa na lang. Understanding naman kasi si Ma'am na we have to prepare for our college lives starting April -"
Tapos nang kilatisin ni Kie ang kanyang mga kuko nang lingunin ni Eros. "Uhmm... 'you were saying?"
Madalas nang mangyari ang ganun, na lagi siyang nababara ng mga pambabalewala ni Kie. Ngunit ngayon, parang may natunugan si Eros sa dating ng mga mata ni Kie. Humarap siya dito at muling inayos ang makapal na eyeglasses para makipag-titigan ito nang diretso kay Kie.
"Kie, kung anuman ang binabalak mo, please, 'wag mo nang idamay ang panliligaw ko kay Marie."
"Oh, ganun ba? Too bad..." Nagsimula na ring imisin ni Kie ang mga gamit. "... hawak kita sa leeg."
"Please, diretsahin mo na ako. Anong project ba iyan? Or ano ba'ng exam iyan?" Lagi na lang dinadamay ni Kie ang panliligaw ni Eros sa kapatid niyang si Marie. Madalas kasi na lagi na lang humihiling si Kie ng mga Math hints (or answers) sa tuwing may exam sila, o kaya'y ipapagawa ang mga machine problems nila sa computer science.
Math and computer whiz si Eros, kaya lang, kumonti ang talent niya sa memorization kaya utal siya sa mga speeches, tuliro siya sa mga history essay-type exams, at pati na rin sa Arts and Literature, na kalakasan naman ni Kie. Kunsabagay, kahit ganoon si Eros, above average pa rin ang skills niya sa mga mahihina niyang subjects. Kaya na-manage naman nitong ma-maintain ang grade para masali sa honors list. At ngayon ngang grading period ay nasa third place na siya.
"Don't worry. This is no boulder-lifting task."
Ngunit sa pilyang ngiti ni Kie, parang may ibig sabihin pa ito. Nagmukha itong galit na reyna na naghahanap ng isang assassin. At kung ganun man, sino naman ang kawawang gagantihan ng self-proclaimed na reyna?
Mabilis mag-isip si Eros. Mga tatlong segundong katahimikan lang ang kinailangan niya para masabi niya ito: "Tell me. 'Nung sinabi mo ba sa akin na OK na kayo ni Ryan, eh nag-split na kayo?"
Bilib na talaga si Kie sa katalinuhan ng kaharap niya. T-in-ext niya kasi kay Eros na hindi muna siya makikipag-meet dito after classes dahil may crisis na nangyayari sa relationship niya with Ryan. Na pati si Elle ay damay sa mga nangyayaring iyon. Kinonsidera iyon ni Eros, at sinabi na lang na mag-usap na sila 'pag OK na ang ties nilang dalawang mag-nobyo.
"Oo. Aren't you glad I just lost one of the biggest boulders of my life?"
"Too bad, hindi pa ako nawawalan ng pabigat," habang kakamot-kamot ng ulo si Eros. Kung pautakan at alaskahan rin lang ang labanan, sino ba naman ang listong si Eros para hindi makipagtapatan kay Kie.
Nagbuntung-hininga na lamang si Kie. "Well, you certainly will if you do me this last favor."
Last favor? Never pang nag-finalize ng isang contract si Kie. Kontratado kasi ni Kie si Eros dahil nga sa panliligaw nito sa kapatid ng nauna. 'Pag humihingi ito ng favor, parang kailangan na niyang asahan ang susunod na ipagagawa nito. Laging pangako na lamang nito ang pagbibida kay, o kaya'y slambook entries (e.g. favorite flower, favorite song, favorite na luto ng adobo) ni Marie.
"Hindi ako naniniwala." I-z-in-ipper na ni Eros ang kanyang "Naruto-inspired" back pack.
"Iyan ang hirap sa inyong mga lalaki, eh. Lagi niyong pinagkakatiwalaan ang mga sari-sarili ninyo dahil bading ang mga hindi tumutupad sa usapan. Sasabihin ninyo na usapang lalaki 'pag may kasunduan kayong di dapat mabali. In fact, kayo ang source ng mga kasinungalingan sa buong mundo."
"And what does that have to do with this favor?"
"Alam mo namang hindi pa ako nag-assure sa iyo ng reward para sa kapatid ko. I'm sure ngayon pa lang, naiintriga ka na sa gusto kong ipagawa. Don't worry, mark my words. 'Pag sinabi kong final favor na ito, final favor na ito. I have to say na 80% na ang chances mo para mahulog ang kalooban ni Marie sa iyo. It just happened na ako ang may hawak ng other 20%."
"And... that would be..."
"My own recommendation para sa kanya."
Recommendation? Eh di ba noon mo pa ako dapat binibida kay Marie? Napakunot-noo si Eros dahil parang hindi nito tinutupad ang bahagi nito ng kanilang mga usapan.
"Anong hitsura iyan? Look. Hindi mo ako masisisi kung hindi ko ini-encourage ang kapatid kong sagutin ka. Look at you." Sabay lahad ng kamay na parang inii-scan ang buong katawan ni Eros. Napapalatak na lang si Kie, at umiling-iling na nagpatuloy sa sasabihin. "My part of the deal is to prevent Marie from having bad impressions about you. And I have no say about your obvious features, if you call them features. Besides, mukhang bantay-sarado siya ni Dad. But Marie finds you interesting enough, na napaka-persistent mo pa rin kahit alam mo nang hindi pabor muna si Dad na magkanobyo siya.
"I did my job, ni-rescue kita nang may marinig siyang tsismis na gay ka. Sinabi ko kay Marie na mapili ka lang talaga sa mga babaeng ginugusto mo, pero nang makita siya, nagkaroon ka ng inspiration sa studies mo. Na she's one in some billions. Sinabi ko rin sa kanya na I should know better dahil two years kitang naging kaklase. Na tahimik ka lang masyado at hindi sociable dahil mas sociable ka pa sa computer mo kesa kapwa mo human being. Ipinaglaban naman kita sa mga kaibigan nila nang malaman kong narinig nila ang balita mo with Mrs. Perez."
Si Mrs. Perez ang Advanced Chemistry teacher nila na inaway-away ni Eros dahil ayaw payagan na pumasok sa Science Fair ang project nila. Masyado raw itong advanced at di makakaya ng facilities ng paaralan kaya pinag-isip na lang sila ng bago. Na-inspire kasi ang project nila sa powdered, all-natural water purifier na nakabanggaan ni Eros sa isang Japanese web site. Pero dahil nga sa kulang ang facilities, at ayaw na silang suportahan ni Mrs. Perez, nagpunta sila sa DOST sa Bicutan at nakiusap sa mga koneksiyon nila doon (mga kamag-anak, kaibigan ng kamag-anak, at iba pa) para magamit ang mga high-tech nilang centrifuges, extractors at chemicals para magawa ang likidong version ng powdered water purifier. Akala ng mga tao na ang liquefied version ay pinaghalong tubig at ang powder, but the moment the powder touches water, nagdi-disintegrate na ang mga chemical bonds nito. Their research focused on looking onto alternatives and procedures para ma-liquefy ang powder concentrate by not using water as the medium for the powder's storage.
At nung ine-explain ito ni Eros kay Kie, feeling ni Kie ay nagka-brain hemorrhage siya.
"Sa tingin ko naman hindi mo na kailangang ibida mo pa ako doon because we bagged the gold. And besides, nagkaayos na kami ni Mrs. Perez."
"Pero noong mga panahong iyon, controversial ang pakikipag-away ninyong mag-guro, at mismong si Mrs. Canta, kinondena 'yung actions mo."
Totoo iyon na kahit isa sa mga favorite ni Mrs. Canta ang binata, nakasama pa rin si Eros sa pamorningan na "school updtaes". Bumawi naman ang tadhana nang makasama na ito sa mga "good news" ng Science Faculty department head ng paaralan, upang i-anunsiyo ang pagsali ni Eros sa National Science Fair.
Oh, I'm getting tired of this. Honestly, I can't think of any reason why you guys make your bouts some national issue.
Pakiramdam ni Kie, masyado na siyang exhausted sa mga geek talks and nonsense battles between students and teachers. Hindi siguro nila alam kung saan bibilhin ang mga life nila. Pero wala ring magagawa ang dalaga dahil maayos na paaralan naman ang pinasukan niya (not taking to account yung infamous Boys' CR).
"So? What now?" At dahil naligpit na ni Kie ang kanyang mga gamit, isinalaksak na lang ni Eros ang mga papel na hawak niya kanina sa bulsa ng bag niya. Binuhat na ng lalaki ang bag at iwinasiwas papuntang likod ang bag.
"Alam mo, ikaw na rin ang nagsabing maggagabi na. OK, I'll go straight to my point. I want you to be my boyfriend."
Nahulog ni Eros ang backpack niya dahil tiyempong sinabi ni Kie ang mga iyon nang isu-swing niya ang bag papunta sa kanyang likuran. "E-excuse me?"
"Ang mga lalaki talaga 'pag kinausap mo, kailangang ulitin mo pa. O sige... dadahan-dahanin ko, ah. You... my boyfriend. Me... your girlfriend. Want me to translate them to your planet's language?"
Ngunit kahit intinding-intindi ni Eros ang mga salitang iyon, parang ayaw namang manuot ng mga ito sa isip niya. Higit pa sa translation ang gusto niya.
"I think I need another Christmas break." First day pa lang ng January classes, nami-miss na kaagad ni Eros ang peace of mind na naibigay nito sa kanya.
"AND WHAT MADE you think na gagawin ko ito?" Nagsabay na sila pauwi ni Eros at ni Kie. Si Eros ay taga-Quezon City, ngunit lagi siyang sumasakay ng Munoz mula sa Blumentritt station ng LRT. Si Kie naman, bumababa rin sa Blumentritt para pumunta naman ng Tondo. Mas madalas na magkasabay pa si Marie at si Eros, kaya lang ay tuwing Lunes ang 7 to 7 na class day ni Marie, sa parehong eskuwelahan din. Kaya nga naman mas napalapit si Eros kay Marie kaysa sa ate nito. Hihintayin sana ni Eros si Marie para umuwi nang sabay, ngunit nagpilit si Kie na magpasama dahil sa bagong "misyon" na ibibigay nito sa binata. Sa ngayon ay tumatahak ang dyip sa kahabaan ng Taft Avenue, sa tapat ng Adamson University at intersection ng Kalaw.
Dahil sa madilim na ang kalangitan, nagpalinga-linga muna si Eros, tiningnan ang sariling relo, at nainis sa ipinakita nitong oras. Maga-alas-sais y media na ng gabi, at ilang sandali na lang ay dismissed na sana sina Marie.
"Dapat, hinintay muna natin si Marie. Baka ine-expect pa niya akong makasabay ngayon."
"Para namang araw-araw mo siyang isinasabay sa pag-uwi. Alam mo, kaya na niya ang sarili niya. Baka nga nag-LRT na lang siya pauwi, eh."
At bakit ikaw, di ka nag-LRT? Idinamay mo pati pag-uwi ko. "Ganun' ba kahalaga ang usapang ito kaya nag-jeep pa tayo?" Kung hindi ka lang babae, iniwanan na kita 'nung sinabi mo na sa akin ang pakay mo, eh.
"Yeah. Sobrang mahalaga, na siguro, tatanawin kong napakalaking utang na loob sa 'yo once na na-accomplish mo na. Baka nga after kitang maging boyfriend, mamamatay akong tine-tenkyu kita, eh." Nangiti pa nang nakakaloko si Kie.
"Well, magaling ka ring pumili ng lugar na pag-uusapan natin, 'no? Masyadong pribado... tahimik... (parang hinahawi ni Eros ang sunud-sunod na busina ng mga sasakyan sa kalsada) at komportable."
'Weird naman 'nun! "Kailangan bang mag-gesture sa ere? Anyway, hindi naman ako ganoon kaboba para pag-usapan natin ang dapat nating pag-usapan dito, 'no? Masci ata ak- Mama! Para ho!"
Laking pagtataka ni Eros nang magisnan ang pinagparahan nila. Paakyat pa lang mula sa Lagusnilad ang dyip, pumara na kaagad si Kie. Bumaba sila sa tapat ng City Hall, at bumaba na ng dyip, papunta sa direksiyon ng underpass. Buong akala ng binata ay didiretso sila sa bahay para doon pag-usapan ang plot na gustong gawin ni Kie.
"May pupuntahan ka ba sa Intramuros?" sabi Eros, habang litong sinusundan si Kie pababa ng dyip, dahil bukod sa hindi niya alam ang pupuntahan nila, parang sinadya pa ni Kie na hindi magbayad ng pasahe. Kaya tuliro ding naiabot ng binata ang bente pesos at hindi na nakuha pa ang sukli. "Teka, hintay naman!" Ano kayang hinahabol ng babaeng ito?
"Kalalaking tao, kakupad-kupad! Dalian mo dahil pagsapit ng nine, kalat na ang mga holdaper sa Balwarte."
Balwarte? Saan 'yun? Kung saang isla man ang Balwarteng iyon, wala ring magagawa si Eros kundi sundan ang dalaga, hindi dahil kailangan niyang marinig ang ipinag-uutos nito, kundi sa takot na baka kung mapano ito sa sinasabi nitong "Balwarte" kung sakaling maiwan niya ito. Ego man na tawagin ng mga babae ang pagiging "gentleman", naturalesa na talaga sa mga tunay na lalaki ang umagapay at pumrotekta sa mga babae.
Habol-habol ang paghinga ng dalawa nang makaabot sa arkong papuntang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Naglakad muna si Kie, na naging senyales naman para bumagal sa pagkilos si Eros. Maya-maya pa nang kaunti, tumakbong muli si Kie papuntang kanan, papaakyat ng isang hagdanan, sa kahabaan ng itaas ng batong pader, papunta malapit sa tila napakalaking butas na nagpapaloob sa tila guho ng isang napakataas na tore.
"Balwarte de San Diego. Creepy para sa marami 'pag gabi dito. Pero since may ilaw naman, at mejo hindi mo na dinig ang mga sasakyan sa Padre Burgos, cozy place para sa mga seryosong usapan."
Cozy? Seryoso? O bolahan ng mga mag-siyota? "Bakit hindi mo na lang sabihin na 'dating zone' n'yo 'to ni Ryan, if I'm not mistaken."
Huli! "So? Wala ka nang pakialam doon, no! Anyway, hindi ko type ang mall para maging lugar para pag-usapan natin ito. Mas lalo namang hindi ko type sa bahay... masagwa. Ayoko rin sa school dahil maingay na at madilim pa, at maraming makaka-usyoso kung ano man ang pag-uusapan natin. At least dito, safe ang lahat."
Nagkunot-noo nang sandali si Eros, ngunit alam niyang mapapatagal ang usapan nila kung magtatanong pa siya lalo. "So, tell me more about our 'transaction'."
Naupo na si Kie sa isang bench na malapit. "OK. Sabihin na nating gusto ko ng isang setup na kunwari, mag-boyfriend tayo. We'll do this until hindi ko na makita si Ryan after the Grad Ball. He won't probably show himself up back at my place sa mga panahong iyon, or even after graduation. Kapal lang ng mukha niya. Gusto ko, everyday, susunduin mo ako."
"Everyday? Am I not supposed to fetch you any day I'd like to? And what about Marie? Maiiwan siya lagi?"
"Don't worry, sasabihin ko sa kanya ang plot na-"
"W-what? Are you crazy? Hindi ba negative impression ang dating 'nun sa akin?"
Natigilan nang kaunti ang dalaga, to the point na hindi napansin ni Eros ang slight panic na pumasok sa isipan ni Kie. "Don't worry, nakausap ko na siya kanina, and -"
"Nakausap mo na siya kanina? Ang pagkakarinig ko, sasabihin mo sa kanya? Am I right?" Demanding na ang boses ni Eros, na hindi naman madalas tumataas sa conversational loudness kapag nagagalit. Ngayon, parang 10% ang nadagdag sa normal volume at pitch ng kanyang boses.
"Dapat hindi ko na ito sasabihin, but, she really hesitated to allow me from doing this."
"So this turned out to be some conspiracy between you and Marie?"
"Watch your words or else sasabihin ko kay Marie ang lahat ng iyan. Conspiracy ka diyan!"
"OK. OK." Kumalma nang kaunti si Eros. "So Marie knows everything about this. Ano naman sinabi niya?"
"Actually." Huminga muna nang malalim si Kie. "Na-shock siya sa gulong pinasok ko. Malas mo lang kasi na ikaw ang natiyempuhan ng timing ko kanina. Nasabi ko sa ex ko na meron na akong ibang mahal, at-"
"At nung sinagot kita 'nung tinawag mo ako at sa bibig ko mismo lumabas ang..." At inalala ni Eros ang mga sinabi niya kanina. I hope you don't mind if I get to meet her this afternoon? OK na kayo?
Inamin ni Eros na napaka-perfect ng timing. Ang coincidence ng pagmamadaling matapos niya ang International Math Olympiad sample exam ng trainer niya, ang pagiging concerned niya sa relationship ng dalawa, ang pagmamadali ng pag-alis niya para wala nang paliwanagan mula sa kanya... Sino ba'ng mag-aakala na naisip ni Kie ang lahat na iyon, at isinugal ang pagkakapahiya sakali mang may "mali" mang magawa si Eros. Saglit man, humanga ito sa listong pag-iisip at tapang ng loob ni Kie.
Idagdag pa rito na nakumbinsi niya si Marie para sa plot nito.
Nakumbinsi niya si Marie? At naisip niya ang million-dollar question. "Paano mo nakumbinsi si Marie na gawin ko ito para sa iyo?"
Tumikhim si Kie. Alam niya kasing darating ang mahabang paliwanagang ito. "As I told you, 80% pa lang ng puso ni Marie ang nakukuha mo na. Why do I have the other 20%? Sinabi ko kasi na magbo-volunteer ako para kay Marie na maging guinea pig niya para mag-experiment kung anong klaseng lalaki ka."
Ganun? Magiging part ako ng experiment mo? Sa loob-loob ni Eros, parang unfair naman si Marie at parang hindi ito tiwala sa lalaki, na kailangang ang ate pa nito ang gamitin para makilala ito nang lubos.
"Moreover, natatakot pa kasing maging involved si Marie sa isang relationship, lalo na't mas nakatatanda ka sa kanya. Pero inamin niya sa akin na ikaw ang closest manliligaw niya." As if meron siyang "mga" manliligaw.
"And your verdict will be Marie's basis for her to say yes for me?" Parang na-excite si Eros sa narinig. He's the closest suitor ever pala sa puso ni Marie, and he's almost there. "Well, that sounds nice. Pero paano ako makakasigurong alam talaga ito ni Marie?"
"I'll invite you for dinner. Kailangang malaman din nina Mommy at Daddy na tayo na."
Parang tumigil sa pagdaloy ang dugo ni Eros. Haharapin niya ngayon ang matagal na niyang pinagtataguan... ang Daddy nina Kie at Marie. "Teka, 'di ba malabong pumabor sa akin ang Dad mo kapag naging kami na ni Marie?"
"Hindi ka pa nga tumutungga ng suka, namumutla ka na kaagad. Don't worry, malalaman ni Dad na setup lang ang gagawin nating relationship kuno. I'd bet susuportahan pa niya ako para paghigantihan si Ryan. Though, wala na akong balak na balikan 'yung kumag, gusto ko lang malaman niya na she messed up with the wrong girl."
Sa mga mata ni Kie, para na ring sinabi ni Kie kay Eros na "...so don't mess up with me, or else..."
Pagkatapos ng tinurang iyon ni Kie, bigla itong namutla. Lumingon si Eros sa direksiyon ng nakita ng dalaga. Laking gulat ng binata nang makitang si Ryan ang paparating... may kasamang babae.
Nang mga sandaling iyon, naramdaman ni Eros na parang lumalapit pang lalo si Kie sa kanya. Dahil dito'y nilingon niya ang dalaga. At...
Sapul!
Hindi sinasadyang naglapat ang mga labi ng dalawa, habang si Kie naman ay parang nanigas na tuod habang nakataas ang mga braso sa palibot ng lalaki.
At dahil nga paparating na sina Ryan at Louie, pinanindigan na ni Kie ang nangyari, itinuloy niya ang balak na pagyakap, ngunit dahan-dahang inilayo sa gulat na gulat pa ring mukha ni Eros ang kanyang mga labi.
"Tang'na...! Ubod ka kasi ng likot!" Inis at pangiwing sinabi ni Kie. "Papatayin ko talaga ang Ryan na 'yan!" Gigil na pagdadabog ni Kie, ngunit hindi niya hinayaang pati katawan niya ay makisabay sa pagdadabog na iyon. "Oi, ikaw... ngayon ka na magsisimula ng trabaho mo! At uli-uli, mag-ingat-ingat ka ng pagkilos mo 'pag nandiyan si Ryan... ha!" Gigil na pa-impit na sinabi ni Kie kay Eros. Sabay kunwari ay inaasam ang bawat segundo ng pagyakap nila.
Ngayon ay nakuha na ni Eros ang lahat. Lumapit si Kie para kunwari'y yakapin siya, ngunit aksidenteng naglapat ang mga labi nila dahil sa tensiyong naramdaman nila magmula nang makita sina Ryan at Louie.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakita lahat ni Ryan ang "paglalambingan" nina Kie at Eros... magmula sa paghahalikan nila hanggang sa matamis na pagyakap sa isa't isa. Aalis na sana si Ryan dahil "baka makaistorbo lang sila" ngunit, tiyempo namang tinawag sila ni Kie.
"Ei! Ryan! Andito ka rin pala?"
Ay, hindi. Nasa Somalia ako. "'Sorry guys. Naistorbo ko ba kayo?"
"No, no. It's OK. We're about to leave na rin naman eh, di ba, heart?"
Heart? Kinilabutan si Eros sa narinig. Ngunit nandito na siya, mahirap na'ng ipahiya si Kie.
"Y-Yeah," pagkatapos ay kinalma ni Eros ang sarili para hindi manginig, "... ihahatid ko na nga pala siya sa bahay nila. I hope you don't mind na..." Nagpaligoy-ligoy muna kunwari si Eros. "Na... kami na ni -"
"No, it's OK, pare. Just promise me never to make her cry."
Tarantado! Ang kapal naman at ikaw pa ang naparinggan ko ng ganyang advice! "Don't worry. I trust him for that." Sabay pasimpleng ngumiti na lamang siya. Kumbaga sa malasang mansanas, in-ingest na si Ryan ng isang kambing, at ngayon ay butil-butil na ipot na lamang ito sa kanyang paningin.
Ayaw nang patagalin pa ni Eros ang mga nangyayari. "So, pare, see you tomorrow na lang. And I'd like to thank you also for giving Kie another chance... " at nagdalawang isip si Eros kung maatim ba niya itong sabihin, pero wala na rin siyang choice, "... for love."
Good work, man! Pumapalakpak ang tenga ni Kie sa mga nangyayari. Parang itinadhana talaga na si Eros ang maging decoy boyfriend niya, and it turned out na sobrang binuhay nito ang "responsibilidad" na ibinigay ng dalaga dito.
Hindi nakaligtas kay Ryan ang ngiting iyon ni Kie. Pakiramdam niya ngayon, napakawalang-kuwentang lalaki niya. Narito ang isa sa mga campus crushes ng school nila, at isang araw... hindi... ilang oras lang ang binilang bago ito nakahanap ng kapalit. Ganun na ba kabalewala ang dating niya sa mga girls? At nakakainis isipin na ipinagpalit siya sa isang moron na gaya ni Eros.
Papalayo na ang dalawa, ngunit takang pinagmamasdan pa rin ni Louie si Ryan habang sinusundan nito ng tingin ang "magkasintahan". "So, this is your place, you say? It's kinda odd that this is also Kie's place. Don't you think Rye?" Nang-uuyam na ang mga labi ni Louie.
HABANG may eksena sina Louie at Ryan sa Balwarte, maluwalhati namang inaasam ni Kie ang kanyang tagumpay, sa ikatlong pagkakataon, laban kay Ryan. Nang nasa underpass na siya, para siyang baliw na nagtatatalon at nagsisisigaw ng "Yes! Yes!" habang humuhuni ito ng isang hindi pamilyar na awit. Imbento lamang iyon ng dalaga.
Nang makaakyat na si Kie papuntang City Hall, doon lamang niya napansin na nag-iisa lang siyang naghihintay sana ng dyip pauwi.
Nasan na 'yung tukmol na iyon?
Muli, bumaba siya sa underpass, at doon ay nakita niyang nakayukong parang lutang ang isip na naglalakad si Eros. Napansin din ni Kie na hindi pansin ng binata ang papahulog na niyang bag. Tinakbo ng dalaga ang tila binangungot na binata.
"Hoy! Anong drama mo diyan? Ha?"
Nag-angat ng mukha si Eros. Parang galit na mangiyak-ngiyak.
"God! Why you...?"
"M-me w-what?"
Nahintakutan si Kie sa mukha ni Eros. Ngayon niya lang nakitang namumula sa galit ang lalaki.
Sa hindi malamang dahilan, napapikit si Kie. Hindi niya alam kung bakit sa sobrang takot ay hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa at magtatakbo paalis sa lugar na iyon. Parang wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang kung anumang buhos ng galit na maaaring lumabas kay Eros. Ganun talaga siya kapag nakikita niya ang mga kakilala niya, sa unang pagkakataon na galit na galit. Ngayon pang tila sa kanya nakatuon ang apoy sa mga mata ng lalaki.
Maya-maya lang, pumailanlang ang isang sigaw sa kahabaan ng underpass.
"You stole my very first kiss from me!"
Katahimikan, pati ng mga taong laman ng underpass.
Maya-maya pa, isang malutong na halakhak ng babae ang pumuno sa underpass.