Manila Science High School. Isa sa mga pinaka-respetadong mataas na paaralan hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo na rin. Sa katunayan, dito nanggaling ang mga pinoy na nanalo sa Intel International Science Fair, na ginawaran din ng ilang mga literal na bituin sa langit upang ipangalan sa kanila. Dito nagsama-sama ang lahat ng mga magagaling na estudyante sa Pilipinas, maging taga-Davao man o taga-Cebu.