"ANG KAPAL NG MUKHA NIYA! Sa tingin niya hahabulin ko siya, tatanungin kung nasaan siya? Masyado yata akong maganda para gawin ko sa kanya 'yun no?" Lumalaki na naman ang butas ng ilong ni Kie. Mag-iisang linggo na, na hindi pa niya nakakausap nang matino o mahabaan si Eros magmula nang ilista ng binata ang "rules" na dapat niyang sundin.
"Sis, OK lang naman kasi rule number eight na huwag siyang iniistorbo kapag ayaw niyang magpaistorbo? Alam mo naman na baka nagre-review lang siya o kaya kung anuman 'yung kinakalikot niya sa computer niya 'di ba." Pagkahigop ni Elle sa Jungle Juice tetra, narinig na niya ang senyales na ubos na ito. "Huwag kang masyadong malosyang diyan kakahanap ng atensyiyon kay -"
"Well, I've got news for you and that is... hindi po ako naghahanap ng atensiyon ni Mr. Kuwago. Kapal lang niya. It just feels wrong, as if lower life form ako or something."
"Then it should be OK kasi you should be feeling the same way to him, right?"
Huminga nang malalim si Kie. Tama nga naman si Elle. Siguro tama lang na bigyan niya ng patas na tratuhan si Eros. "Hay, o sige na. So, what do you think of the rules he set?"
"Umm... fair nam-"
"What the fuck? You call this (nahablot na ni Kie ang papel na hawak ni Elle) fair? Alam mo kahit kailan puwede kong sirain ito, ibigay ko kay Ben, use it to wipe his big fat ass and incinerate it until all the crap stuff left in it burns!"
"At kahit kailan puwedeng masipa ka sa school na ito dahil sa kagagahan mo. 'Di ba?"
"Ambabaw."
"Tama lang."
Nakalimang cycle sila ng "ambabaw / mababaw"-"tama lang / OK lang" word fight nang masalubong nila si Eros. At dahil pinag-uusapan nga ng dalawa kani-kanina lamang si Eros, nagulat ang dalawa at natameme.
"Problema mo?" Si Kie.
"History project." Si Eros.
"What about it?" Si Kie ulit.
"No input from you." Si Eros ulit.
Humablot ng tatlong bond paper na may print si Kie mula sa plastic envelope niya. "Done?"
Nagbasa nang kaunti si Eros at ini-scan ang tatlong pahina. Blanko ang mukha nito nang sinabi niya, "Opinionated."
"Will comply." Si Kie ulit, at maya-maya pa, tumalilis papaalis si Kie hila-hila si Elle.
"Eh, gaga ka pala eh. Mukhang enjoy mo naman 'yung cold treatment niya eh."
Tumawa nang sarkastiko si Kie. "Yeah, and I can't imagine my life living without it."
"So nasunod rin siya sa Columbian epic niya?"
"Looks like it."
"Hoy bruha, huwag mo 'kong sampolan ng cold treatment mo ah. Isa pa, anit makikita sa bunbunan mo."
Bumuntinghininga si Kie. "I can go on like this forever." Sumama ang tingin ni Elle. "Hindi ikaw, si Ross. Kainis. Akala mo kung sinong matalino. Bakit, alam ba niya kung sino 'yung baroque painter sa France na sikat noon?"
"Uy! May bagong bentang brownies siguro ngayon sa HE Department, 'no?" Sa panahong iyon, nagtuturo ng baking ang HE Departmement sa mga third year students. At ang mga binebenta kadalasan ay brownies.
"You're not even listening."
"It's Eugene Delacroix." Sabi ng isang malalim na boses mula sa likuran. Nilingon ng dalawa ang pinagmulan ng boses at nakita nila ulit si Eros. "Humabol ako para sabihin na deadline ng writeup mo this Thursday. And... I thought hindi mo gusto ang idea na maging mag-boyfriend tayo, Kie. Can't you see I'm giving you a favor?"
"Ah OK, so after one week, naging si Brad Pitt ka at may karapatan kang magmaguwapo sa akin? I thought rule number 4 says na dapat gawin ang lahat para maging credible ang setup nating dalawa?"
"And my violations are...?" Si Eros.
"Hindi ba normal sa dalawang magkasintahan na at least makitang magkasama once a day? Lalo na at kung magkaklase sila at schoolmates pa? Eh paano ko makikita kay Ryan yung priceless jelousy sa mukha niya?"
"Well, you can count this one in." Tinutukoy ni Eros ang pagkikita nilang iyon. Matatawa na sana si Elle kung hindi lang siya inirapan ni Kie. "At wala naman si Ryan last week."
Sa loob-loob ni Kie, lampa talaga ang tisoy. "Since you violated rule number 4, can we call this setup done?"
"Not yet, kasi kung pagbabasehan natin yung sinabi mo, ang violation ko lang naman ay hindi tayo magkaroon ng isang normal dating setup. Tanong ko lang, may nagsabi na ba sa iyo na mukhang pinepeke natin ito dahil hindi tayo nagkikita?" Hindi sumagot si Kie. Wala pa naman kasi siyang naririnig mula sa ilan niyang kaibigan ang tungkol sa kanila ni Eros maliban na lang sa paghanga nila sa pagsuntok ng binata kay Ryan. "As I said, no rules violated yet. At sa tingin ko naman, wala kang problem kung hindi muna kita gagambalain, di ba? Baka gusto mo namang matuloy itong -"
"Baka gusto mong matuluyan?" Si Kie. "OK. Clear enough. Goodbye." At muli ay hinila ni Kie si Elle papaalis sa lugar na iyon.
"Siguro kung naging kalesa ako, ikaw yung kabayo." Banat ni Elle.
"At kinakampihan mo pa 'yung asungot na 'yun? Nalagay lang sa ninth rule na ikaw ang just and fair guide ng rules eh..."
"Well, for me to be fair and just, I have to let go of my biases. Medyo marami kasi akong bias sa iyo kaya akala mo inaaway kita ngayong wala na mga biases ko."
Hanggang four o' clock nang araw na iyon, hindi siya kinausap ni Kie.
"DON'T FALL IN LOVE with each other within the 100-day period... akala niya kung sinong guwapo para main-love ako sa kanya!" Si Kie.
"Uy, nagsalita na rin siya! Ang galing! Kani-kanina lang, parang bag mo yung kausap ko kanina." Si Elle.
"As in kailangan bang isama sa rules 'yun? Number 2 pa! Tapos eto pa. Rule number four: no more requests for instant assignments from each other. Akala ba niya ganun kadali manghingi sa kanya ng assignment? Napasama pa ako. Kapal! Mandatory pa raw ang at most one date per week. Sabagay, hindi niya sinabing at least one. Ibig sabihin puwedeng hindi mag-date in a week."
"'Sis, sabi ng kopya ko, at least one, tapos alternating kayo kung sino ang magbibigay ng idea kung saang place kayo pupunta."
Hinablot ni Kie mula kay Elle ang kopya nito, dahil noong nakaraang Sabado, "hindi nito sinasadyang" mapunit, gula-gulanitin, itapon at sunugin ang listahan dahil "nagdilim daw ang paningin nito." Binasa nga niya at tama si Elle.
"Rule number 6." Si Elle.
"Ah OK. So kinabisado mo ang konstitusyon ni Satanas?"
"Umm... Kinda. (Kumulubot ang mukha ni Kie.) OK. So isa-silent treatment mo ulit ako? Ganito. Wala akong nakikitang mali sa mga rules na nakalagay. Wholesome pa nga sila kung tutuusin, hindi ka ginawang slave or... white slave. Masuwerte ka nga 'yan lang inabot mo eh."
"100 Days ng kalbaryo ang nakasulat sa pambalot ng tinapang 'yan, Elle. Eh maski nga last rule niyan, parang nananadya eh."
"If one dies, the other party will be allowed to happily live his or her life forever." Binasa ni Elle ang nabawing listahan. "Oh, ano naman ang nananadya dun? Isipin mo, applicable din sa kanya yung rule, dahil kung namatay siya..." Natigil nang kaunti si Elle. "Naku. Isa ata ito sa mga senyales!"
"Anong senyales?"
"Na malapit nang mamatay si Eros! Baka may malala siyang sakit, tapos baka umibig ka sa kanya, tapos, tapos, maghisterya ka kapag nalaman mo ang katotohanan. Na -"
"Bumili ka na naman ng Korean series DVD?"
Tinakpan ni Elle ang bibig, parang sinasabing "Ay, pa'no mo nalaman?"
"Wala akong balak na dumalaw sa lamay niya. Mamatay man siya sa harapan ko, tatadyak-tadyakan ko pa rin siya kung gusto ko."
"That's the spirit! Oh di agree ka rin sa last rule, no? As long as you guys are focused to bringing back Ryan and Marie, pareho kayong magbe-benefit diyan."
Natauhan si Kie sa sinabi ni Elle. Oo nga naman. Sa benefit nilang dalawa ang gagawin. "Rule number 1." Nabulong na lang ni Kie.
"AT INAABANGAN MO TALAGA, AH!" Si Elle. Technical English ulit ang klase nila at hinanap nila si Eros. Wala siya sa kanyang upuan. Kakaiba ang klaseng iyon dahil hindi naman nagka-cutting class ang binata. "So, assuming applicable 'yung rule last week -"
"OK. Kung hindi mo napansing sinabi ko kanina, accidental lang ang date na iyon. May kiss and hug ngang nangyari, pero lahat ng iyon, aksidente. Root word: AKSIDENTE."
"At ang ipinuputok ng butsi mo ay, bukod sa may klase tayo ngayon at nagsusulat ng position paper, wala siya dito ngayon sa klase dahil ine-expect mo na ihahatid ka niya papunta sa dating place niyo? Sis, isang linggo pa lang ay in-love ka na sa kanya? Syeeet! Kinikilig na ako! At hindi ako makapaniwalang pinapatapos mo na ang mga sentences ko ngayon. Wuyyyy, silence means -"
"No. Busy lang akong iniisip 'yung position paper ko. Ikaw, may balak ka bang gawing dalawa yung paragraph niyang sinusulat mo?"
"Alam mo, mas inaabangan ko pa yung English class natin. Nakita mo na ba yung list of readings? 'Love in the Time of Cholera', 'Gift of the Magi' -"
"'Ulit' at 'na naman'... anyway, so ano ang gusto mong i-point out? Na first time sa buong buhay high school natin ay may sex education sa English?"
"Na first time tayong gagawa ng reaction papers about love! Panahon ko na para mag-shine!"
"Ng sapatos. Tamong puro kalyo sa puso ang binibigay sa iyo ng love na iyan."
"Kung ipinaglihi ka man sa ampalaya, or hindi problema sa iyo ang iron deficiency, please 'wag mo akong salinan ng bitterness mo, OK? Ang love naman, hindi ka dapat sinasaktan, or kung masaktan ka man, ibig sabihin -"
"Tanga kang naniniwala na puro sweet stuff ang love."
"Tanga ka para hindi maging masaya para sa minamahal mo."
"Romantic and noble."
"At least inamin mong hindi mo love si Ryan."
'Yun na, at tinamaan si Kie. "Positionnnn... paper... is... done. How about you?" 6 pm ang labas ng klase nila, at dahil mahusay na writer si Kie, 5:30 pa lang ay tapos na siya. Kaya puwede na siyang humarurot paalis, maiwasan lang ang pakikipag-usap kay Elle.
"You don't set rules on how your loved one should act for you. Ikaw ang nagse-set ng rules para mahalin ka ng mahal mo, para maramdaman mo ang dapat mong maramdaman." Si Elle, bago siya takasan ni Kie.
"Then I guess you've never loved anyone that deep. Mag-stay kayo ng dalawang taon at makikita mo, mage-expect ka rin sa kanya."
"I dunno. Parang barter trade ang dine-describe mo eh."
PAGBABA NI KIE SA MAIN BUILDING, napansin niya, sa may Gurad House na nakatingin sa kanya ang isang pamilyar at kinasusuklamang mukha. Hawak ni Eros ang "Naruto-inspired" na backack at parang inaabangan talaga siya. Sa loob-loob niya, parang nananadya ang kumag, at kumakantang "Pagmulat ng mata, ako ay nakatawa, sa Batibot!" Masyadong animated ang utak niya noon, pero nilapitan niya pa rin siya.
"Akala ko ba hindi mo alam ang lahat ng bagay? Bakit nag-cut ka ng klase?" Si Kie.
"Actually, pumunta na ako at nag-sit-in kaninang lunch sa klase ni Mrs. Padilla. Kung anuman 'yung tinuro niya, alam ko na ngayon."
"So bakit ka pa nandito?"
"Rule number 8."
"Which is?"
"I'll treat you for a date."
"And you really think na date yung nangyari sa atin last week sa Intramuros?"
"OK. Kung hindi, then when will I get your date? Kung puwede sana ngayon na, kasi busy ako the rest of the week for my review."
Kapal talaga ng mukha! "OK. So assuming na date talaga natin this week, ano naman kung ide-date mo ako ngayon?"
"So you're fine with me going out now?"
May choice ba ako? "'Wag mo lang ako iaalay sa diyos mo."
"Huh?" At muli ay winisik ni Eros ang kanyang ulo. "Kung ayaw mo, eh 'di maghintay na lang tayo dito. Kunsabagay, maaga pa naman eh."
"At ano naman gagawin natin dito? Aber?"
"Wala lang. Maghihintay na ihatid kayo ni Elle sa bahay niyo."
"Eh kung gusto ko nang umuwi sa bahay ko?"
Bumuntunghininga si Eros. "OK, sayang naman, gusto kong may makasama ngayon. Si Marie na lang kaya isama ko?"
"Eh di gawin mo yun?"
"And lets quit this contract, shall we?"
"Oh! 'Yun ba? Puwedeng-puwede, ngayon mismo!"
"O sige. By the way, papalapit na pala si Ryan, o."
At paglingon ni Kie sa likod, wala naman siyang nakita.
"Kinabahan ka ba?"
"Gago ka talaga!"
"So, kung ayaw mo na, mas ayaw ko rin. Ngayon, kung susunod ka sa akin, wala kang dapat ikabahala."
Sa pagkakataong ito, bumuntunghininga si Kie. "Why do I get this idea that I'm dealing with a devil?"
"'Wag kang mag-alala, wala ako sa rapist mode ko ngayon." At sa sinabing ito ni Eros, namutla si Kie.
SIX PM NA 'YUN, at ewan kung bakit paharurot na hinila siya ni Eros papuntang malapit sa Pedro Gil. May isang daan doon na may simbahan at sa tapat, may nagbebenta ng fried baga.
"Gusto mo? Gourmet nga pala gusto mo." Nananadyang sabi ni Eros.
"Wala akong ganang kumain."
"O sige, ser, walong stick!"
Hindi mawari kung saan siya binibitbit ni Eros. Hindi niya rin alam kung bakit ganun na rin lang karami ang binili nilang stick ng fried baga. Hindi naman siya kumakain 'nun. Hindi kaya dalhin siya ng kuwago papuntang isang madilim na lugar, at gawin ang masamang balak nito sa kanya? Na pagsasak-saksakin siya nito ng fried baga sticks? animated na talaga ang utak niya ngayon.
"Asa pang re-reypin kita." Nahuli na ni Eros ang mukhang iyon ni Kie.
"So, tapos na ang date natin? Nabili na natin ang gusto mo. Bakit hindi pa tayo umuwi."
"Hindi pa. 'Di ba sa date, nag-uusap yung dalawang tao, tapos kumakain sila?"
"Ano naman ngayon?"
"So that's a yes."
"Ano naman nga kung ganun?"
"You'll see."
At ngumisi sa unang pagkakataon ang binata. Hindi tuloy malaman ni Kie kung gulo o kamatayan ang pinasok niya.
"AYOS KA AH! So ito ang idea mo ng date?" Unang binasag ni Kie ang katahimikan.
"Define date."
"Not like this."
"Can't agree more."
"You mean...?"
"Thursday, after classes."
"Then what the hell is this?"
"Umm... Killing time?"
"Bastard!"
"Pakipot."
"You wish!"
Nasa Paco Park sila at nakaupo sa elevated archway ng entrance ng Paco Park. Maganda ang Paco Park sa gabi, at kung may salitang makakapagpinta rito, Picturesque marahil ang pinakamatinding salita.
"Ang date may candle light dinner!" Si Kie.
"Hindi rin. Bakit kayong girls, gustong-gusto niyo ang mga lalaking gumagastos para sa inyo? Bakit may impression ako na future kaagad ang iniisip niyo?"
"Paranoid ka lang kasi hindi ka makagastos ng date para kay Marie."
"So ibig sabihin para sa isang babaeng katulad mo, you don't mind if you split the bill?"
"Of course I do! Lalo na kapag isang antipatikong kuwago ang nang-imbita sa iyo."
"May point ka. Ayaw mo talagang kumain?"
"Hindi ako kumakain niyan."
"Bakit hindi?"
"Puro germs."
"So you think I'm worthy of being left out because I eat this?"
"Oo, at hindi lang naman 'yun eh. You're geeky, you're antipatiko, and you're nothing close to a man!"
"Kasi?"
"Kasi you can't stand up in front of a girl."
"Should I take it literally?" At tumayo nga siya sa harap ni Kie.
Pabulong niyang sinabi, "And you're supposed to be smart!"
Bumagsak ang talukap ni Eros. Bumuntunghininga siya at hindi niya alam kung tama nga ba ang ginagawang iyon. Umupo siya at sumandal malapit sa sinasandalan ni Kie.
"Kie. Alam mo ba kung bakit dinala kita dito."
"O, ba't parang nase-sense ko na magda-drama ka."
Nilaro-laro ni Eros ang dilaw na dahon ng akasya sa mga daliri niya. Nilapirot niya at pinabilog sa mga daliri. "Why do I have this idea na hopeless akong tao?"
Sabi na. "Did we climb up here just to ask me that?"
Nag-hesitate si Eros. "Siguro. For three years, naging tambayan ko na itong archway. Sa lugar na ito, madilim, pero feeling mo safe ka. Feeling ko humuhugis sa tama ang daan at pader to make me comfortable, feel superior. This is like my little world. I rule here."
Naghanap ng isasagot si Kie. Maya-maya, narinig nila ang huni ng ibon. "Narinig mo 'yung ibon?"
"Oo, laging ganyan 'yan kapag..."
"Kapag ano?"
Nag-atubili pa rin siya sa pagsagot. "Kapag ganitong oras."
Kinagat ni Kie ang kanyang labi. Binuhat niya ang dalawang hita at paharap na siyang sumandal, sa pader ng daanan, kay Eros. Bagama't nakatalikod pa rin ang binata, nakita niya ang kalungkutan sa paligid nito.
"Alam mo ba kung umiiyak ang isang ibon?"
"Hindi?"
"Ako rin eh. Hehe." At natawa sila pareho. Pagkatapos ay ilang segundo ng katahimikan. "Minsan kasi, ang ibon kapag umiyak, umaasa siyang may makakarinig. Sabi ko sa sarili ko, kung iiiyak ko lang ang lahat at hindi ako lalaban para sa sarili ko, mabuti nang mamatay na lang ako. Ang perception ko sa buhay, isa siyang napakahabang libro ng struggles. Hindi puwedeng idadaan mo lang ang lahat sa pagreklamo, sa pagtatanong, at aasa kang may sasagot sa iyo. Ikaw ang sumagot at ikaw ang humarap sa kung ano mang problema mo."
"Kelan ka pa naging Guidance Counselor ko?" Pareho silang natawa. Humarap si Eros kay Kie. Parang naging iba ang pagtingin nito kumpara sa kanina. Parang may himig na ito ng pag-respeto, ng paghanga. "Hindi ko alam kung bakit kaming mga academic winners, whiners pagdating sa maraming bagay. Minsan, akala ng mga tao, kuntento na kami na mag-isa. Akala ko rin sa umpisa, kaya kong mag-isa. Dumating si Marie, at nakita niya ang kalungkutan ko, at nakita niya na okey naman akong tao. Hindi ko 'yun nakita sa sarili ko, na magaling pala ako mag-gitara, na kaya akong kausapin nang masinsinan ng isang napakagandang babae."
"Alam mo, 'yan ang hirap sa mga sobrang talino eh, masyado kayong nadadala ng idealisms niyo. In reality, every rule is bent. Everything ideal won't realy make you happy. Everything that you should find from simple things, you won't really find. 'Pag na-disprove ang mga ideals na 'yan, wala lang, magmumukmok kayo dito sa Paco Park, feeling everything is lost."
"Don't you think I've already lost my everything because of this?"
"Tulad niyan. Ano ka ba! Kahit kailan puwede mo akong isuplong kay Canta, at walang mawawala sa iyo." Sa sinabi niyang iyon, medyo kinabahan siya. Baka nga makumbinsi ang mokong na isuplong siya sa Principal's Office.
"At si Marie?"
"Marie, Marie, Marie. Ano ba'ng meron sa kapatid ko at parang bitbit niya ang lahat ng mga sikreto't tagumpay mo? Loosen up. She's just... one girl."
"No, she's the only girl who could accept me..."
"... the way you are right now. Matanong ko lang. Na-try mo na bang maging katulad ng ibang boys sa campus? Similar to those who play basketball?"
"As long as it doesn't involve me taking out my nebulizer from my bag, I have no problem with it?"
Nebulizer? "Patingin nga..." at doon ay nakita nga niya ang mini-nebulizer ng binata.
"Why do I have this feeling na dumoble ang disgusto mo sa akin?"
"Hmm... let me see. Kasi lagi mong ipinapakita ang weaknesses mo eh. Try to look strong." Nag-isip nang kaunti si Kie, at nagtaka kung bakit ba pinapalubag niya ang kalooban ng walanghiya. "Ganito. Do you think you feel alone right now?"
"Siguro. Well, (tumikhim siya ng tawa) literally hindi..."
"Which shouldn't make you feel alone. Huwag kang masyadong madrama kung meron ka namang kasama. Tell me. Do you enjoy hanging out with me and Elle?"
"Other than having word wars with you, sa tingin ko nga, OK kayong kasama. Lalo na kapag gumagawa tayo ng plots against Ryan."
"Buti naman. Then I guess we should work this contract out to its fullest. Wala namang mawawala siguro sa akin kung kaibiganin kita, right?"
"Mabait ka rin pala."
Ngumiti si Eros. Napansin ni Kie na ngayon lang niya nakitang ngumiti si Eros nang mahigit sa tatlong pulgada.
"At anong ibig sabihin no'n?"
"Bakit, gusto mong bawiin ko?"
"Gago ka talaga!"
Maya-maya pa, humingi si Kie ng stick ng fried baga. Na-realize niya, masarap din pala ang kumain ng street food.