Hanggang ngayon, hindi maisip ni Ryan ang nangyari nang nakaraang gabi. Alam niya na hindi magandang kumbinasyon ang halik at sampal, pero kung may mas masakit doon sa dalawa, pakiramdam niya, yung halik yung mas masakit. Pero ang alam lang talaga niya, kay Marie nanliligaw si Eros. At nang inalala niya ang mga nangyari, hindi naman ganoon "kainit" ang halik na nakita niya. Noong sila pa ni Kie, hindi niya maikakailang masarap humalik ito, at kung hindi mapapantayan yun, parang nagsasayang ka lang ng panahon.
Maya-maya, napagkunekta na niya ang lahat. Pinagseselos lang siya ni Kie. Napakabilis kasi ng mga pangyayari kaya ganoon na lang ang panghihinala ng binata. Ngayon, mas magaan na ang loob niya dahil kung anuman ang nilalaro ngayon ni Kie, sisiguraduhin niya, hindi siya ang taya.
Kaya naman nung nakaharap na niya muli sina Kie at Elle, mula sa pagpunta niya sa Electronics teacher niya (na laging late at hindi pa pala nag-aalmusal), sinimulan na niya ang paghinto sa larong iyon.
"Ryan. Nandito si Kie para -"
"Ah, mukhang alam ko na yan. Iba talaga 'pag may mga taong hawak mo sa leeg 'no?" Si Ryan.
"A-anong sinasabi mo?" Si Kie.
"C'mon. Kie. Ihinto na natin itong larong 'to. Hawak mo sa leeg si Michael (ayaw talaga ng mga tao sa pangalan na Eros) at alam mong gusto mo lang akong pagselosin."
Hindi na makapagsalita ngayon si Kie, hindi dahil sa pagkamuhi, kundi dahil sa pagtataka.
"Umm, sorry to disturb you guys, pero Ryan, where did you get that scoop?" Si Elle.
"Does it matter?" Parang ewan na napaismid ng tawa ang binata. "Ngayon ko lang na-realize how pathetic you could be for love. To come up something as wild as contracting someone to be some hired boyfriend? Or kissing any guy para lang pagselosin ako?"
"Umm... Ryan... Kung totoo man ang sinasabi mo, parang nagwo-work nga -" Si Elle.
"Kie. I'm sorry, but there will be no damn chance that I will go back to you. Two years of knowing you, but I never knew you could be this wild."
Sinubukang kumalma ni Elle, habang nagtataka pa rin si Kie.
"Ryan, she understands na hindi na kayo puwede, kaya nandito siya para..."
"Elle, can you just please shut up?"
Nagpanting ang tenga ni Elle. "Ass-sucker, don't tell me to shut up if I'm not the one who needs shutting up (at napatahimik nga si Ryan). Nandito si Kie para humingi ng apology sa iyo. 'Di ba Kie?"
Tumango na lang ang dalaga, at handa na niyang iyuko ang ulo niya nang marinig niya si Elle. "Hindi ko masisisi si Kie kung mahalin niya si Eros knowing na may animal na nakadikit sa kanya." Napatingin si Kie sa kanya, pero tameme lang ang gulat na si Ryan. "Nandito siya para humingi ng dispensa na kahit sinusulsulan ko na siya na hiwalayan ka na niya at hindi na siya maging two-timer (nagulantang si Ryan, at mas lalo na si Kie), naisip pa niyang nagkasala siya at tumanggi siya sa demonyo."
"You bitch. Alam mo kulang na lang, dalhin ka ni Kie na may tali sa leeg -" at maya-maya pa, ang sumunod na gustong gawin ni Ryan ay ang haplusin ang sinampal niyang pisngi. Si Kie ang salarin. "Fuck! What were you thin-"
"Dapat ikaw ang unang nag-isip nung pinagsalitaan mo ako. You should know real men never call women bitches." Bagama't basag na ang boses at humihilam na ang mga luha sa mga mata ni Kie, nakuha pa rin nitong palutungin ang sinabi.
May lumabas mula sa likuran ni Kie. "'Ni. May problema ba?" Hinawakan siya nito sa balikat at hinalikan siya nang bahagya sa pisngi, malapit sa mga labi. Sabay tumingin ito nang matalim sa direksiyon ni Ryan.
Nagkagulatan nang makita nila si Eros. Iba talaga ang mga galit na mata ni Eros. Parang leon na binabantayan ang nasasakupang "pride".
Maya-maya, umiyak na nang todo si Kie.
"Pare, hindi naman yata tama na pinapatulan mo ang mga babae. At hindi tama na girlfriend ko at kaibigan niya yung inaalipusta mo."
Maya-maya, nakabawi ng tapang si Ryan. "W-Wow! Ang galing mo palang artista Eros. Kahit sino mapapabilib mo." Ngumisi siya. Hanga rin siya sa acting talents ni Eros. "Except ako. Alam ko naman na animo boyfriend ka lang niya eh. Some, well, man-whore, so to speak?"
Sabi nga ni Elle, kahit ang tupa, kapag nakurot ang balat habang binabalahibuhan, nananadyak.
Kaya ang nasabi ng tupa, "Puta ka ah!"
At isang suntok ang nagpasimula sa isang pang-agahang rambulan at tilian.
HINDI MAN ANG PAGKALOG NG ULO NI RYAN ANG NAGPAKUMBINSI SA KANYANG MAG-BOYFRIEND SILA KIE AT EROS, iyon na marahil ang pagiging agresibo ng isang tupang katulad ni Eros para dambahin siya at patulugin para lang maprotektahan ang minamahal. Hindi niya inaasahan ang lambing nito kay Kie, at ang matalim nitong titig sa kanya. Kung artista man si Eros nang mga panahong iyon, masyado nitong binuhay ang script. Hindi niya rin inasahan ang matinding suntok na natamo niya rito. Unang-una, puno ito ng galit. Malamang-lamang, may pinaghuhugutan ito. Pangalawa, knowing na honor student siya, at sobrang concious sa standings, imposible para sa isang katulad niya ang magkalat sa isang malinis na paaralang tulad ng Masci, at dungisan ang record niyang nagsimula pa noong kinder siya.
Naririnig niya ang dalawang nurse sa klinikang iyon. Kakapasok pa lang daw nung isang babae ng pasyente sa klinika, heto't nagpasok na naman, at sa pagkakataong ito, isang lalaki ang bitbit ng mga guard.
"Balita ko, ex daw niya 'yun eh. Tapos yung sumuntok, si Eros. Yung Math Wizard ba?"
"Hindi nga? Sila ba? Parang hindi ko nasagap... sabagay, hindi naman ako nakikitsismis sa mga estudyante."
"Kilala ko yung Eros. Madalas kasi atakihin ng hika yun nung first year. Ampayat-payat. Pero ngayon, medyo nanaba na. Hindi nga makabasag-pinggan ang batang 'yon."
"Eh bungo 'yung binabasag eh. Buti nga nakatulog lang. Kung nagkataong skull fracture 'yun o internal hemorrhage, naku, wala nang kinabukasan yung Eros."
"Pero mahina yung lalaki diyan. Isang suntok lang, tumba na? Tisoyin pa mandin, laki ng sugat sa mukha, " at napapalatak na lang ang nurse.
Naalala na ni Ryan ang suntok na iyon. Nakita niya lang iyong paparating, pero hindi niya naramdaman. Mahina ba talaga siya?
Sinira pa ng kumag ang mukha niya. Gaganti siya, sigurado.
Siguro.
Pero siya ang may kasalanan. Na-provoke niya si Eros.
Huwag na lang.
Siya pa siguro ang hihingi ng dispensa.
ELEVEN AM. Lunch time ng ibang sections. Pero imbes na sa canteen muna dumaan ang mga estudyante, pahapyaw na sinilip muna nila si Eros sa loob ng Principal's Office. Kapag nagkukumpulan ang mga estudyante sa harap ng pinto ng Principal's Office, para silipin ang bagong black sheep sa likod ng glass doors ni Mrs. Canta, either itinataboy sila (para sa mga unang batches) or sinesermunan sila, as a group, sa loob ng Guidance Counselor's office (at nakatatlong grupo si Ms. Navarro na nasabihan na "We don't raise rumor-mongers here," habang dalawa naman ang "Hindi tambayan ang front door ng Main Building," at ang namumukod-tanging pinakamalaking grupo ay nakatanggap naman ng "Sino ang nagpasimuno ng pagkahiga niyo sa sahig?"). Sa kabuuan, weirdo ang mga oras na iyon.
Sa oras na ito rin natapos na ni Eros ang practice tests na binigay ni Mrs. Dela Cruz. Akala kanina ni Eros, ire-recommend na siya for suspension, o kung may sasama pa, expulsion. Pero sinabi ni Mrs. Canta na tapusin muna niya ang practice tests. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas bumilis ang concentration level niya. Baka siguro hanggang ngayon, nag-iinit pa siya sa galit, o kaya dahil sa galit, hindi na niya iniinda ang iba at pilit inilalagay ang focus sa mga papel sa harapan. O kaya dahil sa kanina, yung poison niya ang pagkailang sa thought na si Kie ang first kiss niya. Parang antidote niya ang pagkakita kay Kie na namamaga ang mata at sobrang vulnerable. O naging mas antidote niya ang pagkakasuntok kay Ryan.
Weird at ngayon niya ulit naisip ang first kiss niya. Hindi man ganun ka-intimate 'yun (at kung tutuusin pa nga, parang aksidente ang nangyari), antindi naman ng kabog ng dibdib niya. Nirereserba sana niya ang kanyang first kiss para kay Marie.
Antagal na kasi.
Isang taon na, pero hindi pa rin daw siya sigurado sa kanya. Sabi ng dad ni Eros, ang mga babae, once na napalapit na sa kanila, they are one step closer to dating them. Malapit na malapit siya kay Marie (pareho silang magaling sa Math, mahilig din siya sa computers, she even finds time singing with him habang naggi-gitara ang lalaki) pero sadya sigurong hanggang doon lang muna ang tratuhan nila.
Muna.
Shortest spanning tree is equal to... vertices A-B-N-H-I-O-P with any shortest distance from vertex x to... Maya-maya pa ay isang napakalaking check mark sa ilalim ng sagot ang nilagay niya. Noong una, walang pakialam si Marie sa graph theory kasi hindi pa naman kailangan sa studies niya. At least ngayon, hindi na niya ito naa-appreciate. Progress 'yun para kay Eros.
Tumikhim si Eros. Tama lang ang lakas para mapansin siya ng mismong principal. Tumingin ang may-edad na guro sa kanyang gawi, na sa sobrang bilis, pakiwari ni Eros na biglang napalitan ng lilang buhok ang isang mukha ng leon. Umikli nang todo ang linya sa ilalim ng kanyang ilong. Marahil yun ang kanyang manipis na bibig. Walang kaunting galaw na makikita sa manipis na nunal nito sa ibabaw ng kaliwang sulok ng kanyang labi. Sa paglapit nito kay Eros, pakiramdam ng binata ay pinupukpok ng takong nito ang kanyang bungo. Tumigil ang leon mga 1 foot sa tabi ng binata (nakaupo si Eros sa isang long table kung saan ginaganap ang mga faculty meetings kasama ang principal), at saka huminga ng malalim. Tinitigan muna nito ang binata nang matalim. Hindi alam ng binata bakit parang dumaan na naman ang period nito...
Huh? Nagkakaperiod pa kaya si Mrs. Canta?
"You could've at least be polite and call me by my name, and tell me if you're done. I'm sure your Values Education teacher taught you that."
Wala silang masyadong values na natutunan kay Miss Lily. Pero siyempre, hindi yun sasabihin ni Eros. "Umm. Ma'am. Tapos na po ako."
"You might be done with this paper, but you're not done with me yet. We're far from done, Mr. Ballesil. Come with me to my office."
Mga limang dipa ang mini-room ni Mrs. Canta na talagang core ng Principal's office. Hindi umubra ang dalawang halamang naka-paso sa magkabilang banda ng principal's desk sa kakulangan ng hangin dun (nahirapan siguro huminga). Sa ngayon, puro plastic ang mga nakalagay doon, magmula bulaklak hanggang sa ngiti ni Mrs. Canta sa picture frame sa ibabaw ng desk habang inaabot sa kanya ang Education Achievement Award na nakuha niya tatlong taon na ang nakararaan. Naupo na si Mrs. Canta sa leather office chair niya, ngunit hindi bumagay ang lila nitong buhok at damit sa upuan. Nandoon sa desk at nakapatong ang salamin niyang parang may kislap ng ginto sa framing, at may kulay lila sa "reading region" nito. Isinuot iyong mabilis ni Mrs. Canta, at mahusay niyang iniwas ang nakasukbit na necklace na nakakabit sa magkabilang dulo ng salamin. Sa isip ni Eros, ipinaglihi siguro sa kamote si Mrs. Canta.
"Can you tell me what happened just this morning, Mrs. Ballesil?" Nung in-interview siya ni Mrs. Canta nang pumasok siya sa Masci, pakiramdam niya, kausap niya si Mirriam Defensor Santiago. Hindi siya maka-Ingles noon, at simpleng pagyuko lang ang naitugon nito. Hanggang ngayon at supposedly ay "close" na sila ng principal, pagyuko pa rin ang naitugon nito. "I remember asking you a question, Mr. Ballesil..." At nangyari na ang kinatatakutan ng binata, ang mag-Tagalog ito. "... at kung idadaan mo ako sa yuko-yuko lamang, baka mapadala kita sa Guidance Counselor, at i-cancel na ang delegation ng Pilipinas sa IMO."
Hindi alam ni Eros kung nakakuha ba talaga ng Psychology classes si Mrs. Canta, pero sigurado, napuwersa nitong mapasalita ang binata. "I-it was a m-mere action of immaturity, Ma'am. I am to blame, Ma'am." At huminga nang malalim si Eros. Yumuko nang kaunti. "Ma'am."
"I'm not asking whose fault is this and if it is an act of immaturity. I say I'm old enough to know that what you did is a big act of immaturity. Huwag mo na akong paliguy-liguyin. What is your involvement with Valerie and Ryan?"
"Ma'am..." at naghinay-hinay si Eros. "... i-it's Valkyrie." Para matapos na ang lahat, nagsalita na siya, na at least may isang sentence na involved si Kie. "I-I thought I heard Ryan harassing those two girls in front of our cafeteria. P-pumunta po ako sa kanila at tinanong ko po si Ryan kung ano po ang ginagawa niya po."
"And?"
"M-may nasabi po siyang hindi ko po matanggap. He..." namula nang bahagya ang mukha ni Eros. Parang nilagay sa airpot ang dugo niya. "... he called me a man-whore."
Hindi niya inaasahan ang pagiging plain ng mukha ni Mrs. Canta. At least mga isang sentimetro na ang ihinaba ng kanyang labi. "And what do you think made him call you that?"
"N-nagkaroon po kasi... nagkaroon po kami ng relationship ni Kie while they were dating." Magmula sa plain-looking, naging horror-queen na si Mrs. Canta dahil sa shock na ipinakita nito sa mga mata nito.
"Y-you? Are you capable of doing that?" Shocked pa rin ang matanda sa sinabi ng bata. "I-I mean..." tumikhim si Mrs. Canta at ibinaba ang boses para mag-gain ng poise. "Y-you didn't even have a girlfriend for the past three years. You even seemed perfect to represent Masci!"
OK, so mga boring at geeky na tao ang nagre-represent ng Masci. Perfect. Hindi malaman ni Eros ang ire-react, pero kailangan niyang aminin, bihira ang nagre-represent sa Masci na normal. Minsan "paranormal", minsan "abnormal". At kailangan niyang aminin, kabilang siya sa mga abnormal.
"I-I was offended Ma'am. The man-whore word has traumatizd me for years. I know I was not capable of doing such..." sasabihin ba niyang monstrous? "... horrible thing. Pero nagawa ko po. At kung tatanungin niyo po ako ngayon, I'm still pretty shaken with what has happened." At yumuko na si Eros, dahil tuwing pinapakuwento ni Eros ang nangyari kanina, nanggigigil lang siya sa galit. Hindi tuloy niya namalayan na kulubot na ang ilong niya, at nanginginig na ang baba, hindi dahil sa lamig ng aircon, dahil sa galit na bumabalot sa kanya ngayon.
Inobserbahan siya ni Mrs. Canta. Sa klase ng tao ni Eros, malabong umarte ito sa harapan niya. "Would you want me to bring you to the Guidance Counselor?" May gustong malaman ang principal sa pambato nila. "I mean you can't go to the olympiad if you aren't fit for the competition." Kahit concerned lang si Mrs. Canta, pakiramdam ni Eros ay nainsulto siya sa panliliit na sinabi ni Mrs. Canta. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang distraction sa Math kapag namomroblema siya. Minsan nga, nagiging relaxing period niya ang Math competitions (hindi naman sa pagmamayabang).
"Ma'am, I just don't feel like facing or talking with anybody right now. I-I just... cant." Siyempre naman, hindi siya bulag para malaman na isang national issue na ang pagsuntok niya kay Ryan. At sa normal na sitwasyon pa nga lang ay ilang na siya na kinakausap siya ng mga tao (maliban kay Marie), ano pa kaya ngayong siya na ang bad boy of the day? "If I can just go home and..."
"You think I'm convinced with that (nagtatanong ang mga mata ni Eros)? Natapos mo ang exams mo, and you seemed to be capable of doing normal class chores. Andami nang atensiyon ang nabigay sa iyo ng eskwelahang ito. Give this school a favor!" Tinanggal na ni Mrs. Canta ang kanyang salamin. "Go back to your classroom, pretend nothing has happened, don't talk about this to anyone, not even Valerie (gusto niyang i-correct si Mrs. Canta, ngunit baka ma-bad timing siya), and try not thinking about personal things that happened this day. If you don't, I'll be forced to cancel our school's IMO delegation, and have you face expulsion. Do I make myself clear?" Kulang na lang tumikas-pahinga si Eros at isigaw na "Ma'am, yes. Ma'am!" dahil ramdam niya ang amoy ng Martial Law sa opisinang iyon.
"Yes... M-Ma'am." At may nahagilap siyang tanong sa sulok ng kanyang isipan. "Umm. Ma'am, can I go now?" Hindi yun ang tanong na gusto niyang tanungin. Pero ang bahagyang likot ng kanyang ulo at mga mata ang nagpahiwatig kay Mrs. Canta kung ano talagang gustong tanungin nito.
"She's in the Guidance Counselor's Office. And if I find out this is not your fault, and this is her plaything, I would be glad to take her out of this school. Anyway. You can go now."
Pakialam ba ni Eros kay Kie.
"Ma'am, I assure you, she has nothing to do with what has happened this morning."
Abnormal nga siya.
PAGLABAS NI EROS SA PRINCIPAL'S OFFICE, limang babaeng estudyante ang nadatnan niya. Nagbulungan bigla ang mga ito pagkakita sa kanya. Sigurado sa panahong ito, parang kamatis ang mukha niya sa pamumula. Tinakpan ng mahaba niyang bangs ang nakayuko niyang mukha at nagmadali nang humakbang patungong main quadrangle. Sa first floor ng Computer Science building, nakita niya ang hinahanap kanina pa. Suot ang salamin at inosenteng-inosenteng binabasa ang College Algebra book na bigay ng binata. Ngunit kahit anong kalma na ipinapakita ng mga mata niya, siya namang tuliro ng pagbuklat niya ng aklat. Sinabi ni Eros sa sarili, kailangan na niya talagang makausap si Marie.
Wala pang dalawang metro mula kay Marie ay napansin na siya ng dalaga. Inaasahan ni Eros na sasalubungin siya nito, ngunit weird na ibinalik nito ang pagbuklat at pagbabasa ng aklat. Lumapit pa si Eros, at nagsimula nang magligpit si Marie ng kanyang mga gamit, naghahanda nang umalis sa lugar na iyon.
"Marie. H-Huwag mo naman akong i-ignore. Please." Nagmamakaawa ang boses ni Eros at maya-maya pa'y tumigil na sa pagbuhat ng bag si Marie. "Alam ko, makikinig ka sa akin." 'Di tulad ng kanyang ate, maunawain si Marie. Mabait, maganda, at matalino. Wala nang ibang mahahanap pa kay Marie. "Kung may free time ka pa, sana makausap kita nang masinsinan."
Itinigil ni Marie ang pagtatampo. Umupo siya muli at sumandal sa isa sa mga haligi ng building.
"Ano ba 'tong gulong pinasok mo, Eros?" Yumuko muna si Eros bago magsimula. Kung tutuusin, hindi niya alam kung paano magsisimula.
"Saan mo ako gusto magsimula?" tanong ni Eros. Paraan iyon para ipahiwatig kay Marie na kahit siya mismo, hindi niya alam kung paano ba niya napasok ang gulong iyon.
Bumuntung-hininga si Marie. "Sinabi sa akin ni ate kagabi kung ano'ng nangyari. Parang nagse-setup kayo ng isang typical love story, pagseselosin ni babae si lalaki, and they end up feeling for each other pala. Very... stupid." Alam na ni Eros ang gusto niyang ipahiwatig. May pagka-stupid nga na sumakay siya sa gustong mangyari ni Kie. "And what's more stupid, naniwala ka na si ate ang magiging daan mo para sa akin."
"Marie... alam ko naman yun eh. I could've been smarter and more brave na harapin ka at huwag kang idaan sa ate mo. I know I was stupid to go with her."
"Ang hindi ko matanggap, parang feeling ko super hard to get ako, and you don't trust the time I'm asking for you to wait. Sana naintindihan mo nung sinabi ko sa'yo that I'm not ready yet." At bumuntung-hininga si Marie, "And I don't blame you if you can't wait. It's been 1 year. Kung ganyan rin lang, then we should quit this."
"W-wait. Quit what?"
"Let's quit seeing each other again. Let's cut all the hopes of me giving my undivided attention to you."
At noon din, tumalilis nang takbo si Marie papuntang classroom niya. Iniiwasan ang humahabol na pagtawag ni Eros, and at the same time, ang titig ng mga tao sa paligid. Ilang segundo lang ay nag-ring na ang bell. Tanghali na. At lunch break na ng klase ng Townes.
Kung sa matagal na panahon napatunayan ni Eros na matalino at mahusay siya, sa pagkakataong ito, palakol siya kay Marie.
Dahil na rin siguro sa hindi niya nabili ang morning meryenda niya, naisipan niya na lang dumako sa canteen, habang unti-unting sinasampal ang imaginary cheeks niya sa mga bagay na nagawa niya kahapon. Sino ba naman ang mahuhulog sa prize na ibibigay ni Kie? Hindi ba mas madali na lang kung diniretso niya na lang si Marie at ipinagtapat ang lahat?
Shit!
'Yun ang sinabi ng kanyang isipan sa sarili. Tinanggal niya ang kanyang salamin, at bumuntung-hininga.
"Shitbag!"
'Yun naman ang nagwawalang boses ni Kie nang makita siya.