Umaga noon at nagsisimula ang flag ceremony. Sampung minuto na ang nakalipas pagkatapos ng ikapito ng umaga. Marami ang nagkukuwentuhan habang ang iba naman ay parang inagawan ng tulog dahil sa hindi nila nagawa ang mga Christmas vacation assignments (na parang oxymoron, maliban na lang kung tatanggalin ang word na "vacation") na dapat ay kinahapunan pa nila ipinasa. Madalas mangyari sa ibang estudyante ang ganoon, na pinagbibigyan sila ng kanilang mga guro na hanggang sa ikalawang araw man lang ay maipasa nila ang mga takdang aralin.
Ngunit sa pagkakataong ito, naging responsable si Kie. Reaction paper lang naman sa Les Miserables ang ipinapagawa sa kanila. Dalawang taon na ang nakakalipas magmula nang mabasa niya ang aklat, at halos kabisado na ang mga linya ni Eponine dahil ito ang ginampanan na role ni Lea Salonga, isa sa mga idol niya, sa theatrical version nito. Tapos na ang daily dose nila ng principal's oatmeal (ang pamorningang almusal na bigay ng principal), ngunit hindi nila inaasahan ang pag-akyat ni Mrs. Falcon, ang Math Faculty department head, upang mag-anunsiyo ng isang magandang balita.
"Kie, sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa mga sinabi mo kahapon? I'd bet alam ni Ryan na laro lang itong pinaggagagawa mong ito." Nakasalampak sa sementadong quadrangle si Elle, habang kinokopya ang sagot sa huling tanong ng El Filibusterismo assignment sa unang subject nila. "I mean, hindi naman siguro ganun kabobo ang fungi farm na iyon para maniwala sa sinabi mo, di ba?"
Late nagising si Elle, at parang dumami ang pera nito kaya ngayon ay parang masakit ang ulo at lulugu-lugo. Nakaligtaan pa niyang mag-almusal dahil mas masahol pa ang ma-late kaysa pumunta sa school na parang taggutom sa bahay. At dahil late (late natulog at nagising), hindi na niya nabigyang panahon na magkumahog sa assignment nila.
Tiningnan ni Elle si Kie. Parang wala sa sarili itong naghahanap sa buong pila nila. Tuwing umaga kasi, pumupila ang bawat klase, upang maupo at mahainan ng principal. Sa ayos na iyon ni Kie, hinila nito ang kaibigan at hinawakan ang magkabilang pisngi para pilitin itong humarap sa kanya.
"What?" Parang nagulat pa si Kie sa ginawang iyon ni Elle. "I heard you. All I want to say is I have to do everything I can..." Inalis ni Kie ang mga kamay ni Elle dahil nakanguso na siya sa sobrang pag-ipit ni Elle sa pagkakahawak sa kanyang pisngi. "... para mapapaniwala ko siya na he's just a tick itching this bitch's ass."
"OK, sige. Hindi lang kasi ako bilib dun sa sinabi mong heartbroken na 'yung tao dahil sa inyo ni... Ero-tic. Eeew!" Sabay kinilig ito sa pandidiri dahil sa nagawa niyang salita. Si Eros ang Greek god of love, na sa kalauna'y nakilala rin sa pangalang Cupid, na sa mas kalauna'y naging imahe ng isang munting anghel na may panang handang ipatama sa dalawang nilalang. "I mean, of all the people dito sa Masci, and of all the cute-looking guys from Townes..." Ang "Townes" ay isang class section, at lahat ng sections sa lahat ng year sa paaralang iyon ay ipinapangalan sa isang siyentipiko. "... bakit naman si geeker Eros po ang napili ninyo? Ako na tuloy ang maba-brand niyan na cheap mamili ng ipapalit, eh." Mahiluhin na si Elle dahil marami-rami rin siyang sinabi.
Tumawa si Kie pansumandali, nang magsalita na si Mrs. Falcon. Nag-umpisa na itong mag-anunsiyo ng magandang balita. Pinalampas niya muna ang nakaka-iritang feedback ng microphone bago ibinuka ang bibig nito.
"In tradition of Masci's excellence in the academics and competitive skills (nilalabi ni Kie ang bibig ni Mrs. Falcon na parang luka-luka), I would like to inform you, guys, that our very own Eros Michael Ballesil (nakuha ang atensiyon ni Kie, at akmang inangat ang mukha para makita ang stage), has won the National Math Olympiad held last October. Actually, we already got the results since December 17, and it really was one big Christmas present for our school." Nanlaki ang mga mata ng karamihan sa mga estudyante, at napapalakpak na lamang, habang ang dalawang dalagang nakasalampak sa semento ay parang wala lang nangyari. Wala silang interes na marinig kung sinuman ang pinakamagaling na self-proclaimed extra-terrestrial na nanalo para sa isang competition, para sa paaralan. Ang gusto lang nila, makaalis na sa kalbaryong paaralan na iyon.
Maya-maya pa, nakita na ni Kie ang kanina pa niya hinahanap. Siguro ay nanatili muna ito sa Butcher's house at tinuturuan ng principal kung paano ang tamang pagtaga sa kasim ng baboy. Kaya naman pala wala sa pila ng klase nila ang mokong. Pinagmasdan nito ang naka-slouch na paglakad ni Eros, habang nahihiyang lumapit kay Mrs. Falcon.
Nagpatuloy ang anunsiyo ng department head. "Actually, even before the announcement, in-expect na namin na mananalo si Michael (ayaw siyang tawagin na Eros, para mas merong aura of "battling" with other schools), kaya nga he's been training since start of December for us to send him to Brussels this February. And we would like to say na kahit hindi siya manalo sa competition na iyon, (si Elle ay nasa bingit ng pagsasabing 'tangna niyo! habaan niyo pa... marami-rami pang sulatin 'to!') proud pa rin kami sa kanya because this will be the third time since our school has sent a delegate to the International Math Olympiad." Palakpakan muli ang mga estudyante, habang pababa nang pababa ang mukha ni Eros na parang may pimple sa mukha. "What would you like to say to your fellow schoolmates, Mr. Ballesil?" Nag-hesitate pa na abutin ni Eros ang microphone, ngunit nadala ito ng titig ni Mrs. Canta.
Ang cheap naman! Kailangan pa ba ng ganyan? Sa isip-isip ni Kie, parang ginagawa nilang graduation rites ang event. Kailangan pa ng speech.
"T-thank you... po." Parang nangiwi ang mga estudyante at itinigil ang pagpalakpak.
"'Yun lang?" Reklamo ni Elle na kangina pa nagkukumahog kopyahin ang mahabang sagot ni Kie sa last question. Nakatitig pa rin ito sa ginagawa habang nagsasalita. "Dyosko, pinapaubos na nga 'yung oras ng first period sa kanya, ayaw pa niya. Hindi man lang naisip na meron siyang kaklaseng naghihirap i-decipher yung mga pinagsusulat ng kinokopyahan niya." Isinara na ni Elle ang notebook niya dahil alam niyang hopeless na kopyahin ang 1-page na sagot ni Kie. Kuntento na ito na may laman ang huling sagot. "Iyan ba ang ipinalit mo kay Ryan? Kunsabagay, higher life form nga namang maituturing si Eros kesa sa alagad ni Satanas, no?"
Natatawa na lang na ibinalik ni Kie ang atensiyon sa sasabihin pa ng department head.
"You see, this is Michael's first time here onstage, kaya parang nahihiya siyang magsalita sa harapan ninyo. Hindi naman kasi dapat siya aakyat pa kung hindi rin lang malaking achievement ang nagawa niya. By the way, I'm requesting all teachers of Townes to lighten his loads for him to adjust with his upcoming intense trainings. I will personally meet them after this ceremony, para na rin masiguro ang panalo ng third bet natin for the IMO."
Napasimangot si Kie. Shit! Paano na ang mga plano ko? This setup is getting less perfect than I thought.
Buti na lang kamo ay natalo sa first place sa National Science Fair ang grupo nina Eros noong November, kung hindi, sobrang magiging busy na ang kumag. Nonetheless, parang may mali talaga sa pagpili niya kay Eros.
"Oo nga pala." Na-zip na ni Elle ang bag niya. Nagsasalita naman ngayon ang ibang department head para sa ibang contest announcements. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko sa 'yo kanina."
"Ano uli iyon?"
"Paano mo napapaniwala nang todo si mokong at nasabi mong heartbroken? Aber? Wala ka bang sandwich diyan?" Naghahanda na siyang tumakbo papuntang ministore sa loob ng school.
Tumayo na si Kie kasabay ni Elle. "I just..." Nakaangat ang mga kamay ni Kie na parang wala namang espesyal na ginawa ito para pagselosin si Ryan. "... kissed and hugged Eros in front of him... 'yun-"
Hindi malaman ni Elle kung bakit nag-vaporize ang lahat ng nakapaligid sa kanya. Sigurado, sa paggising niya, hindi na uli siya iinom ng Fundador...
Kung makikipag-usap rin lang siya sa baliw niyang bestfriend.
PAKIRAMDAM NI ELLE ay nagising siya sa isang napakasamang panaginip, at matiwasay na ngumiti nang malamang babangon pa lamang siya mula sa kanyang...
...higaan?
Maya-maya, nag-panic na siya. Wala na siya sa bahay. Pamilyar sa kanya ang puting kama at kurtinang puti sa tabi niya. Nakita niya rin ang kanyang kaibigan na pareho ang ayos ng buhok magmula nang...
Ibig lang sabihin, totoo ang bangungot na nakita niya kanina!
"Oh! Shit! Don't tell me... don't tell me totoo 'yung napanaginipan ko..."
"Na ano?" Tanong ni Kie. "Ah iyon? Humiga ka nga muna. Higa hindi upo! Anyway. To answer your question..." Parang character sa slasher flick si Elle. Sindak na sindak na tinitingnan si Kie. "Bakit? Kung nakatiyaga akong makipag-relasyon sa sugo ng demonyo, bakit hindi sa isang harmless na -" natigilan sandali si Kie dahil nakita nitong shocked na shoked pa rin ang kaibigan. "Bruhang ito! Don't stare at me as if you're disgusted from what I've done." Hindi nawala ang hitsurang iyon ni Elle. "So, you're disgusted? Aren't you?"
"N-no...?" Parang hindi sigurado sa sagot si Elle. "Actually, naaawa na ako sa naging epekto sa iyo ni Ryan..."
"C'mon, I already got over him... see?"
"'Tong babaeng 'to... kung tapos ka na kay Ryan, bakit tinanggap mo ang pagkatalo mo sa bet natin kahapon?"
"Eh ikaw naman, second day of the school's new year, tunggaan na yung pinang-welcome mo? Kung alam ko lang na dun mo gagastusin yung pera..."
WALANG KAIBIGAN, walang ka-vibes, walang kakopyahan ng assignment. Iyan ang sitwasyon ngayon ni Eros. Mano ba namang kailanganin nito ang kaibigan kung kopyahan ng sagot rin lang ang turing ng mga ito sa kanya. Hindi niya rin kailangan ng ka-vibes dahil masunurin naman ang Debian Linux box niya sa kanyang bahay. Mas lalo namang hindi niya kailangan ng kakopyahan ng assignment dahil marami siyang oras sa bahay para makapag-research sa library nila at sa broadband internet connection sa kuwarto niya.
"Nakakatawa nga 'yung movie eh. 'Yung kalaban, half lion, half dragon, at half human." Sabay hagalpak ng tawa ang isang obese niyang kaklase. Si Mark.
Ano 'yun? One and a half na being? Sa loob-loob ni Eros, parang gago't kalahati ang sinabing iyon ng kaklase.
Hindi malaman ni Eros kung bakit ba hanggang ngayon ay hindi niya masagutan ang isang graph theory problem sa IMO sample exam na iyon. Noon naman, mabilis niyang nakikita ang solusyon sa problema. Nakukuha na kaagad niya ang minimum spanning tree ng isang telephone network, ngunit ngayon ay pinapakuha lang sa kanya ang shortest path papuntang isang lugar sa isa pa, nalilito na siya.
Naaalala pa niya ang sinabi ni Mrs. Falcon kani-kanina lang.
"Michael, what's happening? Hindi ka naman ganyan dati. Dapat nga, taas noo mo pang maipagmalaki sa mga taga-Masci na you've got one big win. No. I can't accept 'stage fright' as your reason."
Naghanap siya ng isasagot. "Ma'am, maybe I was just too shy to speak in front of people. No ma'am, seriously po, I'm not used to dealing with... people." Sinabi pa niya rito na nasa tabi-tabi lang si Mrs. Canta at naaalala pa ang sinabi nito 'nung nasa principal's office pa sila.
"Don't take it too seriously. Concerned lang siya sa itatakbo ng karera mo sa IMO. So what kung nakita ka niyang kasama si Valerie papalabas ng gate?"
"Ma'am, it's Valkyrie."
"Does it really matter? Anyway, is she your first girlfriend? Para kasing ambilis at -"
"Ma'am."
Alam na ni Mrs. Falcon ang tingin na iyon. Bagama't hindi madalas na nakikita ni Mrs. Falcon iyon sa kanyang mga estudyante (mas madalas sa anak niya lalo na kapag gusto nitong mag-practice sa church choir kaysa mag-review para sa darating nitong nursing licensure exams), naiintindihan niya ang tingin niyang iyon. Malaki na si Eros, bukod sa matangkad talaga ito sa kanya, at sa talino nito, hindi naman siguro madadala sa kung saan man ang diskarte ng batang ito.
Hindi naman siguro.
"Nag-iwan si Mrs. Dela Cruz ng mga Graph Theory problems sa desk niya, galing sa friend niyang professor sa UP. Gusto ni Mrs. Canta na personal niyang makita ang evaluations ko sa practice paper mo. Ayaw niyang makita sa iyo na sinasayang mo lang ang efforts ng UP community para sa training mo."
Maraming dapat ipagpasalamat si Eros kay Mrs. Falcon sa puntong ito. Una, dahil hindi na niya kailangang ipuwersa nito na lumayo-layo muna kay Kie, hindi dahil sa ayaw niyang lumayo sa dalaga (alam ng Diyos na sa ngayon, ayaw niya muna itong makita), kundi dahil ayaw niyang kumumplikado ang "decoy-boyfriend" setup nila, sakali mang makita na naman silang magkasama. Ikalawa, dahil talagang ipinagpursige niya na magiging palaban siya sa darating na kumpetisyon, na gaganapin sa unang dalawang Linggo ng Pebrero, sa puntong nakumbinsi nito ang mga UP professors na tulungan ang Philippine delegation sa IMO. Ikatlo, at pinakapinasasalamatan niya sa lahat, pinaikli niya ang dapat sana'y mahabaang payuhan at sermunan sa pasisimulan sana ni Mrs. Canta.
At ngayon, nandito siya sa Math Faculty Room, humihinga ng IMO practice tests, umiinom ng mga tips sa katabing Discrete Math book, kumakain ng sandamukal na papel para sa mga solutions, at jine-jebs ang kung anumang naririnig niya sa paligid, kaaya-aya man o hindi.
"BRUHA KA! Sinabi mo 'yun?" Gulantang ang naturally pouting lips ni Elle (a.k.a. "palaging nakasimangot").
"Do I have a choice? Tsaka hindi naman aangal si Marie kung sakali eh."
"Alam mo kung ang tupa, posibleng manapak ng tao kapag nakurot mo sila sa pambabalahibo mo, eh yung kapatid mo pa kayang inagawan ng boyfriend -"
"Correction. Would-be boyfriend."
"Correction, correction... Dapat sa'yo sa kureksiyunal. Daig mo pa'ng nagpatatong bilanggo sa mga pinaggagagawa mo eh."
"Sis, bakit kung makipag-usap ka sa akin, parang hindi ka kaibigang supporting actress? Don't you want me to mess up that asshole's life?"
"Gaga. Kaibigan kita, kaya nga babatukan kita (at ginawa nga niya) kung may anumang kagagahan kang ginagawa." Sininghot ni Elle ang bulak na may ammonia. "At wala akong planong maging supporting sa isang drama queen, no!" Sumisilip na ang nurse sa gawi nila. "So ano sabi ni Marie sa nangyari -"
"Wala."
"'Wala' as in 'wala lang', o wala as in hanggang ngayon hindi ka kinikibo?"
Mga limang segundo siguro ang nakalipas bago nagsalita ang nurse. "Mga miss. Kung okey na kayo, bumalik na kayo sa mga klase ninyo."
Maya-maya pa, bagama't tahimik si Elle na inaayos ang bag habang nakatutok ang mga mata nito kay Kie, lumabas na silang dalawa sa munting klinika, na hindi komportable sa isa't isa.
"Kie. Messing up Ryan's life shouldn't require messing up your own life, too. Hindi na nga maganda pakikitungo mo sa family mo -"
"And since when did they become family to me?"
"Hay. Eto na naman. Kahit na adoption parents mo sila, at hindi mo totoong kapatid si Marie, wala akong nakikita sa actions nila na tinrato kang hindi ka pamilya. Ikaw lang yung nagpapadrama sa buhay mo eh -"
"Going back to our topic. Honestly, wala na akong pakialam. I just want sweet revenge. That's all. Nothing more, nothing less. And if anyone, and I mean anyone, would try to stop me from doing this, I'll be on my way to stop that someone from stopping me." Bumuntung-hininga si Kie. Hindi pa niya nasabi iyon sa harap ng kaibigan, lalo na ngayong parang ang ini-imply ng mga sinasabi niya ay patungkol kay Elle.
"Gaano na ba kabigat ang emotional baggage mo sa kabayong yun at ginawang kargador ang kaibigan ko, at tuluyan nang nagbago? Do you think he deserves your suffering? Do you think he deserves these actions you call 'payback'? Think again, sis. Humarap ka sa salamin at sabihin mo sa akin kung sino ang napaparusahan."
Nakakainis isipin na tahimik ang hagdan papuntang second floor, na statisically speaking, ay mas maingay pa sa mga succeeding floors ng Masci Main Building. Hindi tuloy ma-imagine ni Kie kung hanggang kailan magtatagal ang katahimikang iyon.
"Two years, Elle. Two years!" Basag na ang boses ni Kie, pero galit ang makikita sa mukha niya. "I thought it was a sign of promise, a sign that for sure, and for a long time, that he will be there to accompany me. What I can't accept is that only two minutes of seeing that bitch Luisa coming out of Ryan's door is going to destroy that promise. I don't care if after this, or along the process, I will be messed up. What would I expect in my life kung wala si Ryan? I will end up messed up, anyway."
"Ang problema sis, yung dalawang taon mong yan, two percent lang ng 100 years of living on earth." Magandang magpagaan ng sitwasyon o drama si Elle. "Hindi ko naman gugustuhing nakaukit sa lapida mo na 'Si Kie, isang kaibigan, ay namatay sa sama ng loob dahil sa nawalang dalawang taon niya nung high school'. Huwag na nating intindihin kung cheap o martir, pero sis, kung gusto mong gumaan ang loob mo, get over him."
"And since when did you feel like losing 2 years?"
Apat na segundong nagkatitigan sina Elle at Kie. "Ah. Ganyanan na pala. Well, ako kasi, kaibigan lang ako na nagmamalasakit. Kung mahihirapan lang akong tratuhin mo rin akong kaibigan, mabuti nang nagkalinawan ngayon."
"Wait. Wait." Nahabol ni Kie ang braso ng papaalis na sanang si Elle. Huminga nang malalim si Kie. "Sis naman. Halos apat na taon mo na akong pinagpapasensiyahan. Pasensiya na." At ngayon, ang matapang na image ni Kie ay nabasag at nagtubig na ang mga mata nito. "Dalawang araw lang ang nakalipas, pero, pero parang mahabang kalbaryo na itong dinadala ko. Alam mo naman sigurong hindi lang ganun kadali ko siya makakalimutan di ba? Eto lang kasi yung short-term way para maibsan yung sakit eh."
"Sis. Alam ko naman yun. Kaya nga andito ako para maging sirang plaka na magsasabi sa iyong kalimutan mo na siya. Hindi ko man naramdaman yang loss na yan, alam ko higit pa sa sirang plaka ang kailangan mo." Hinawakan niya ang balikat ni Kie. "Ang kinasasama ko lang ng loob, pakiramdam ko anlakas ng hope mo na kaya mo pang ibalik yung relationship ninyo (naghikbi na si Kie). O, kitams? Sabi na eh."
"Sis, hindi ko nga alam kung bakit nakakapasok pa nga ako eh. Siya lang ang lakas ko." Tuluy-tuloy na ang paghikbi ni Kie.
"Valkyrie, pangalan mo na ang nagsasabi sa iyo na isa kang warrior. Wala kang lakas na kinukuhanan kundi tapang mo, ang sarili mo, kaya ngayon pa lang, ihinto mo na ito. Kaya mo naman eh."
"Hindi ko alam sis. Pero sige. Sasabihin ko na kay Eros at kay Marie na cancelled na yung plano ko."
"O siya, sige. Pumunta na tayo sa klase..."
Naglakad na sila papuntang classroom nila sa Filipino nang biglang hinila ni Elle si Kie. "On second thought, sa canteen na tayo. Partial lang yung assignment ko diba? Tapusin ko na dun para ipasa ko na lang mamaya." Ano ba naman at naging high school students sila kung hindi sila nakasubok mag-cutting classes.
At sa daan papuntang kantina, muling nahila ni Elle ang kamay ni Kie.
Si Ryan.
NAPALINGON SI EROS SA GAWING LIKURAN. Akala niya isa sa mga nag-iingay na bentilador sa kuwartong iyon. Si Ms. Madel pala, habang kinukuwento ang motorcycle ride nila kasama ang boyfriend niya (hindi ma-imagine ni Eros na mangyayari yun, dahil mahigit kuwarenta na si Ms. Madel). Sa bandang kinaroroonan ni Eros, malapit ang pinto. Kahit kailan ay puwede siyang tumalilis ng takbo papuntang ligtas na lugar. Kaya lang, halos sampung papel na ang nauubos niya, hindi pa rin siya makasagot nang maayos sa exam. Mahirap ba ang practice test? Siguro, kasi hindi conventional ang pagkakahilera ng mga given. Mainit ba sa loob? Puwede rin kasi nakatapat lang kay Ms. Madel at Mrs. Abalos ang bentilador.
Maya-maya, sa kinaroroonan niya, nakarinig siya ng mga hikbi. Galing sa isang babae. Nakakaawa at bakit pinapahirapan sa eskuwelahang iyon ang mga katulad niya. Makailan na rin niyang nakita ang mga babae sa kanila na umiiyak, kung hindi dahil sa mababang grades, dahil nasita sila ng principal nang matindi. Hindi na bago ang "walk of shame" na kayang palabasin ng Guidance Counselor at ng Principal.
Hindi na siya nakinig. Pero nang may dumaang mga babae sa harapan niya, nagulat siya at nakita niya si Kie na namamaga ang mga mata, at inaalo ng kaibigang si Elle.
Ewan niya, pero parang bago sa kanya ang eksenang iyon.
Maya-maya, naisipan niyang lumabas lang sandali para magpahangin at bumili ng makakain. Nagpaalam naman siya nang matino sa dalawang gurong naiwan.
Pagkatapos ng tatlo pang oras, natapos na niya ang practice exams. 'Yun nga lang, sa Principal's Office.